Chapter 6: Jedward

148 16 3
                                    

Pic of jedward on the side -->

Nilingon ko kung sino yung humawak sa balikat ko. Bigla kong tinakluban yung bibig ko sa nakita ko...

"Je-jed..ward?" utal-utal kong sabi.

"May hinahanap ka ba?" Tanong niya. Nakatingin siya sakin ng seryoso.

Bakit ganyan siya makatingin sakin. Hindi niya ba ko nakikilala?

"Ah...eh... Oo...yung ID ko kasi nawawala" sabi ko habang nakatitig sa mukha niya.

May kinuha siya sa bulsa niya "Eto ba yun?" Inabot niya sakin yung ID ko.

"Eto nga yun.." Nilagay ko na sa bag ko yung ID ko "Uhm... Thank you!" sabi ko at tinitigan ko ulit siya.

"May dumi ba sa mukha ko, Miss?" sabi niya na parang nagtataka.

Miss lang tawag niya sakin... Hindi niya ba talaga ko nakikilala?

Hindi niya ba tinignan yung ID ko para malaman niya kung ano yung pangalan ko at kung sino yung kaharap niya ngayon. Pakiramdam ko tuloy maiiyak na ko...

"W-wala naman... Sige, thank you ulit!" Tumalikod na ko sakanya.. konti nalang babagsak na yung luha ko.

Di pa ko nakakalayo sakanya nang bigla niyang banggit yung buong pangalan ko..

"Hyunah Faye Auden Callel"

Nanlaki yung mata ko sa narinig ko. Nilingon ko ulit siya at Nakita ko siyang nakangiti sakin. Yung ngiting yun, yun yung matagal ko ng hindi nakita.

"I'm happy to see you again!" Bigla na akong naiyak sa sinabi niya.

Lumapit siya sakin at niyakap niya ko ng mahigpit. Naramdaman ko na rin ang mga luha niya sa balikat ko.

"A-akala k-ko hindi mo na ko kilala" sabi ko habang umiiyak sa balikat niya. "Akala ko kasi... nakalimutan mo na ko" I said between my sobs.

"I will never forget you" Hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya ang luha ko.

"Tara let's ditch class, Marami pa tayong dapat pagke-kwentuhan!" Tumango lang ako at Hawak hawak niya yung kamay ko habang naglalakad kami. Buti nalang walang nakatambay na mga estudyante sa hallway.

Pumunta kami sa rooftop ng school na to. Masarap siyang maging tambayan kasi Malawak tas ang daming flowers, sabayan pa ng malakas na hangin. Umupo na muna kami sa bench.

"I'm so glad you're back! Kelan ka pa bumalik dito?" nakangiting sabi ni Jedward.

"Last month lang, May business na kasi si Daddy dito eh... Kaya umuwi na kami ulit dito"

"That's good to hear! Akala ko talaga mawawala na yung pangako natin sa isa't isa" He sighed.

"Akala ko din eh.. Akala ko hindi ko na makikita yung Prince ko." Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko.

"Hanggang ngayon din pala tinatawag mo pa rin akong Prince"

sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

"Prince naman talaga kita eh..." natatawa kong sabi.

"Buti ito yung pinili mong pasukan" 

"Yun na nga eh! saka sinabi ni mommy sakin na dito ka nag aaral kasi nakita ka niya dito nung bumibili siya ng uniform ko"

"Oh? Bakit hindi niya ako tinawag, namimiss ko na rin si Tita Sabina"

"Mukhang nagmamadali ka daw kasi kaya hindi ka na niya tinawag" Tumango lang si jedward.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon