Chapter 22: Preparing

33 0 0
                                    

Jedward POV.

3:00 am pa lang pero gising na ko. Nagpunta ako sa kwarto ni Ate jeanel para icheck kung nakauwi na ba siya o hindi.

"Bakit kaya hindi na naman siya umuwi." Pinatay ko na ang ilaw at Lumabas na ako ng kwarto niya.

Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Ate jeanel.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Bungad na tanong ko sakanya.

"Paano ako uuwi kung ang mga tao ko dito ay tatanga tanga!! Balak pang ipalugi ang company." Inis na sabi ni Ate. "Hay nako! Naiistress na naman ako."

"Pwede ba mamaya mo na lang ayusin yang problema mo. Umuwi ka na muna at magpahinga. Baka kulang lang kayo sa pahinga."

"Pwede ba wag mo ko igaya sayo na mahina ang katawan. 5 years ko ng hawak itong company na ito kaya sanay na ko sa mga ganitong hirap."

"Concern lang naman ako sayo ate. Ikaw lang naman tong hindi concern sa sarili mo at sa mga taong nasa paligid mo."

"Hahahaha.. Ikaw ang laging mag ingat lalo na't pagsasabayin mo pa ang pagiging artist mo at ang lovelife mo pag dating mo ng college. Hay, tignan natin kung di ka mastress."

"Kung gaano ako kabait, yun naman ang kabaliktaran mo."

"Osha.. Ano bang pakay mo?"

"Yung mga staff mo at gamit na sinabi ko sayo, asan na? Mga 5 am kasi pupunta na ko sa school para ayusin yung surprise ko kay Hyuna."

"Don't worry naka-ayos na lahat yan kanina pa. Tatawagan ko na lang yung mga staff ko para pasunudin na sayo."

"Okay. Thanks! Wag mo na istressin sarili mo dyan. Bye!"

"Goodluck brother. Bye!"

Pagkadating ko ng SE naabutan ko sila Jude, Flynn at Rocco sa labas ng parking lot at mukhang hinihintay ako.

"Kanina pa kayo?" Tanong ko.

"Hindi naman. Asan na daw yung mga staffs ng ate mo?" Tanong ni Flynn.

"Papunta na yun. Oh ano, na annouce mo ba yung pinapa-announce ko sayo?"

"Oo, sumang-ayon naman silang lahat. Pati yung mga kaibigan ni Hyuna nasabihan ko na din. Except lang yung mga bulok na Sparks Blink."

"Tara na!" Dumiretso na kami sa building nila Hyunah at Nagsimula ng mag ayos. Maya maya lang ay dumating na yung mga pinadalang staffs ni ate para tumulong samin.

"Jude, ikaw na bahala sa mga roses ha. Ayusin mo yung pagkakalagay, wag yung bara bara lang. Mag patulong ka na lang sa mga staff na wala ng ginagawa." Utos ko.

Abalang abala naman akong magisa sa pagdidikit ng sticky paper sa labas ng room nila Hyunah. Totoo pala yung mga nababasa ko sa mga sites na kapag gusto mo talaga yung tao, kahit yung ayaw mo gawin, gagawin mo para sa taong gusto mo.

"Jedward, okay na ba yung pagdikit ko ng mga pictures?" Tanong ni Rocco.

"Ang layo layo ko sa tingin mo ba makikita ko?" Nakangisi kong sabi. "Kung sa tingin mo ayos na, edi ayos na. Minsan rocco yung common sense mo pakigamit" Panloloko ko.

Itinaas niya ang middle finger niya sa harap ko habang tumatawa. Siraulo talaga tong lalaki na to.

7:30 ng matapos kami mag ayos. Punong puno ng balloons at may nakakalat na roses sa sahig ng hallway na dadaanan ni Hyuna mamaya. May mga nakadikit din na mga pictures namin nung mga bata pa kami sa mga pader at lockers na may mga caption pa at sa mismong tapat ng room nila may nakalagay na "Can i court you?" gamit ang mga iba't ibang kulay ng sticky paper na nakadikit sa pader.

9 am pa naman ang pasok ni Hyunah kaya pumunta muna kami sa Music room para magpahinga.

"Salamat sa tulong mga dude. Nagpadeliver nga pala ko ng makakain natin." Ani ko.

"Yun sakto! Hindi pa kami nag-agahan." Sagot ni Flynn.

Pagkatapos namin kumain tinignan ko yung oras. 8:10 na kaya naisipan ko na itext si Hyunah ng Good morning.

"Paano kapag nakita na kagad yan ng isa sa myembro ng Sparks Blink?" Nakapikit na tanong ni Rocco habang nakahiga sa sofa.

"Wala namang pake yung mga yun pag dating sa ganyan. Kung away pa yan, baka makielam pa sila." Sagot ni Jude.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang nag-uusap. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Rylie kapag nalaman niyang naunahan ko siya kay Hyunah?

"Ikaw rocco, kailan mo naman balak pormahan si Irish?" Tanong ni Flynn.

"Humahanap lang din ako ng timing. These past few days napapansin ko na madalas malungkot at wala sa sarili si Irish."

"Wow! Updated ka na sakanga ngayon ha" Pang-aasar ni Jude.

"Kasi dati kapag nakakasalubong ko siya, kapag nginitian ko siya, ngingiti din siya pero ngayon hindi eh. Hindi nga siya tumitingin sa paligid niya. Nung isang araw naman nakita ko siya sa library, may hawak siyang libro pero sa iba siya nakatingin. Parang ang lalim ng iniisip niya."

"Nagtataka pa kayo kung bakit ganun yun, dahil lang naman siguro kay Ace. Si ace lang naman sumira sa buhay niya" Singit ko. Natahimik naman silang tatlo sa sinabi ko.

"Basta pagkatapos ng araw na to, balik practice na ulit tayo. Malapit na ang battle of the bands kaya magpractice na tayo ng magpractice. Dyan na muna kayo, magpapahangin lang ako." Tumayo na ako at tuluyan ng lumabas ng music room.


--------

Welcome back sakin!!! ._.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon