Chapter 3: Bestfriend

160 19 2
                                    

Hyunah POV

Pagdating ko sa bahay, Sinalubong ako ni Misty. Ang alaga kong Syberian Husky.

"Hi Misty" Nilapag ko sa sofa yung bag ko at Nilaro laro ko muna siya.

Lumabas si Mommy galing sa Kitchen. "Kamusta ang first day mo baby?" tanong ni mommy. Lumapit ako sakanya at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Hmm.. Fine. May mga new friends na kagad ako" sabi ko.

"That's good. Sige na, Magbihis ka na at Ipapaluto na kita ng meryenda kay Manang Linda."

"Sige po mommy!" Sabi ko.. Paakyat na sana ako ng makasalubong ko sa hagdan si Kuya Hayden

"Oh! Nandyan ka na pala!" sabi ni kuya.

"Ay, wala pa! Picture ko lang to! Hindi pa ko to kuya!" Sabi ko sakanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Sige, Mambara ka nang ilaglag kita sa hagdan!" Sabi niya. Haha knowing kuya, Lahat ng sinasabi niya ginagawa niya.

"Joke lang naman kuya! Love you!" Niyakap ko siya at dali dali na akong umakyat papunta sa kwarto ko. Narinig ko pang tumawa siya ng malakas.

Umakyat na ko at dumiretso kagad ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. 


Rylie POV

Tapos na yung Practice namin. Magpapalit na kami ng Damit sa Varsity room para makauwi na.

Bigla naman may sumulpot na babaeng palaka sa harap ko -____-

"Hi babe!" Bati niya sakin sabay pulupot ng kamay niya sa braso ko. 

Si Lliah, yung Captain ng Cheering squad dito. Maganda daw siya pero ni minsan hindi ako nagandahan sa kanya saka saksakan pa ng Landi. Aamin ko, Isa siya sa mga naging babae ko pero di ko siya minahal noh.

"Namiss kita Babe!" sabay kapit niya sa braso ko.

"Ayiiiiiiiie!" pangaasar ng apat sakin.

"Babe mo mukha mo!" Pagsusunget ko. "Hoy palaka! Bitawan mo nga ko!" Inalis ko yung kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Bakit babe? Hindi mo ba ko namiss?" Aba at nagpout pa sa harap ko ang loka.

"HINDI!" pasigaw kong sabi saka ko siya nilayasan. 

"Banas yung mukha ni Lliah tol!" natatawang sabi ni Ellis

"Hayaan niyo na yung Palakang yun!" Sabi ko.

"Bakit ba patay na patay sayo yung babaeng yun?" sabi ni Joshua

"Sobrang gwapo ko kasi!" nakangisi kong sabi.

"Ulul! Oh, Mauna na ko sainyo.. susunduin ko pa girlfriend ko eh" sabi ni Joshua at tuluyan na siyang nag iba ng way. Mag 1 year na sila ng girlfriend niya pero hindi niya pa rin to pinapakilala samin.

"Ingat ugok! Tanga ka pa naman" sigaw ni Max

"Kelan naman kaya niya balak ipakilala satin yung girlfriend niya" sabi ni Ellis

"Ayaw niya ipakilala satin kasi daw baka ahasin mo" natatawang sabi ni Max

"Gago, hindi ko ugali mang-agaw ng syota ng kaibigan ko noh" Kahit kelan talaga tong mga ugok na to!  

"San ka nga pala uuwi ngayon, sa Bahay niyo o Apartment mo?" tanong ni Ace.

"Saan pa ba.. edi sa Apartment ko! Bakit pa ko mag a'apartment kung uuwi din pala ko sa bahay" 

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon