Rylie POV.
"Nakikita mo ba yung nakikita ko?" tanong ni Max habang nakadungaw sa hallway nang second floor.
Nandito kami ngayon sa second floor since sarado yung Varsity room namin dahil naiwan ni Ellis yung susi sa bahay nila. Iba talaga ang nagagawa ng tanga!
Dumungaw din kami at tinignan namin yung sinasabi ni Max. Nakita namin sina Hyunah at Jedward na nagtatawanan at magka-holding hands habang naglalakad papunta sa cafeteria, may kakaibang kurot akong naramdaman sa dibdib ko.
"What a sweet moment!" nakangising sabi ni Joshua na nakatingin pala sa akin.
"Basta basta ka na lang ba magpapatalo dyan?" sabi naman ni Ace sabay akbay sakin.
Lahat nalang ng bagay kahati at kaagaw ko siya. Okay naman na sakin lahat yun kaso, pati ba naman yung ka-una unahang tao na minahal ko aagawin niya pa sakin. This time hindi na ko magpapatalo sa kanya.
"Ano ako bali? Hindi na ko papayag na magpatalo sakanya noh!" sambit ko pero ang mga loko nagtawanan lang.
Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano, maya-maya may biglang sumita sa amin kaya napalingon kaming lima.
"Hoy! Hoy! Hoy Sparks Blink!" sita samin ng matandang faculty staff dito sa SE. "Ano na namang kalokohan ang binabalak niyong gawin dito ha?" Pinagtuturo niya kaming lima ng dala-dala niyang stick.
Siya si Boni, Bonifacio ang pangalan niya pero Boni lang ang tawag naming lima sa kanya. Mahilig siyang manita ng mga estudyanteng madadaanan niya, isa na kami dun. Galit na galit siya saming lima dahil kami daw ang pasimuno ng kalokohan at katarantaduhan dito sa SE.
"Grabe ka naman samin Boni, Kapag nakatambay dito may binabalak na kalokohan kagad?" sambit ko. "Hindi ba pwedeng nagpapalipas oras lang kami dito dahil naka-lock yung Varsity room. tsk.. tsk.. Bakit namiss mo ba kami tumambay dito ha Boni? pwes, eto na kami.. tadah!" Tumawa na naman sila dahil sa sinabi ko.
"Alam mo Boni, kung ako sayo nasa bahay nalang ako, nagpapahinga, umiinom ng kape at nanonood ng tv" natatawang sabi ni Ellis. Nakipag-apir pa sakin.
"Kung anong magandang ugali meron ang The Heartens yun naman ang wala sainyo!" Inis na sabi ni Boni samin habang hinahampas niya yung stick sa palad niya.
Nilapitan ko siya at binigyan ng masamang tingin.
"O-oh? Wrong move!" sambit ni Max. "Boni, wag mong ginagalit ang dragon, masama magalit yan! Pumapatay este bumubuga ng apoy yan! Bahala ka, ikaw din!"
Tinasan ko siya ng kilay. "Ayoko sa lahat yung pinagkukumpara yung barkada ko sa mga wala namang binatbat na tao kagaya ng The Heartens mo" lumayo siya ng konti sa akin.
"Tara na mga brad, wag na natin pag-aksayahan ng oras to" Nag smirk ako at nilagay yung dalawang kamay ko sa bulsa ko at lumakad na kami palayo kay Boni.
"Ligawan mo na kasi si Hyunah, para naman hindi ka na magselos diyan" sabi ni Joshua.
"Hindi naman kasi ganun kadali yun mga brad, Humahanap pa ko ng tamang oras at panahon. Ayoko kasi biglain si Hyunah!" Napapikit nalang ako.
"Ang sabihin mo natatakot ka lang! Natatakot ka kasi baka ireject ka niya at mawala yung pagka-kaibigan niyo" nakangising sabi ni Ace.
Hindi ako makatingin sakanila kasi tama sila, natatakot ako. Natatakot kasi ako na baka kapag umamin ako, hindi niya na ako matanggap. Baka yung pagkakaibigan namin, biglang mawala na parang bula. Ayokong mangyari yun!
"Ahmmmm... kung ako sayo sundin mo yung sinasabi ng puso mo!" sambit naman ni Ellis.
"Eh, pano kung pipi yung puso niya? saka sa pagkakaalam ko puso ng saging ang meron si Rylie!" singit ni Max.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Novela Juvenil"My first love, I'll never forget, and it's such a big part of who I am, and in so many ways, we could never be together, but that doesn't mean that it's not forever. Because it is forever." - Hyunah Diba ang "The One" eh ang True love mo o ang grea...