Jedward POV.
Nandito kami ngayon sa Music Room. Excused na kami parati sa last subject namin dahil yung teacher namin sa subject na yun ang may hawak sa Banda namin.
"Hmmm... hmmm~" Practice ko sa tono ng kantang ginawa ko.
"Ano yan jed?" Tanong ni Jude habang nag totono ng gitara. "Panibagong kanta na naman ba para kay Hyunah?"
Tumango lang ako habang patuloy na naghuhumming.
"Alam mo jed, pangatlong gawa mo na ng kanta yan para kay Hyunah." Sambit naman ni Flynn na kakalabas lang ng CR dito sa loob ng Music room. "Kelan mo naman yan kakantahin sa kanya, aber!?"
Nilingon ko sila at nginisian. "Inspired kasi ako kaya napapadalas na ang pagsulat ko ng kanta. Hindi tulad niyo na kung ano ano lang sinusulat niyo"
"Kailan mo naman kakantahin kay Hyunah yang mga ginagawa mong kanta para sa kanya ha?" Sabi ni Rocco na nakatayo at naka-pamewang pa sa tabi ko.
"Soon"
"Soon?" Sabay nilang tanong.
"Malapit ko na siya ligawan" Halatang nagulat sila sa sinabi ko, mga 5 seconds din nila akong tinitigan tas nagkatinginan din sila. "Yung isang kantang ginawa ko, yun ang kakantahin ko. Kaya jude, dapat pag aralan mo na yung chords nun!"
"Yes boss" Sagot ni Jude sabay stram ng
gitara."Para saan naman yan?" Nakanguso tanong ni Flyn habang nakatingin sa papel na hawak ko.
"Eto?" Tinaas ko yung papel na hawak hawak ko. "Birthday gift ko kay Hyunah. Malapit na kasi yung Birthday niya. Wala pa nga sa kalahati yung nagagawa ko oh." Inabot ko sa kanya yung kopya ng kanta ko. "Pero nagawan ko naman agad ng tono, madali lang naman kasi hindi tulad ng isa kong ginawa"
Tinignan at binasa niya ang lyrics nito. Nakitingin na din yung dalawa. Sumulyap si Jude sakin ng nakangiti. "Parinig mo naman samin ngayon to ohh"
Tumango ako at Nagsimula ng tumayo at dahan dahan pumunta sa pwesto ng piano dahil sa daming wirings na nakakalat sa sahig.
"Okay, sige!" Sabi ko pagka-upo sa harap ng piano.
Do you remember when I said I'd always be there.
Ever since we were ten, baby.
When we were out on the playground
Playing pretend.
Didn't know it back then.
Sinabayan din ni Jude ng tugtog ng gitara para mas marinig ang beat.
Now I realize you were the only one
It's never too late to show it.
Grow old together, Have feelings we had before
Back when we were so innocent
I pray for all your love
Girl our love is so unreal
I just wanna reach and touch you,
Squeeze you, somebody pinch meThis is something like a movie
And I don't know how it ends girl
But I fell in love with my Best Friend
"That's it. Okay ba?" tanong ko.
Tumango siya. "Maganda nga!" Sambit ni Roco. "May sweetside ka rin pala"
"Kelan ka ba nakarinig ng panget na kanta na nang-galing sakin?" Nakangisi kong tanong.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Jugendliteratur"My first love, I'll never forget, and it's such a big part of who I am, and in so many ways, we could never be together, but that doesn't mean that it's not forever. Because it is forever." - Hyunah Diba ang "The One" eh ang True love mo o ang grea...