Hyunah POV.
Ang aga ko nagising kahit sabado ngayon. Bumangon na ko at dali daling binuksan ang laptop ko.
Pag open ko ng Facebook ko ang daming notification at friend request ang bumungad sakin. In-add din ako ni Jedward at ni Rylie pati nung apat niyang kaibigan. In-accept ko silang lahat, tutal mga kilala ko naman sila.
Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at nakita ko si Kuya Hayden na nakatayo sa may pintuan.
"Oh, gising ka na pala!" sambit ni Kuya. Gusto ko sanang sabihin Hindi pa, tulog pa ko, nanaginip lang ako! kaso baka magalit sabihin ang aga aga nanloloko na ko.
Nilog-out ko na ang Facebook ko at agad kong sinara ang Laptop.
"May naghihintay nga pala sayo sa ibaba" Nanlaki yung dalawang mata ko sa sinabi ni Kuya kaya humarap ako sakanya.
"Ha? Sino naman??" Tanong ko.
Nakaka-pagtaka Sino naman kaya ang pupunta ng ganito kaaga samin. Masyado pa namang maaga para pagtripan ako ni Kuya.
Nagkibit balikat lang siya at tuluyan ng umalis sa tapat ng kwarto ko. Nacurious tuloy ako kung sino yun. Inayos ko muna yung pinaghigaan ko at dali dali akong bumaba ng hagdan.
Pagkababa ko sinalubong agad ako nila Ate Savannah at Ate Stellah. Teka? yung dalawa kong Ate nandito na? Waaaaaah!
Dali-dali ko silang niyakap, niyakap ng sobrang higpit, niyakap din nila ako at doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
"Ate kelan pa kayo umuwi galing Italy?" tanong ko.
"Kagabi pa kami nakauwi, actually alam nilang lahat na uuwi kami" sabi ni Ate Sav.
Namiss ko talaga sila ng sobra lalo na yung boses nilang dalawa.
"Sayo lang namin hindi pinasabi kasi balak talaga namin na isurprise ka" Excited na sabi ni Ate Stellah.
"Panget ka daw kasi kaya ayaw nila ipasabi sayo!" Pangaasar ni Kuya saken. Inirapan ko lang siya.
"Kamusta naman ang maldita na little sister namin?" sabi ni Ate Sav in a sarcastic yet loving way.
"Ate naman eh! Hindi pa rin kayo nagbabago, lagi niyo pa rin akong niloloko tulad ni Kuya Hayden" Tumawa silang dalawa sabay kurot ni Ate Stellah sa pisngi ko.
At dahil nandito na sila Ate. May taga pagtanggol na ko, kapag inaaway ako ni Kuya.
"Bakit, lagi ka bang niloloko ng Kuya Hayden mo?" Mataray na sabi ni Ate Sav habang nakatingin kay Kuya Hayden na umiinom ng kape.
"Opo ate sav! Walang araw na hindi niya ko inaasar tsaka inaaway!"
pagsusumbong ko sabay pagpapa-cute sa dalawa kong Ate. Binigyan ako ni Kuya ng masamang tingin.
"Hoy! Kuya Hayden! Ba't mo inaaway
yung little sister namin ha?" Reklamo ni Ate Stellah.Masarap asarin si Kuya. Ang cute kaya ng mga reactions niya sa mga sinasabi nila Ate.
"Wag kayo maniwala sa panget na yan! Hindi ko inaaway yan noh! Alagang alaga pa nga ko diyan tapos aawayin ko pa" Natatawang sabi ni Kuya Hayden. I raised my eyebrow to him and he smirked at me.
"May pasalubong nga pala kami sainyo!" May kinuhang paper bags si Ate Sav sa maleta niya.
"Oh eto, para sayo to lil sis!" Kinuha ko yung inabot na 3 paper bag ni Ate Sav sakin at tinignan ko agad ang laman nito.
"Oh em gee!" Totoo ba tong nakikita ko, isang Macbook air tsaka New dress & 5 jewelry set. "Waaaah... Thank you so much Ates!" Nagtatatalon ako sa sobrang tuwa. Natatawa na nga lang silang lahat sakin eh.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen Fiction"My first love, I'll never forget, and it's such a big part of who I am, and in so many ways, we could never be together, but that doesn't mean that it's not forever. Because it is forever." - Hyunah Diba ang "The One" eh ang True love mo o ang grea...