05

202 7 1
                                    


-

nakatitig lang ako sa kalsada habang naglalakad pauwi, iniisip ko yung sinabi sakin ni seungkwan kanina, totoo? siya pala yun. hindi ko rin maintindihan pano niya nakuha si mingyu. ginayuma niya? amputa.

bigla naman akong nagulat ng tumunog yung cellphone ko mula sa bulsa ng blouse ko, agad ko namang kinuha yun, nagaakalang may nakapansin na ng post ko sa twitter.

nakita ko naman yung caller id na nakapaskil yung picture ng isang tigre. i rolled my eyes before answering his phone call. fuck it. paasa. mabuti nalang at kaibigan kita, kung hindi binalibag na talaga kitang tigre ka.

"oh? problema?"

grabe naman, parang di ako miss.

"ano kailangan mo ba?"

di mo man lang ba tatanungin kung bat di ako pumasok kanina?

"hindi ako magtatanong kasi alam kong isasagot mo, kung miss ba kita. basang-basa na kita. ano ba kailangan mo?"

hmmm....

"tsk, bakit ba hindi ka pumasok?"

yieeee! natanong na din niya.

"pag di ka sumagot ng maayos ibaba ko na"

nahihilo kasi ako at nagsusuka, hindi muna ako pinapasok ng mudra ko.

tumango-tango naman ako sa sinagot niyang yun. "mag paggaling ka para makapasok ka na at may kasama na si seungkwan pauwi." sabi ko naman, he hummed in reply.

magiingat ka. $#m&*#l!&

"ano? ayusin mo pagsasalita mo"

wala! HAHAHAHA mag ingat ka

magsasalita pa dapat ako ng ibaba niya yung phonecall. problema ng walang matang yun?

ibabalik ko na sana yung cellphone ko sa bulsa ko pero may tumawag na naman, i sighed hard before answering the phone call.

"ano na naman horangh-"

is this pranpriya manoban?

nanlaki naman yung mata ko sa narinig ko, babae yung boses niya at halatang hindi talaga si hoshi.

sasagot na sana ako ng biglang mamatay yung cellphone ko. putangina naman talaga, blessing na magiging bato pa. ang malas naman talaga kung kailan may trabaho na tsaka pa nalowbat yung cellphone ko

"tignan mo nga naman, makikita pala kita ulet, may utang ka pa sakin." bigla naman akong napatayo ng tuwid. bakit ba malas ako ngayong gabi? nakita ko talaga tong demonyong to? "tara sumama ka, wag ka ng tumakbo kung gusto mo pang umabot hanggang bukas."

wala na akong nagawa dahil nahuli na niya yung braso ko, kayo ng bahala sakin lord kung may gagawin mang kademonyohan tong palakang kokak na to.

"wag kang assuming, wala akong gagawing masama sayo. di ka naman maganda." hinampas ko naman yung kamay niyang nakahawak sa braso k, gamit yung isa kong kamay.

"demonyo ka eh, kahit di ako maganda kung may gagawin kang masama, gagawin mo talaga. mas maganda na yung mag dadasal agad." tumawa naman siya sa sinabi kong yun, unti-unti na lumuwag yung pagkakahawak niya sa braso ko.

ano kayang problema nito? "san mo ba ako dadalhin?" hindi niya ako sinagot at patuloy lang sa pag lalakad. sinundan ko lang siya kasi baka pag tumakbo ako, di na ako makaabot ng buhay bukas. hayst. bahala na talaga si batman.

PAID WIFE [K.M x L.M]Where stories live. Discover now