"ganyan mo ba kamahal asawa mo? kailangan sa pag papaalam sa kuya ko kasama ka?" kitang kita ko ang reaksyon niyang naririndi na, pero hindi niya ako pinansin.
kanina sa hapag kainan ko pa gusto itanong yan sakanya, ang kaso ayokong mas lalong magalit yung kuya niya so i kept my mouth shut. hindi din ako sinabihan ng 'take care sa daan' ni wonwoo. well, bakit niya sasabihin yun pranpriya? sino kaba?
"stop talking and get inside the car bago ko lagyan ng tape yang bunganga mo" masungit niyang sabi at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse niya. tinarayan ko siya bago pumasok sa kotse niya at halatang nainis siya kaya nilakasan niya yung sarado ng pinto.
gusto kong sipain yung kotse niya pero halatang bago pa naman at hindi pa nagagamit. bukod pa doon, mukhang mamahalin din siya. kaya mas pinili kong manahimik nalang at isinandal ang likod ko sa sandalan ng upuan. umikot siya at sumakay sa driver seat, bago pinaandar ang kotse.
tahimik lang kami, awkward pero ramdam pa din ang heavy atmosphere. ramdam ko pa ding naiinis siya sa nangyayari, ganun din ako 'no. naiinis ako sa mukha niya. kung dati favorite ko siyang makita sa tv ngayon hindi na.
"saan yung daan papunta ng bahay niyo?"
tinuro turo ko lang yung daan bago kami makarating sa bahay, medyo kalayuan from his mansion pero dahil walang traffic, nakarating kami agad.
pagkababa ko palang ng kotse kinabahan agad ako. anong sasabihin ko kay kuya?
tada! kuya asawa ko na si gyu
kuya titira na kami sa iisang bahay, bye bye
kuya, titira na ako sakanya. i'm sorry kailangan kitang iwan
kuya, si mingyu. asawa ko na, at titira kami sa iisang bahay simula ngayon.
kuya, nabuntis ako ni gyu so kailangan ko siyang pakasalan—
"ano ba? tatayo ka lang ba diyan?"
umirap naman ako nang marinig ko yung boses ni mingyu. padabog akong lumapit sakanya at hinawakan yung braso niya, agad naman nagbago yung expression niya. hindi maipinta yung mukha niya. "ano bang ginagawa mo?"
sabi niya't binawi yung braso niya mula saakin "ipapakilala kita sa kuya ko, syempre alangan namang sabihin ko kuya, si mingyu pinilit akong ipakasal sakanya"
"ang kapal ng mukha mo, hindi kita pinilit."
"pero kailangan mo ako para maayos yung pangalan mo" he scoff and lean close to my face. ilang inches lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
"i don't NEED you. kung ako lang ang may hawak ng desisyon para sa sarili ko, i will choose to just let them throw a dirt to my name than to marry a girl like you."
aaminin kong nasaktan ako sa sinabi niya. nilayo na niya yung mukha niya sa mukha ko, dahilan para makahinga na ako ng maayos. malamang amoy steak pa nga siguro yung hininga ko.
"okay"
yun nalang ang nasabi ko, pilitin ko mang huwag ng isipin yung mga sinabi niya pero nag e echo pa din sa utak ko. inunahan ko siyang pumasok sa bahay. i take a deep breathe before twisting the door knob.
tumingin ako sa paligid at nakita si hoshi at si kuya sa sala, nag kwekwentuhan habang nanonood ng basketball. agad naman akong napansin ni hoshi at kumaway na parang bata kaya naman lumingon sa gawi ko si kuya.
"akala ko ba mag papa check up ka sa doctor kasi nagdudugo yung ilong mo?" tanong ko kay hoshi at nag kibit balikat lang siya "joke lang yun, tyaka ayokong kumausap ng english spokening dollars, nakakasakit ng ulo"
pabiro niyang sabi, tumawa naman ng mahina si kuya. paano ko ba 'to sasabihin. "totoo bang pinuntahan ka nung kapatid nung artistang si mingyu?" lumaki naman yung mata ko sa sinabi ni kuya. agad lumipat yung tingin ko kay hoshi, he's avoiding it so i could tell na siya nag sabi.
"about that kuya. ." lumingon ako sa pinto at saktong bumukas yun "is your brother is home?" mahinahong tunog ng boses ni mingyu. napakagat ako ng labi ng iniluwal ng pinto yung matangkad na si mingyu.
"putangina—" i heard hoshi cursed dahilan para mapapikit ako ng mata sa sobrang hiya at syempre kilig na din.
"yes, he's. . . . . . . home"
halatang gulat si kuya pero nangibabaw sa emosyon niya yung katanungan kung bakit siya nandito. bakit nandito yung sikat na artistang may issue at mainit sa mata ng nakararamihan.
"hello, it is nice to see you. i'm mingyu, her fiancé"
"fiancé, huh? aren't you have a girlfriend already?" kita kong inis na sabi ni kuya.
"kuya, can we discussed about it formally? ikwekwento ko at sasabihin lahat"
"mauuna na ako. kuya, salamat sa libreng snack. bye bye!" pag mamadaling alis ni hoshi, he even tap my shoulder softly and bow to mingyu, mingyu didn't hesitate to bow back to him with a smile plastered in his face.
ngayon ko lang siyang. . . nakitang ngumiti sa personal.
and he's more likely handsome when he wear that smile.
i hope he could wear that smile everyday, without anyone throwing hate and judging him.
i wish.
YOU ARE READING
PAID WIFE [K.M x L.M]
Fanfictionstarted ; aug 21 2020 end ; - 'TAGLISH' grammatical errors ahead!!!