25

99 9 4
                                    


   
  
umagang umaga ay ginising ako ng selpon ko. akala ko ay alarm clock pero masyado pang maaga para sa tunog ng alram ko. kinapa kapa ko yung table na katabi ng kamang hinihigaan ko para mahanap yung phone ko.
  
  
" hoy, lalisa. lumipat ka na talaga ng school? "
  
   
"bwiset, ang aga aga hoshi."
   
   
napabangon ako sa hinihigaan ko. tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang madilim pa. " hindi mo kasi kami ina-update sa mga ganap mo sa buhay diyan. " napasambunot ako sa buhok ko ng makitang alas kwatro palang ng madaling araw. "Verisamilizon Academia?" nagising naman ako nung nasabi niya yung pangalan ng school ko. "paano mo nalaman?"
   
   
" wala, hula ko lang. diyan maraming nag-aaral na pop-star at artist. " tumawa naman siya na lalo akong pinakaba. "hoy hoshi. wala kang pagsasabihan."
   
   
" wala akong pagsasabihan, sarado po ang bibig ko. pero pagdating kay seungkwan. alam mo naman~" pakanta niyang sabi. bwiset. hindi naman sa wala akong tiwala sakanila, pero hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan nilang malaman ang lahat. sabi nga nila diba, even your friends can betray you.
  
  
" hey promise, wala akong pagsasabihan. si seungkwan lang o kaya kuya mo. " napansin niya atang hindi ako umiimik at tahimik lang. wala namang problema kay kuya, alam niya naman lahat, lagi ko siyang inuupdate. pagtapos kong kausapin ng masinsinan si hoshi ay binaba ko na ang tawag.
 
 
parang kahapon lang nung nag enroll ako sa Verisamilizon academia. isang linggo na pala ang nakakalipas nang sinamahan ako ni wonwoo na mag enroll sa Verisamilizon academia. isang linggo na din akong hindi kinakausap ni mingyu.
   
   
pagkatapos kasi nung meeting na kasama si tzuyu, hindi na niya ako kinakausap or tinitignan man lang. well, hindi naman big deal yun. edi wag niya akong kausapin, pake ko? ang trabaho ko lang naman dito ay maging fake wife niya, hindi maging kadaldalan niya. walang dagdag sweldo naman yung pakikipagusap ko sakanya, nasasayang lang ang laway ko pag ganoon.
   
   
sinubukan kong matulog ulit pero kahit pumikit ako ay gising yung diwa ko. bwisit si hoshi. pwede namang mamaya nalang niya ako tanungin at guluhin. sinong matinong tao ang tatawagan ka sa madaling araw?
   
  
sinipa ko yung kumot at diretsong tumayo at pumunta na sa banyo. naalala ko kasing pasukan na namin at kailangan kong maghanda ng maaga dahil nga malayo yun mula dito. hindi ko tuloy alam kung paano ko kakausapin si mingyu. like, syempre magpapahatid ako, alangan namang maglalakad ako. kung mag g-grab naman ako, pwede naman. kaso nga lang wala akong pera. kaya nga ako nagt-trabaho para mag-kapera.
   
    
sa bathtub nalang ako nag palipas ng oras. hindi ko din alam kung kaya ko bang kumain kasama siya. simula nga kasi nung araw nang meeting he start avoiding me na, siguro dahil sinagot sagot ko si tzuyu sa harapan niya. hindi naman lahat ng sinabi ko ay sinasadya ko. ang yabang kasi niya at sobbrang taas nang tingin sa sarili. plus, nag flashback lahat ng ginawa niya sa kuya ko.
  
    
   
   
  
hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa bathtub dahil sa kakaisip kung paano nga ba ako mag c-commute papuntang university ko. nataranta akong bumaba ng bathtub at ipinalupot sa katawan ko yung malaking tuwalya. maaga pa naman pero tulad ng sinabi ko malayo dito ang Verisamilizon academia at hindi ko pa alam kung asan ang daan papunta doon. kakain pa ako. nilalamig naman ako pagkalabas ko ng bathroom. first day pa naman ako bilang transferree kaya pwedeng hindi mag uniform. hindi ko pa kasi nakuha yung uniform ng Verisamilizon. naglabas lang ako ng mint blue tshirt, kakulay ng unifrom namin. kinuha ko yung phone ko. minamalas ka nga naman ay lowbat pa. 15%. siguro naman ay pwedeng mag charge sa milizon no?
  
    
  
matapos kong mag bihis ay lumabas na ako at dumeretso sa kitchen para mag luto ng itlog. kaso pagkabukas ko ng refrigerator ay wala ng laman yung tray ng itlog. narinig ko naman ng rambol yung tiyan ko, gutom na ako. pwede naman sigurong kumain sa klase no? letcheng first ng school, nagkamalas malas. tubig na lang ang ininom ko. take note nag mamadali ako kaya muntik ko pang mabasag yung baso, buti at nasalo ko.
    
    
narinig ko din kasing may gumagalaw sa sala, wala namang ibang tao sa sala kundi si mingyu dahil doon siya natutulog. ayoko siyang makita, makasalubong o kung ano pa man kaya mas lalo akong nagmadali.
    
    

PAID WIFE [K.M x L.M]Where stories live. Discover now