12

159 2 0
                                    

sa sobrang pag kagutom ko napilitan nalang akong sumama kay hoshi. syempre malay mo, ilebre ako diba. tatanggi pa ba sa grasya.

pumunta kami sa mcdonalds, na malapit lang sa plaza. buti nalang talaga at may dalang extra money si hoshi, at maiilibre niya ako. umorder nalang ako ng burger at coffee.

syempre kahit kaibigan ko 'tong kaharap ko marunong pa din akong mahiya. lalo't alam kong mas marami siyang kakainin ngayon, malakas siyang kumain kaya for sure marami siyang oorderin.

kahit na rin naman ubusin niya yung tinda ng mcdo hindi padin siya tataba, yung pisngi lang niya yung tumataba imbis na yung katawan niya.

infierness din sakanya kasi nag g-gym siya, kaya siguro hindi tumataba.

nag-usap lang kami tungkol sa nangyari kagabi, kung paano ako pagalitan ni kuya dahil late ako, kung paano kunin yung selpon ko kagabi, kung paano nagalit si kuya.

"sorry talaga, mas napatagal ka nang pag-uwi dahil saakin." sabi niya, tumango lang ako at saktong dumating na yung pagkain. kanina pa ako nagugutom paggising pa lang.

"kaya din ako pumunta sa bahay niyo para kausapin yung kuya mo and ipaliwanag sakanya na natae ako kagabi kaya-" napatigil siya sa pagsasalita ng sipain ko mula sa ilalim ng upuan yung binti niya.

sinamaan niya naman ako ng tingin at ganon din ako. "we're eating, don't you see? tapos yung topic mo is pupu?" natawa naman siya sa sinabi ko at tinaas yung kanang kamay niya't nag peace sign.

i've sighed hard. sinadal ko yung sarili ko sa upuan. "nawalan tuloy ako ng gana" nakatitig lang ako sa burger na inihain ng waitress sa table namin. agad ko namang narinig ako pag tawa niya nang mahina.

"ang arte mo, subuan nalang kita" sabi niya't akmang kukunin yung burger na nasa harap ko pero agad kong natabig yung kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

ngumisi lang siya at sinimulan niyang kumain.

_

mabilis na lumipas ang oras at mag-gagabi na, pag tapos namin kumain kanina sa mcdo ay dumaan kaming gym kung saan pala nag g gym si hoshi, nag gym nadin ako kanina pero mabilis lang din akong napagod.

pawis na pawis rin dahil maghapon kaming naglalakad lakad nang tirik yung araw.

bago pa mag dilim ay napag pasyahan kong umuwi, dahil baka magalit na naman si kuya at pati laptop ko ay kunin.

sinamahan ako ni hoshi hanggang sa bahay. hihintayin namin si kuyang makauwi dahil nga katulad ng sinabi niya kanina, kakausapin niya si kuya at mag hihingi siya ng sorry at ipapaliwanag niya yung totoong nangyari bakit ang tagal naming nakauwi kagabi.

pagpasok namin sa bahay ay agad siyang naupo sa sofa, nakapatong pa ang dalawang paa sa table na nasa harap niya.

"feel at home ka? hindi ka muna naghintay na sabihin kong umupo ka muna?" pagsaway ko sakanya, pero tinawanan niya lang ako at kinuha yung remote para buksan yung tv. dumeretso lang ako sa kitchen at kumuha ng tubig.

habang nagsasalin ng tubig sa baso ay kitang kita ko ang pagtayo ni hoshi at naglakad palapit saakin, hindi ko siya pinansin at kinuha yung basong nangalahati na ang tubig.

i was supposed to drink it but someone snatch it from my hand. last thing i knew ay nilapag na niya yung basong wala nang laman sa lamesa.

"bastos kaba? where's your manners?!" sigaw ko, he just let out a chuckle.

"where's your manners?" pag-ulit niya sa sinabi ko na halatang nangaasar. kanina pa ako punong puno dito eh.

akma ko na dapat siyang susugurin pero hindi pa ako nakakagawa ng galaw ay bigla niyang hinubad yung t-shirt niya.

my eyes widened and roam my eyes around his body. how can he have a six pack abs tapos ang lakas niyang kumain? "ang init naman, wala bang aircon dito sa sala niyo?"

rinig kong sabi niya. i swallowed hard as i look to other directions, narinig ko ang pagtawa niya. mukhang nahuli niya akong pinagmamasdan yung katawan niya. letcheng buhay naman.

"ngayon ka lang nagreklamo, pero nung naglalakad tayo sa labas nang tirik yung araw tuwang tuwa kapa." ani ko pero hindi padin nakatingin sakanya. damn, wear your clothes bish!

pansin kong tumingin rin siya kung nasaan ako nakatingin, binalik niya naman agad yung tingin niya saakin. "sinong kausap mo? kisame?" pangaasar niya. para tuloy akong pinako sa pwesto ko ngayon.

"alam mo, bastos ka talaga. alam mong may babae sa harap mo tapos bigla bigla ka nalang maghuhubad ng damit. mannerless" narinig ko ang malakas niyang pagtawa dahilan para mapatingin ako sakanya ng nagtataka.

mukha ba akong nagbibiro? "ayaw mo bang makita yung macho kong katawan?" sabi niya't nag macho post pa. naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko, naasar din ako't hindi na nag dalawang isip na sugurin siya.

sinambunutan ko yung ulo niya at narinig siyang nagreklamo sa ginawa ko. pilit niyang kinukha yung kamay ko mula sa ulo niya. napaupo siya sa couch nang dahilan nang pag patong ko sakanya.

sinapak sapak ko yung balikat niya at kinurot yung pisngi niya sa sobrang gigil sakanya. "aray ano ba tama na oo na sorry na" daing niya pero hindi padin ako nakokontento, bahala siya nakakainis na siya kanina pa.

sa sobra naming galaw ay nasagi niya nang paa niya yung vase na naka patong sa lamesa sa harap ng couch, agad akong napatigil at lumingon kung saan bumagsak yung vase.

mahuhulog na dapat ako dun sa basag na vase but hoshi manage to pull me closer. "pucha" rinig kong sabi niya nang nagkalapit yung mukha naming dalawa. my heart was beating so fast not because he pulled me close kundi dahil akala ko mahuhulog sa dun sa basag na vase.

saktong sakto ang pagbukas ng pinto at iniluwa non si kuya, sabay kaming napatingin sa pinto at nasilayan si kuya na parang naging statwa sa kinakatayuan niya. hanggang sa narealize ko yung posisyon naming dalawa ni hoshi.

PAID WIFE [K.M x L.M]Where stories live. Discover now