--------------------------------
habang naglalakad ako bigla naman may kamay na tumakip sa bibig ko. mahigpit ang kanyang pagkakahawak hanggang umabot sa point na nahihirapan akong huminga.
buti nalang at nakaisip ako ng paraan kung paano siya matatakasan.
inuntog ko yung sarili kong ulo sa ulo niya dahilan ng pag alis ng kanyang kamay sa bibig ko. humarap ako sakanya at binabalak pa sanang suntukin pero bigla siyang lumuhod at tinaas yung dalawang kamay niya, nakayuko din siya. halatang natakot siya sa inasal ko.
"chill ka lang, lisa. ako 'to, ako lang 'to"
napa kunot ako ng noo ng marinig ko ang pamilyar na boses.
"HOSHI!?"
he looked up to see me. tinignan niya ako na parang nagmamakaawang hamster. "s-sorry natakot ba kita?" sabi niya sabay tumawa ng mahinahon.
inambahan ko siya ng sipa dahilan para yumuko ulit siya na parang naghihintay na may dumamping paa sa kanya.
"anong ginagawa mo dito? diba may sakit ka?" napakamot naman siya ng batok sa tanong ko. ibinaba na niya ang dalawa niyang kamay at tumayo ng tuwid sa harap ko.
"your older brother called me saying that you were missing." my eyes went wide when he said that. patay talaga ako kay kuya.
"ikaw? bakit dis oras na ng hating gabi, nandito ka pa? saan ka nangaling? lumabas ka ng wala man lang kasama? paano kung may mangyari sayo-" pinitik ko yung noo ng malditong tigre na nasa harap ko para tumigil siya sa pagsasalita.
"ano bang pake mo? para kang si kuya mag salita."
sabi ko naman at bahagya niya akong sinamaan ng tingin. may sasabihin pa sana siya ng biglang may kung anong bomba ang narinig ko mula sa likuran niya.
nag katinginan lang kaming dalawa, hanggang sa maamoy ko ang malaswang amoy na nanggagaling sakanya.
napatakip ako ng bibig at ilong.
napahawak siya sa tyan niya at tumingin kung saan para iwasan yung mga mata ko.
i was supposed to run away but, he manage to hold my wrist.
"wag mo nga akong hawakan, dugyot ka!" mahinang kong sigaw na sakto lang para marinig niya. he tried to stop me from walking away but then another bomb coming from his butt escape, again.
"lisa, malayo-layo pa kasi yung bahay niyo, hindi ba? pwede bang... pwede bang humingi ng f-favor...?"
tinignan ko siya ng di makapaniwala at hinintay yung susunod niya pang sasabihin.
"i... i need your help." sabi niya at nakita kong hinawakan niya ng mahigpit yung parteng tiyan niya.
i manage to control my temper, knowing that hoshi was my besfriend.
kung hindi ko lang talaga kaibigang yung hinayupak na 'to.
"may restaurant naman sigurong malapit dito. may restroom naman siguro don."
tumango tango naman siya at ngumiti, humigpit pa ang kapit niya sa tiyan niya. pinilit niyqng tumayo at maglakad na tuwid.
imbis na makakauwi na ako, mas mapapa late pa siguro yung uwi ko dahil kay hoshi. hayst!
---------------------------------
YOU ARE READING
PAID WIFE [K.M x L.M]
Fanfictionstarted ; aug 21 2020 end ; - 'TAGLISH' grammatical errors ahead!!!