20

102 5 3
                                    

tw : suicide, manipulation

"seryoso?"

naabutan ko silang pinaguusapan ako, binatukan ko naman si hoshi dahil napakadaldal, si seungkwan naman ay hindi maipinta yung mukha sa sobrang gulat at hindi makapaniwala sa kinukwento ni hoshi.

"oo nga, nakita tol. like si mingyu, literal na si mingyu. matangkad, moreno, siya talaga tol. kitang kita ng dalawang mata ko"

"may mata ka pala" pangaasar ko sakanya, inambahan naman niya ako ng sapak. "so kayo na? kailan niyo gagawing official?"

pinaliwanag na lahat lahat ni mingyu sa kuya at pati saakin na din ang mga gagawin at mangyayari. the rest, si mina na daw ang bahala sa iba pang balak dahil pabago bago daw ang sitwasyon. oo, pinayagan ako ng kuya ko, pero alam kong galit siya, may pagtatampo siya. kagabi nag empake ako ng piling gamit para lumipat sa iisang bahay na binili na ng pamilya ni gyu.

"hindi ko pa alam, kung kailan iaannounce? probably, maglilipat ako ng school" sabi kasi ni gyu na this school isn't for me, isn't for his future wife. mabuti na nga lang ay pinayagan niya pa din ako magaral dahil ang plano daw ni mina is hindi na ako papaaralin because of a reason na baka daw makatanggap ako ng threats galing sa mga fans na obsessed kay gyu.

"masaya ka ba sa trabaho mo?"

wala akong choice, ito nalang yung nakikita kong paraan para makatulong sa pangtutos araw araw sa bahay. ito nalang din ang nakikita kong pinakamadaling paraan para matulungan ko si kuya.

"may choice pa ba ako? nandiyan na, pumayag na ako't si kuya" pilitin ko mang umatras pero nalaman kong malaki ang makukuha ko lalo't kapag mabilis na napalinis ang maharlikang pangalan ni mingyu. mahirap tumira sa iisang bahay na kasama ang may kinakasamang ibang babae. sabi nila, they will recruit me as a actress so pantay kami ni gyu. at pagnakapasok ako, tyaka nila ilalabas ang statement na we're dating and we're engaged and married.

sa ngayon, unti unting tumatahimik ang social media. may interview si mingyu mamaya, at magsasalita about doon sa issue na kung may dinedate man siyang uncelebrity. planado na nila ang lahat ng mangyayari saakin, kay gyu at sa aming dalawa.

"you will transfer to the other school? is it true?" nagising yung diwa ko ng may magsalita sa gawing likod ko.

"yeah? at ano naman sayo? mind your own business." he chuckles and sit beside me. nasa caféteria kasi kami, lunch break. kanina pa kami dito naguusap usap about saamin ni mingyu, at salamat ay walang nakakadinig saaming tatlo. "what's the reason?" ang kulit kulit netong si minghao, akala mo close na close kami para tanungin yang mga bagay na yan. and wow, just wow? paano siya piinapasok ng mga guard at pinayagan ng mga prof sa kulay ng buhok niya?

at akala niya ba bagay sakanya? his hair looked like regla. "anong pake mo ba kasi?" lumayo ako ng upo sakanya dahil sa lapit niya saakin. "oo nga anong pake mo? tyaka pinayagan ba kitang umupo diyan?" sabat naman ni hoshi na may pagkain pa sa bunganga habang nag sasalita.

"you are so gross, like always." pati ako nandidiri sa ginawa ni hoshi. "pwede mo naman kasing lunukin muna yang kinakain mo bago mo awayin si minghao" seungkwan said while laughing. hindi ba't mas maganda at mas masaya siguro kung mag dadagdag kami ng isang miyembro. trio magiging kwadro. "ano bang ginagawa mo dito? yan lang ba gusto mong malaman kung bakit ka nakaupo sa table namin" sabi ko sakanya at parang may hinanap naman siya sa ilalim at ibabaw mg lamesa, pati sa upuan.

"i didn't see any name writen here" ano bang problema nito, english ng english. "umalis ka na nga" sa wakas at nalunok na ni hoshi yung kinakain niya bago siya magsalita.

"sino ka naman para utusan ako?"

"si kwon soonyoung, hoshi nalang" pangaasar ni hoshi sabay ngiti ng nakakabwiset kay minghao. "at sino ka naman para malaman mo kung bakit ako lilipat ng school" pag tatanggol ko kay hoshi for the first in a life time.

PAID WIFE [K.M x L.M]Where stories live. Discover now