"Qualified na po ba ako?" Excited kong tanong.
"Yes! Pero hindi ikaw ang ipapambato sa singing competition," Biglang umiba ang expression ng mukha ko nang marinig ang sinabi ng voice coach. "Dahil sa battle of the bands ka namin ilalagay as the vocalist of Arch, the band of architecture." Muntik na akong maluha nang malamang pasok pa rin pala ako. "Your voice has a wide range, kaya mong kantahin ang mga female songs at fit na fit ang boses mo sa band songs. Ikaw ang kailangan ng band."
"Thank you, Miss."
Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa kong ma-qualified as vocalist ng Arch band, same members lang kasi every year ang pinapa-perform nila but this time, naghanap sila ng bagong vocalist at napaka suwerte ko dahil ako ang nakakuha sa position na 'yon. Ang competiton ng battle of the bands ay ginaganap sa second day ng USC Paskuhan or Paskuhan sa San Cielo, may tatlong araw kasi ang event which is the opening day, the competitions and the Paskuhan sa San Cielo. Sa third day ginaganap ang annual event na paskuhan which is open gate at enjoyful kasi may mga artista, live band at 'yung pinaka hihintay ng lahat na fireworks display.
"Ikaw ba 'yung bagong vocalist?" Biglang tanong nung drummer sa 'kin. Kakapasok ko lang kasi dito sa music room at siguro hindi niya ako nakita kaninang magpakilala sa harap. 'Oo, ako nga, I'm Artwil.' Sagot ko sa tanong niya.
"Nice to meet you, Artwil, ako si Spade."
"Nice to meet you too, Spade."
Nagsimula kaming mag rehearse sa ipe-perform namin sa paskuhan. Maganda 'yung song choice kasi bagay siya sa boses ko at isa rin siya sa mga nagugustuhan kong kantahin these days. Ang disadvantage lang namin ay Western 'yung sa 'min while 'yung mga kantang ipeperform ng ibang faculty ay probably OPM, which is kakaiba talaga 'yung sa amin. Kinakabahan ako kasi baka hindi ma hype 'yung crowd pero alam kong mararamdaman nila 'yung hard drop ng instruments kasi kanta ni Taylor Swift ang isa sa mga ipeperform namin, 'yung isang kanta ay kanta ng Paramore.
"What a nice performance!" Sigaw nung band manager namin habang pumapalakpak, nag bow ako bilang pasasalamat. "Paskuhan is approaching, dapat maganda ang condition ng mga katawan niyo ha! We're counting on you guys."
Sunday, nang mapagdesisyunan kong bumili ng ipangreregalo sa pamilya ko for Christmas. Tinawagan ko si Jeko upang samahan niya ako dahil hindi available ang schedule ni Rojon today. Sumang ayon naman kaagad si Jeko kaya hinintay ko siya sa labas ng condo upang maka angkas ako sa kotse niya papuntang mall.
"Kanina ka lang ba diyan?" Tanong niya nang makahinto ang kotse niya sa harapan ko. Umikot muna ako sa kabilang side ng kotse niya upang maka sakay bago sumagot sa tanong niya.
"Hindi naman, actually parang two minutes pa nga lang akong naghihintay, bilis ah!"
"Do you want to know what else I'm fast on?" He showed me an eyebrow flashes twice and it makes me react 'luh!' "Just kidding." Tawang-tawa siya habang pinapa andar ang kotse. "Which mall do you want to go?"
Unang pinuntahan namin ang toy shop dahil ang pinaka madaling regaluhan sa pamilya ay ang bunso namin. Dumiretso kaagad ako sa toy cars section dahil 'yun ang pinaka paboritong laruin ng kapatid ko, favorite niya si bumblebee kaya binili ko 'yung isang set ng mini transformer cars para magsawa siya kakalaro ng mga laruang kotse.

BINABASA MO ANG
Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]
RomanceArtwil, an architecture student from University of San Cielo, has two goals in life: to become successful and to find a man who will truly love him. Then he meets Jethro, a kind, passionate civil engineering student from the same university. Destiny...