29

723 25 2
                                    

Nung gabing may nangyari sa 'min ni Jeko ay 'yun rin ang gabing nagkabalikan kami. Kinakabahan pa nga ako kung papaano ko sasabihin sa mga kaibigan at pamilya ko na kami na ulit. Buti na lang at inaalalayan ako ni Jeko at lakas loob siyang humarap sa pamilya ko kaya gumaan na rin ang pakiramdam ko.

"Ma, Pa... si Jeko po, boyfriend ko," Pagpapakilala ko sa kaniya kay mama at papa.

"Good evening po, Mr. and Mrs. Cañales." Bati niya rin sa mga magulang ko.

Simula nung makita ni mama si Jeko, hindi na mawala ang ngiti sa mga labi niya. Alam ko na kaagad kung anong masasabi niya tungkol kay Jeko, knowing na napaka bait ni mama at matagal na rin niya akong hinhintay magkaroon ng boyfriend.

"Mama na lang ang itawag mo sa 'kin, ijo. Mas gusto ko 'yun."

"Kung mama sa kaniya, dapat papa na lang rin ang itawag mo sa 'kin. Para apat na anak ko haha," muntik ko nang mahampas si papa dahil sa pambibiro niya, buti nalang at naunahan na ako ni mama.

"Sige po." Ngiting tugon ni Jeko at lumipat naman kami sa mga kapatid ko.

"Ito ang ate ko, si Ate Ashley at ito naman ang kapatid kong si Airlow," Tumango lamang si ate habang ngumingiti at ang bunso ko namang si Airlow ay ang cute kung ngumiti!

"Kuya Ruru," hinila niya ang laylayan ng suot ko kaya nilapitan ko siya upang pakinggan ang gusto niyang sabihin. "'Di ba, siya 'yung nasa picture?" Bulong niya sa tenga ko at unti-unti kong naalala 'yung pinakita kong picture ni Jeko sa kaniya 7 years ago.

Sobrang liit pa ni Airlow nung mga panahong 'yun, 6 years old pa siya nun pero ngayon matangkad na siya, halos magka tangkad na kami! 13 years old pa lang siya pero ibang-iba na 'yung growth process niya kesa sa 'kin, bakit parang unfair!

"Oo, siya si kuya Jeko mo, 'yung nagregalo sa 'yo dati ng legos and cars, engineer na siya, 'di ba gusto mo rin maging engineer?" Lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko at dali-daling lumapit kay Jeko upang makipag kwentuhan.

Naalala ko pa, nang dahil sa paglalaro niya ng legos nakursunadahan na rin niyang maging engineer. Kakaiba naman talaga 'yung influence ni Jeko sa kaniya, parang sumpa! Napalingon ako sa gawi nilang dalawa na naguusap, tuwang-tuwa si Airlow dahil matagal na niyang gustong makausap si Jeko, marami raw kasi siyang gustong itanong about sa pagiging engineer.

"Nagkabalikan na pala kayo, naks... I'm so happy for you, brother." Napangiti ako dahil sa sinabi ni ate Ashley.

Siya ang napagsasabihan ko ng problema sa pamilya kaya nung nag break kami ni Jeko dati, laging siya ang nakakausap ko kaya alam na alam niya ang buong nangyari sa relasyon namin ng engineer na 'to. Ang sabi niya sa 'kin dati bigyan ko raw sana ng chance si Jeko upang mag-explain, siya ang naging gabay ko upang patawarin sa puso ko si Jeko at matagumpay kong nagawa 'yun dahil sa tulong niya.

"Thank you, ate."

Nag family dinner kami kasama si Jeko nung gabing 'yon at kinongrats din namin si ate dahil licensed psychologist na siya. Inaya ko silang mag-picture at gora naman silang lahat sa nais ko. Naka akbay sa 'kin si Jeko sa picture at nung gabing 'yon ay pinost ko ang picture saaking facebook account. Kumuha rin ako ng picture naming dalawa ni Jeko at 'yun naman ay pinost ko saaking instagram account, nilagyan ko 'yun ng caption na 'my home' at dinumog kaagad 'yun ng mga kaibigan ko sa comments section.

ivyfortuno: come back iz real!

jilrivera: sana all

queenjazz: I'm so happy for you, my dear friend :)

chrislyx: tanginanyo nawala lang ako saglit nagkabalikan na kayo, congrats!

rjlorvin: finally.

Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon