Sinikreto ko kay Ruru ang nangyari sa 'min ni Nikki nung officer's night dahil ayokong mag away kami nang dahil lang don, huli na rin ang ma-realize ko na hindi ko pala nasabi sa kaniyang mag-ex kami ni Nikki, hays. Nagi-guilty na rin ako kasi hindi ko na siya nabibigyan ng enough time, but I still tried my best para malabas siya for a date. I tried to combine my job and studying but I always ended up being tired of going home and I didn't notice that I've neglected my time and communication with him. May mga messages siyang late ko nang na-respond, and that makes me feel like I'm not being his sweet and caring boyfriend anymore. I hate this setup.
"Ruru, please? Let's fix this." Sobrang naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang ma-explain sa kaniya ang gusto kong sabihin. I want to hug him tight and tell him everything I wanted to tell, but I can't! I felt so stupid! Dumating na nga ang kinatatakutan kong mangyari, ang magalit siya sa 'kin.
"Umalis ka na, Jeko." He said as I walked away.
Wala akong nagawa kung hindi ang bigyan siya ng space nung gabing 'yon. Siya na rin ang nagsabing magpahinga muna kami kaya ayun rin ang ginawa ko. Masyado akong drained kaya hindi ko na lang siyang pinilit na kausapin ako at para na rin pakalmahin ang sitwasyon.
"Hi mom, how's your life there?" Nakangiting tanong ko habang nakaupo sa damuhan at nakatingin sa kalangitan. I'm sitting right next to her gravestone. "I hope you're doing fine and please be happy everyday... I love you so much." Pinipigilan ko ang aking mga luhang gusto nang bumuhos dahil ayokong isipin niya na nahihirapan na 'ko dito. I am brave and strong just like her, my mom is the strongest woman I ever known. "Mom, may ipapakilala sana ako sa 'yo... pero wala siya ngayon dito. But don't worry, I promise, next time I'll introduce him to you. I know that you will like him, 'cause I love him." Bago pa man namatay si mom noon alam niya na ang katauhan ko, she was the first person I've told my secrets to.
"Mom... I have something to tell you." Nanginginig akong hawakan ang kamay niya habang nakahiga siya sa hospital bed.
"What is it, baby?" She used to call me baby ever since.
"Mom... I'm in 10th grade, stop calling me baby." Tumawa lamang siya nang mahina habang ako naman ay nakasimangot. Nawala na rin ang kaba ko kaya inipon ko ang buong lakas upang masabi sa kaniya ang gusto kong sabihin. "Mom I think... I just got attracted to someone who's not a girl." Tumahimik ang buong room matapos ang confession kong 'yon.
Akala ko ay nagalit siya pero ngumingiti lamang siya habang pinagmamasdan ang mukha ko. "How do you feel right now?" Tanong niya.
"I was nervous but I also felt relief after I confessed to you my secret."
Lumaki ang ngiti niya nang marinig ang sagot ko. "Then... I also felt relief, because my baby is now a grown up man." Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at biglang umiyak. "Whatever your heart says, follow it. Okay? I'm always here to support and love you."
Pinunasan ko ang mga luha niya at niyakap siya. "Thank you, mom. I always love you too."
Akala ko pagkatapos nung pagbisita ko kay mom ay magkakaroon na ako ng pag-asang ayusin ang lahat ng bagay ngunit higit pa sa pagkasira ng lahat ang nadatnan ko.

BINABASA MO ANG
Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]
RomanceArtwil, an architecture student from University of San Cielo, has two goals in life: to become successful and to find a man who will truly love him. Then he meets Jethro, a kind, passionate civil engineering student from the same university. Destiny...