Ilang gabi akong hirap sa pag tulog kakaisip ng mga bagay-bagay, tambak ang school works at pati ang relasyon namin ni Jeko ay naaapektuhan na rin dahil pareho kaming busy sa aming mga gawain at responsibilidad. Aware naman akong umaabot ang isang relasyon sa ganito, may ups and downs pero ang pinoproblema ko ay bakit parang may nililihim nga siya sa 'kin. Imbes na gawin ko ang aking daily routine na tumambay sa central at mag sketch, napagdesisyunan ko na lang na mag kape sa carpark. Nakakalungkot din pala mag-isa, walang Ivy na bungangera at wala ring Rojon na maldita. Lahat sila busy kaya mag-isa ako ngayon.
"Artwil?" Unti-unti akong mapangiti nang malaman kung sino ang lalaking nagsalita, si Spade. Siya 'yung drummer ng Arch. "Mag-isa ka lang ba dito?" Tumango ako bilang sagot at niyaya siyang umupo.
"Busy kasi mga tao kaya alone time muna."
"Nasaan na pala 'yung boyfriend mo?" Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Kayo pa ba nun?"
Medyo na-awkward ako sa huli niyang tanong kaya tumawa na lang ako ng peke at tumango. "Ikaw ba, may girlfriend ka na?" Iibahin ko na sana 'yung topic kaso bigla na naman siyang nagsalita patungkol sa relasyon namin ni Jeko.
"Hindi ba kayo nag away nung boyfriend mo recently?" Hindi ko na magawang tumawa ng peke dahil halatang seryoso siya base sa hitsura niya.
"H-hindi naman..." Hindi ko alam kung bakit parang seryosong-seryoso siya sa mga tanong niya at parang may gusto siyang sabihin sa 'kin. "Bakit?"
"Naroon kasi ako sa officers night, nag iinuman ang ilan sa amin nun lalo na 'yung mga engineering. Nakita ko 'yung boyfriend mong may katabing babae, ang sa pagkaka-alam ko ay mag-ex sila," pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko sa bawat salitang binibitawan niya. "Hindi ko gawain ang manghimasok sa relasyon ng iba pero alam kong sobrang bait mong tao kaya ang magagawa ko lamang ay sabihin sa 'yo ang mga nalaman ko, si President Nikki ang babaeng nakatabi ng boyfriend mo nung gabing 'yon... nag halikan sila."
Parang bigla akong nabingi sa huling sinabi niya. Pinilit kong 'wag maiyak sa harap ni Spade at nagpaalam na lamang ako na aalis, 'di ko alam kung saan ako papunta kaya hinayaan ko na lang ang mga paa kong humakbang. Naglakad ako hanggang sa marating ko ang washroom at doon sa loob ng isang cubicle ako umiyak. mahigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng uniform ko habang pinipigilang humikbi, my tears continued to flow for a few minutes until I wiped it off and came out of the cubicle with puffy eyes.
Naghilamos ako at pagkatapos ay inangat ang tingin sa salamin, naaalala ko nanaman ang mga sinabi ni Spade. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang mga bagay na ito sa 'kin, sa amin ni Jeko. Is this the thing he's keeping a secret? Kaya ba parang nagbago siya ay dahil sa gabing 'yon? Sa gabi na kung saan nakausap at nakipag halikan siya sa ex-girlfriend niya, never kong nalaman na mag ex sila. Hindi niya sinabing ex niya si Nikki, sa tagal ng relasyon namin sa ibang tao ko pa nalaman. I felt betrayed.
"Ang sakit."
Pinilit kong mag mukhang maayos na parang walang nangyari hanggang sa makauwi ako sa condo, nang makapasok ay umupo kaagad ako sa sahig at doon nagpatuloy sa pag-iyak. Pinagdikit ko ang aking mga tuhod at doon ko tinago ang mukha kong miserable. Punong-puno na ng mga tanong ang utak ko, hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi dahil parang wala naman akong alam sa nangyayari, parang ako lang 'yung walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

BINABASA MO ANG
Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]
RomansaArtwil, an architecture student from University of San Cielo, has two goals in life: to become successful and to find a man who will truly love him. Then he meets Jethro, a kind, passionate civil engineering student from the same university. Destiny...