15

684 27 3
                                    

Pagkatapos ng araw na 'yon, feeling ko nawalan na ako ng gana sa lahat. Lagi kong pinagsisisihan ang mga nasabi kong masasakit na salita nung araw na 'yon. Sa tingin ko, sumobra ako sa part na 'yun. Pero hindi ko pinagsisihang piliin ang sarili kong desisyon. Hindi ko pinagsisihang tigilan ang pag-iyak at harapin siya ng buong tapang, nakakadurog man ang mangyari pero inisip ko pa rin na para din sa 'kin 'yun, at para na rin sa kaniya. Hindi ko man alam ang tumatakbo sa isip niya pero kung totoo mang may something pa sa kanila ni Nikki, I hope they will be happy for each other.



"Wala na ba talagang chance, Sis?" Malungkot na tanong ni Ivy habang nilalaro ng tinidor ang kinakain niyang spaghetti.



"Masakit pa rin, Vy, kahit maayos man namin 'yung nangyari siguro 'di na gaya ng dati." Ngumiti ako ng alanganin.



Nagdaan ang ilang araw at sa tuwing dumadaan ako sa central ay lagi kong nakikita si Jeko na nakaupo sa bench na kung saan kami dati magkatabi, nung hindi pa kami. Nakatingin siya sa 'kin habang naglalakad ako, iniiwasan kong magkatinginan kami pero nangyayari pa din. Lagi siyang naroon tuwing hapon, lagi rin niya akong inaabangan, lagi kaming nagkakatinginan pero lagi ko rin siyang iniiwasan. Ayoko munang makausap siya. Lubos akong nasaktan sa nangyari na halos maapektuhan na ang pag-aaral ko. Buti na lang at tinulungan ako ng mga kaibigan kong bumalik sa maayos kong sistema, na kahit masakit parin sa 'kin 'yung nangyari, ngayon ay medyo nakakayanan ko nang ngumiting muli.



"Wala ka ba talagang planong kausapin? Halatang ikaw 'yung inaabangan niya araw-araw." Umiling lamang ako sa suhestiyon ni Ivy. Dalawang buwan na ang lumipas matapos nung breakup namin pero si Jeko lagi ko parin siyang nakikita sa central, doon parin sa bench na 'yun.



"Ansakit parin pala." Namuo ang isang kamao sa kamay ko at marahan kong pinagsususuntok ang dibdib ko. Gusto ko ng makalaya sa sakit na 'to, gusto ko ng bumalik sa dating ako, sa Ruru na kahit kailan 'di nawawalan ng rason para sumaya. Gusto ko ng bumalik sa dating ako.



"Oh tagay ka pa, kaya mo 'yan, Sis." Sinalinan ni Chris ang baso ko kaya agad ko nanaman itong ininom. "'Yang mga lalaki, they will just fuck us, but in the end, iiwan din tayo, lahat sila... walang pinagkaiba." Tumagal ang pagtitig ko kay Chris, lasing na pala siya. Mas madami na rin ang nainom niya kesa sa 'kin, parang kakagaling din ata niya sa breakup.



"Teka broken ka rin?" Taas kilay na pagkakasabi ni Migz. Nagkatinginan silang dalawa na parang naguusap ng mata sa mata. "Ayan sige, magjowa ka pa, sinayang mo lang oras mo sa commitment na 'yan." Lumabas na naman ang pagiging bitter niya.



"Pake mo ba? Kesa naman gumaya ako sa 'yo na mas dry pa sa tuyo." Nagkainitan nanaman ang mga gurang.



Dumaan ang birthday ko, ang pasko at new year pero parang 'di na gaya dati ang saya. Bumalik na ako sa pagiging passionate ko sa school and architecture at nahinto na rin ako sa gabi-gabing pag iyak. sa tingin ko ay tuluyan na nga akong nakalimot sa kaniya, sana nga. Tinutok ko na ulit ang atensiyon ko sa academics and iniwasan ko na rin ang pag inom ng madalas, I'm completely out of that pain.



"Wow! Congrats kung ganon." Masayang sambit ni Ivy. "Finally, hindi na siya iiyak."



Mag-isa akong naglalakad papuntang carpark nang bigla akong mapatingin sa lalaking naglalakad papunta sa direksiyon ko. Hindi siya nakatingin sa 'kin dahil may kasama siyang babae at parang may pinag uusapan sila, nagawa ng babaeng patawanin siya. Nang malampasan nila ako ay parang huminto ang lahat sa pag galaw. Nanginig ang mga tuhod ko na para bang wala na akong lakas para magpauloy pa sa paglalakad. Lumingon ako sa kanila at yumuko kaagad ako nang mapansin kong nakatingin din pala siya sa 'kin. Parang gusto ko siyang hilahin palayo sa babaeng 'yun at yakapin siya ng mahigpit. Bumalik lahat ng sakit na akala ko ay nawala na, unti-unting tumulo ang mga luha ko nang makasakay na ako ng taxi, parang water falls 'yung luha ko dahil sa patuloy lamang itong umaagos sa mukha ko. Hindi pa pala ako naka moved on.

Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon