"Ibabalik na kita sa mga kaibigan mo." Hahawakan na niya sana ang kamay ko pero agad akong lumayo at tinaasan siya ng kilay.
"'Wag mo nga akong hawakan, close ba tayo?" Umirap ako sa kaniya at kahit na nahihilo pa ako ay inayos ko ang paglalakad ko pabalik sa table namin.
Pagkarating ko sa table ay paalis na si Migz. Nagpaalam kaagad siya sa 'min na may kailangan pa raw siyang asikasuhin kaya nagmamadali itong umalis. Si Rojon naman ay parang naiinip na kaya inaya na niya akong umuwi pero tumanggi kaagad ako.
"mag bo-book na lang ako ng grab, mauna ka na." Sabi ko at sumang ayon naman kaagad siya. Naki sakay lang kasi ako sa kaniya papunta rito kaya hindi ko dala ang kotse ko.
"'Wag ka nang uminom, gaga ka. Mag text ka sa 'kin pag nakauwi ka na." Tumango lamang ako bilang tugon at umalis na nga siya.
Nang masiguro kong wala na nga si Rojon ay kaagad akong nag order ng tequila at malayang nagpaka lasing. Hindi ko naman lalasingin masyado ang sarili ko, sisiguraduhin kong maayos pa rin ako pauwi. Chill lang naman akong uminom habang nag che-check ng notifications sa instagram, facebook at twitter hanggang sa may biglang tumabi sa 'kin.
Napatingin ako sa kaniya at bigla siyang nag 'Hi' sa 'kin habang nakangiti, hindi ko siya kilala. Though mabango siya at may hitsura, pero hindi ganitong klase ng lalaki ang mga gusto ko. Pero dahil mukha naman siyang mabait at friendly, nakipag usap na rin ako sa kaniya, malay ko bang baka ito na pala ang kalandiang hinahanap ko.
"Single?" Tanong niya habang nakapatong ang isa niyang braso sa likod ng inuupuan ko.
Uminom muna ako saaking baso at sumagot. "Oo, ikaw?"
"Same... ano nga palang pangalan mo?" Bigla akong nagulat nang hawakan niya ang pisngi ko at magkalapit na ang mga mukha namin, hindi rin ako makagalaw dahil sa kaba. Ang wild ng isang 'to!
"I-I'm---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang may humatak sa lalaking katabi ko.
Napahinga ako nang maluwag nang sawakas ay napalayo na kami sa isa't-isa. Tinignan ko kaagad ang humatak sa kaniya at galit na nakatigin ito sa lalaking nakatabi ko, siya na naman? Magkakainitan pa sana sila ng lalaki pero naawat ko kaagad sila, ayoko ng gulo! Bakit ba kasi ang init ng ulo ng lalaking 'to? Kanina pa siya nagpapalaganap ng sama ng loob dito sa pub.
"Akala mo ba walang makakakita? You spiked his drink." Mariing pagkakasabi ni Jeko.
Agad akong nagulat at hindi makapag salita. Tinignan ko rin ang baso ng iniinom ko pero hindi ko na masabi kung may drugs ba talaga ito pero kapani-paniwala naman ang sinabi ni Jeko, dahil kakaiba rin ang kinikilos nung lalaki. Nang mapadako ang tingin ko sa lalaking salarin ay agad itong tumakbo paalis at pinagtutulak ang mga taong nadadaanan niya. So... totoo nga?
Lumingon ako sa gawi ni Jeko at nakikipag usap na ito sa isang bouncer. Hindi pa rin ako makapniwalang naka inom ako sa inuming nalagyan ng drugs. Pinilit kong ikalma ang sarili hanggang sa unti-unti nang sumakit ang ulo ko.

BINABASA MO ANG
Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]
RomanceArtwil, an architecture student from University of San Cielo, has two goals in life: to become successful and to find a man who will truly love him. Then he meets Jethro, a kind, passionate civil engineering student from the same university. Destiny...