"'Di ba sabi mo bibili ka ng bagong set?" Nilahad ko sa kaniya ang nakuha kong color pencils pero 'di niya ito tinanggap. "Ay, choosy si ate mo girl." Binalik ko na lang sa kung saan ko 'yon nakuha.
Wala kaming pasok ngayon ni Rojon kaya naisipan naming bumili ng mga materials para sa mga projects namin at kakagaling lang din namin sa supermarket kasi nag grocery kami. Si Rojon ang mga binibili niya ay mga color pencils, highlighters, sticky notes, atbp. While ako naman ay naghahanap ng HB pencil para sa sketching ko, these days din kasi parang ang messy ng mga plates na pinapasa ko, siguro dahil 'yon sa ginagamit kong lapis?
"I'm done, kain tayo? Gutom na 'ko." Aya niya sa 'kin matapos niyang bayaran ang mga pinamili niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinundan lamang siya kung sa'n niya gustong kumain, as usual sa Italian restaurant kung saan binibenta ang favorite niyang lasagna at ice cream. "Two orders of fresh lasagna and two orders of tarturo chocolate ice cream." Pinaubaya ko na sa kaniya ang order ko dahil kapag siya namimili, for sure it's the best quality.
Inikot ko ang paningin sa paligid nang makabalik ako from rest room. Biglang kumabog nang malakas ang puso ko nang makita ko si Jeko na naglalakad sa labas ng restaurant at may kasama itong babae, she's pretty by the way. Umiwas ako ng tingin nang muntikang magtama ang mga tingin namin. Matagal-tagal na rin pala nung huli naming pag uusap, halos makalimutan ko na nga 'yung tungkol sa lipstick na nasa kotse niya tapos ngayon nakita ko na naman siya, oh god!
"Two orders of fresh lasagna and two orders of tarturo ice cream, enjoy your meal."
'Di ko mapigilang mabusangot dahil sa nasaksihan. Actually wala naman siyang ginagawang masama at tsaka malay ko ba kung sino 'yung babae, what if relative niya? I should not act like this! "Pupunta nga pala akong univ mamaya, sama ka?" Pinipilit kong kalimutan 'yung nararamdaman ko kaya chinika ko na lang si Rojon habang busy siya sa pagkain niya ng ice cream. "Ayaw mo? E 'di 'wag."
After naming kumain ay umuwi na kami dala-dala ang mga pinamili namin, kasama na dun ang groceries at 'yung mga art materials. Si Rojon ay tuwang-tuwa sa mga bago niyang art materials kaya naisipan kong asarin siya nang kaunti, itatago ko sana 'yung pink highlighter niya pero biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya 'di ko nalang tinuloy. Mamaya ka sa 'kin.
[Are you coming to San Cielo?] -Unknown number
Nagtataka ako kung sino 'tong nag text saakin. May number naman ako ni Ivy, at tsaka hindi naman 'yun englishera kay paniguradong hindi siya 'to, sino ba ito?
[Who are you?] Tinapatan ko ng english ang text niya para hindi ako lugi. Naghintay ako ng ilang segundo hanggang sa magreply ito sa tanong ko.
[Nasa condo ka ba? Hintayin kita dito sa baba.] 'Yan lamang ang reply niya. Ni-hindi niya sinagot ang tanong ko. Baka si Chris 'to! Tama, baka siya nga... madalas pa naman akong pagtripan nun.
[Tigil-tigilan moko Chris, sasakalin talaga kita pag nakita kita!] Pinangunahan ko na siya kasi prankster 'yon e! Dapat 'di na niya ako ma-prank this time.
[I'm not Chris, check your messenger.] Matapos kong mabasa ang reply niya ay pumunta kaagad akong messenger upang i-check kung sino nga ba talaga siya. What the f? Dali-dali kong binura 'yung last text message ko sa kaniya, nakakahiya ka Artwil Roe! Si Jeko pala 'yung unknown number na 'yon! Oh my god, semento lamunin mo 'ko now na!

BINABASA MO ANG
Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]
RomanceArtwil, an architecture student from University of San Cielo, has two goals in life: to become successful and to find a man who will truly love him. Then he meets Jethro, a kind, passionate civil engineering student from the same university. Destiny...