1

3.1K 53 5
                                    


Nagmamadali akong maglakad papuntang classroom nang bigla kong mapansin na nawawala pala ang wallet ko sa bulsa. Kinapa-kapa ko pa ang bulsa ko nang ilang ulit pero wala talaga dito ang hinahanap kong wallet. Nasaan na 'yun? Imbes na hanapin 'yung wallet ko ay mas pinili ko na lang na mag proceed sa aking first subject. Mamaya ko na lang hahanapin 'yun, mas importanteng pumasok ng maaga ngayon lalo na't strict 'yung prof. Tama naman pala talaga ang desisyon kong 'wag hanapin ang wallet, at least 'di ba, naka abot pa 'ko sa subject ko.


"Good morning, class." Our professor greeted us.


"Good morning, Sir." Our class responded to him.


Mabilis lang ang takbo ng oras at ngayon ay uwian na, half day lang ang classes ko kaya pauwi na rin ako, kasama ko ang bestfriend kong si Rojon.


"Lunch?" Tanong niya at tumango lamang ako bilang tugon.


"Teka lang check ko muna pera ko baka mamaya wala na pala akong pocket money, mahirap na," kinapa ko ang bulsa ko upang kunin ang wallet pero laking gulat ko nang ma-realize kong naiwala ko pala ito kaninang umaga. Shit. "Roj, naiwala ko 'yung wallet ko." Sambit ko habang nakayuko.


"Nawala? Anong katangahan nanaman 'yan, Ru?" I knew it. Alam kong magagalit talaga siya, hindi ko naman sinasadyang mawala 'yun eh.


"Eto na nga 'di ba, hahanapin ko na." Hindi muna kami lumabas ng univ, dumiretso kami sa lost & found room. Magbabakasakali na sana nandito 'yung wallet ko.


"Ano pong kailangan nila?" Sambit nung lalaking in-charge.


"Kuya, may nakita bang wallet na color black at purple ang loob? naiwala ko kasi 'yung wallet ko kaninang umaga." Tanong ko kay kuya at agad naman siyang nag check sa shelves, hinanap niya nang hinanap ang wallet ko pero wala talaga siyang makita.


"Sorry wala talaga eh." Napa hinga na lamang ako nang malamin at napatingin kay Rojon na ngayon ay binibigyan ako ng serious face.


"Tatanga-tanga ka kasi, dapat hinanap mo kaagad 'yun. Gutom na 'ko, balikan nalang natin 'yan bukas at ipag-pray mo nalang na sana maibalik pa sa 'yo 'yun." Papalabas na sana kami nang biglang pumasok sa pinto ang isang poging lalaki. Matangkad, maganda ang pagkaka ayos ng buhok, katamtaman lang ang kulay ng balat at tsaka mabango! "Hinay-hinay sa pag titig, baka matunaw." Napaiwas naman kaagad ako ng tingin nang mapansin kong naka tulala na pala ako sa lalaking nasa harap.


"Ano pong kailangan nila?" Tanong nung lalaking nasa lost & found counter. Can't deny his handsomeness, ayoko nalang mag talk!


"I found this, malapit sa main gate." Sabi nung lalaki at agad na inilabas ang isang black wallet, nilapag niya ito sa counter. Hindi ko alam kung ilang segundo na akong nakatitig sa kanya, basta ang alam ko tinatawag ako ng bango ng perfume niya.


Dahan-dahang napalingon si kuya sa 'kin at lumapit. Ambilis na ng tibok ng puso ko, parang sasabog na sa sobrang bilis. Nang makalapit na siya ng tuluyan, hinawakan niya kaagad ang baba ko at dahan-dahan rin niyang inilalapit ang mga labi niya sa labi ko. Teka lang po... 'di pa 'ko ready!

Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon