"Bakit mo 'yon sinabi? Alam mo namang hindi 'to time para mag joke 'di ba?." Hindi ko alam kung anong pumapasok sa utak niya ngayon, anseryoso niya kasi mag joke ayun tuloy umalis si Spade, naniwala na ata siya na boyfriend ko nga 'si Jeko. "Pano kung maniwala 'yung tao sa joke mo? E 'di yari tayo... ikaw, baka masira 'yung reputasyon mo pag kumalat 'yung issue."
"You're thinkin' too much, Ruru." Tumawa lang siya sa 'kin.
Umiling na lang ako out of frustration. Nawala naman kaagad ang inis ko sa kaniya nang i-announce na ang mga nanalo sa competition. Hindi nakapasok ang architecture sa third and second place ng battle of the bands kaya if 'di kami ang first place, that means hindi kami nanalo. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa kaba, katabi ko si Jeko kaya sa laylayan ng sweat shirt niya ako naka hawak. Napansin niyang nakahawak ako sa hem ng suot niya kaya kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito nang mahigpit at habang pinipisil, nagulat ako dahil sa ginawa niya. 'Yung mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba ay dumoble dahil magkahawak ang mga kamay namin.
"Jeko... bitaw." Bulong ko sa tenga niya ngunit imbes na bitawan ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa 'kin. "Baka may maka kita."
"And the winner of this year's battle of the bands competition... make some noise everyone! Congratulations, because you guys are the BOTB champions this year! Congratulations, Arch from architecture!"
Napuno ng hiyawan ang open area nang i-anunsiyo ang nanalo. Lubos akong nagulat dahil hindi ko in-expect na mananalo kami, napayakap ako kay Jeko nang mahigpit hanggang sa tawagin ako ng mga ka-bandmates ko para sa picture taking. Another achievement sa 'kin itong pagkapanalo namin sa BOTB, hawak-hawak ko ang trophy namin nang bigla akong hatakin ni Jeko para maakbayan. Nagpicture kami together at nahiya ako pagkatapos dahil 'yung mga taong nakapaligid sa amin ay inaasar kami at kinikilig.
"Ano ba Jeko... bitaw na."
"I won't, unless you kiss me." Agad akong napayuko dahil sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang mapangiti pero naiinis din ako kasi ini-enjoy niya 'yung pang aasar ng mga taong kinikilig, nakakahiya kaya! "Just kidding, tara kain tayo." Bulong niya sa tenga ko.
Kinabukasan ginanap ang Paskuhan sa San Cielo, magkasabay kami nila Rojon, Migz, Chris at Jil, si Queen ay 'di nakapunta dahil kinakailangan na niyang mag prepare para sa flight niya papuntang America. Si Jeko naman ay kasama ang mga barkada niya at the moment, napagdesisyon kasi naming 'wag muna mag usap ngayong gabi at mag focus sa mga sari-sarili naming circle as possible, sa 'kin nanggaling 'yung idea dahil gusto kong maka bond ang mga kaibigan ko at gusto ko ring maka bond niya ang mga kaibigan niya. Our plan went smooth at first, not until this moment happened.
"Inuman tayo after?" Ako ang nag aya sa kanilang uminom this time, like 'di talaga ako nag-aayang uminom sa kanila, ngayon lang. "Chillnuman lang ganun, tutal Christmas eve naman bukas, after new year na naman tayo magkikita."
In-expect kong sasang-ayon sila sa sinabi ko, pero hindi. Nakakagulat lang dahil lahat sila ay may kaniya-kaniyang business after ng event. May bibili ng ingredients, makikipag date, may tatapusing article at susunduing kamag anak sa airport. Nang magsilabasan ang mga rason nila, isa-isa na silang umalis hanggang sa kami na lang ni Rojon ang natira. Nanatili kami saglit sa GZB upang lumayo sa mataong open field. Sinenyasan ako ni Rojon na aalis na rin siya kaya tumango na lang ako sabay sabing

BINABASA MO ANG
Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]
RomansaArtwil, an architecture student from University of San Cielo, has two goals in life: to become successful and to find a man who will truly love him. Then he meets Jethro, a kind, passionate civil engineering student from the same university. Destiny...