"Nagbibiro ka lang naman 'di ba?" Napalunok ako ng laway dahil don sa nakakagulat na tanong niya. Muling tumahimik ang loob ng kotse nang ilang segundo hanggang sa huminga siya nang malalim at muling napatingin sa 'kin.
"Seryoso ako, gusto kitang ligawan."
*gulp*
"Bakit ako?" Hindi ko maiwasang maguluhan sa kaniya, ilang taon na kaming magkaibigan tas ngayon bigla niya na lang akong gustong ligawan. I feel betrayed. "Magkaibigan, besties at workmates tayo, bakit ako pa?"
"Bakit hindi?" Natahimik ako sa sinabi niya kaya umayos ako ng pagkakaupo at pilit na kinakalma ang sarili ko. "masaya ako pag kasama kita at matagal na rin kitang gusto---"
"Matagal? So that means... hindi lang kaibigan ang tingin mo sa 'kin matagal na?" Napayuko ako at dahan-dahang tumulo ang mga luha saaking pisngi.
"I'm sorry, hindi ko sinasadyang magustuhan ka."
Hindi na ulit kami nagkibuan ni Spade hanggang sa makabalik na kami sa office. Nag text na lang ako sa kaniya ng 'thak you' dahil sa pagpapasakay niya sa 'kin sa kotse niya at pagkatapos nun ay umuwi na ako sa condo ko. Hays... sobrang nakakapagod today. Bukas may bagong client na naman akong imi-meet at bibisitahin ko pa 'yung iba pang construction sites, ganito pala feeling ng nasususbsob sa trabaho.
"Are you okay?" Tanong ni Rojon sa kabilang linya. Tinawagan ko siya dahil 'di ko na kaya ang feeling ng mag-isa sa condo, nami-miss ko na rin kasi siya kahit tahimik lang naman siyang kasama. "Bakit parang malungkot ka? Do you have a problem at work?"
"Wala naman... okay naman 'yung trabaho ko, ikaw? Kamusta ka naman sa pagiging Attorney Lorvin mo? May na ipaglaban ka na bang pag-ibig? Boylet? Jowabels?" Natatawa kong sambit.
"Shut up." Eto namang lola niyo napaka bilis atakihin ng kasungitan, nagbibiro nga lang ako. "Baka nga ikaw 'yung may fling ngayon, I doubt it, baka naka sampu ka na diyan ah." Grabe ka naman ses sa sampu!
"Hoy wala ah!" Pandedepensa ko sa sarili. "Actually meron talaga akong tea."
"Green tea? Milk tea? What kind of tea?"
"Pilosopa!" Natawa kaagad siya sa tugon ko. "Ito kasing ka workmate ko gusto akong ligawan, e matagal na kaming magkaibigan at ayoko namang masira 'yong friendship namin dahil lang don. At saka, feeling ko rin tinraydor niya 'ko dahil all these years tinuring ko siyang kaibigan pero ang tingin niya pala sa 'kin ay hindi lang basta kaibigan, naguguluhan ako." Mahabang explanation ko.
"Wow... another manliligaw. Ganda ka teh?" For sure nakataas na naman ang kilay nito ngayon. "Actually nasa sa 'yo lang naman 'yan. Kung gusto mo rin siya e 'di magpaligaw ka tapos sagutin mo, pero kung wala naman siyang chance sa 'yo, e 'di bastedin mo. Period." May point si Rojon. Kung gusto ko rin siya e 'di magpapaligaw ako... pero hindi e. Parang wala namang nginig effect pag nahahawakan o nakikita ko siya, mas matimbang talaga siguro ang pagturing ko ng friend sa kaniya.
"Thank you sa advice, Madam Rowitz Jhon." Natatawa kong sambit na nagpapikon na naman sa kaniya. Nakakamiss talaga siyang inisin, 'yung tipong sama ng loob na lang minsan nabibigay mo sa kaniya pero kaibigan mo pa rin siya.

BINABASA MO ANG
Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]
RomanceArtwil, an architecture student from University of San Cielo, has two goals in life: to become successful and to find a man who will truly love him. Then he meets Jethro, a kind, passionate civil engineering student from the same university. Destiny...