12

754 30 1
                                    

Kinaumagahan, ramdam ko ang pananakit ng katawan ko. Ang balakang, pwet, at likod ko ay parang pinagod sa isang mahirap na trabaho kagabi sa sobrang sakit, wala na sa tabi ko si Jeko kaya napagdesisyunan kong matulog na lang ulit para pag gising ko maayos na ang pakiramdam ko, pero hindi umayon sa plano ko ang sumunod na pangyayari. Pag gising kong muli ay nasa tabi na ng kama si Jeko, may hawak siyang basang tela habang nakaharap sa 'kin ang mukha niyang puno ng pag-alala.

"Finally, you're awake." Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil at hinalikan. "You've got a high fever, do you want me to take you to the hospital?" Nag-aalalang tanong niya. Mabilis akong umiling sa kaniyang sinabi, hindi naman kasi ganon kalala ang pakiramdam ko.

"'Wag na, magpapahinga na lang ako tas iinom ng gamot."

Sumang-ayon naman siya sa sinabi ko kaya dinalhan niya ako ng pagkain sa kwarto at pati na rin ng gamot. Hindi pa rin ako makapaniwalang... I'm not a virgin anymore! Sa tuwing nasisilayan ko ang mukha ni Jeko, parang bumabalik sa isip ko lahat ng mga nangyari sa 'min kagabi. He was a monster in bed with a huge stick!

"What are you thinking?" Sumalubong sa 'kin ang inosente niyang mukha nang maputol ang pagalala ko sa mga nangyari kagabi.

Agad akong namula dahil sa kahihiyan, bakit ko ba inaalala ang bagay na 'yun? "Wala naman... ang sarap mo pa lang magluto." Napakunot ang kilay niya habang ngumingiti.

"Baby, it's just a hotdog." Napailing na lang siya dahil sa kalutangan ko. "You really appreciate my hotdog, huh?" Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at naka ngisi habang papuntang banyo.

Lumipas ang ilang araw at hanggang sa magsimula na ulit ang aming classes. Inamin ko sa mga kaibigan ko na mag boyfriend na kami ni Jeko, 'yung ilan sa kanila ay parang magulang kung mag react, lalo na si Migz. Andami niyang binigay sa 'kin na tips para daw 'di na maulit 'yung nangyari sa 'kin, sa 'min ng ex ko.

"Magtira ka sa sarili mo para 'di mo na ulit mabuhos ang lahat ng pagmamahal mo sa ibang tao. Love him as well as you love yourself."

First time kong magka boyfriend ngayong college kaya medyo nag adjust ako sa time management, hang outs, at pinagsabay ko ang pagiging student architect at boyfriend ng isang engineer club president. I was too excited everytime na matatapos ang classes dahil nagkikita kami ni Jeko sa central, where our love story begins. Dala-dala niya palagi ang kaniyang malaking bag at paminsan ay may sino-solve pa siyang math problems habang nagkikita kami. Alam kong tina-try niyang maging consistent boyfriend sa 'kin at 'yan 'yung rason kung bakit mas minamahal ko siya araw-araw.

"Surprise!" Sinorpresa ko siya ng dinner date sa unit niya nung gabi ng first monthsary namin kasi hindi niya 'ko mailalabas for a date dahil busy siya sa school stuffs, naiintindihan ko 'yon. I'm very happy watching him enjoying the food I've cooked for him that night. "Hinay-hinay sa pagtitig, baka matunaw ako niyan, sige ka wala ka ng boyfriend na magluluto sa 'yo ng adobo." Tumawa lang siya sa sinabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

Pagdating ng Valentines Day, inaya niya akong mag movie date. Suot-suot ko palagi ang pendant na binigay niya sa 'kin nung maging kami. "Aren't you afraid of horror movies?" Nakita ko ang pag ngisi ng mga labi niya, akala niya siguro uurungan ko siya.

"No, I'm not! I like horror movies." I lied. Ayoko talaga sa horror dahil nagugulat ako pag may jump scare, I hate jump scares! "Oh my god! No! 'Wag ka pumunta diyan, bonak!" Tumalon ang puso ko sa gulat dahil may jump scare na namang naganap, huli ko nang mapansin na naka hawak na pala ako sa biceps ni Jeko. I wasn't prepared for that though!

"Oh... you really like the movie huh?" Nakangisi na naman siya habang tinitignan ang pagkakahawak ko sa kaniya. 'Yung ngisi niyang nakaka-asar pero nakaka-kilig din deep inside, pogi siya at hot kaya normal lang na kiligin ako 'di ba?

"Yes, ako pa ba? Horror movies are my thing... ah!" Another jump scare.

Pagkatapos naming manood ng movie ay kumain kami sa Italian restaurant na paborito naming kainan ni Rojon. Ito na ata ang pinaka romantic na Valentines Day na naganap sa buhay ko, pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa condo niya at dun tinapos ang araw ng mga puso sa kama niya. What a nice date.

"I love you, Ruru."

Lumipas ang ilang linggo, buwan at mga araw na kasama ko si Jeko at sobrang nagpapasalamat ako sa kaniya dahil siya ang naging sandalan ko nung mga araw na stressed ako sa school lalo na nung finals, wala na akong hinihiling pang iba kundi ang makasama ko siya through ups and downs, failures and success. Ngayong ilang buwan na ang nakalipas, third year na ako at last year na niya sa college, malapit na naming makamit ang mga pangarap namin nang magkasama.

"Kamusta naman inuman niyo kagabi?" Tanong ko sa kaniya habang siya ay nagaalmusal sa counter top, narito kami sa condo niya. "Last year mo na pala, graduation mo na next year ambilis ng panahon noh?" Hindi siya nagsalita at parang anlalim ng kaniyang iniisip, parang matutunaw na 'yung plato sa titig niya. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" Lumapit ako sa kaniya para i-check ang temperatura ng katawan niya. Hindi naman siya nilalagnat sa pagkaka tantiya ko.

"No, I'm fine." Iniwan niya ang pinagkainan niya sa sink kaya agad ko itong nilapitan upang hugasan. "I'm... just going somewhere for a while, babalik lang ako agad." Nag suot siya ng jacket, kinuha niya ang susi ng kotse at nagmadali siyang umalis ng unit. Iniwan niya akong naghuhugas ng plato sa lababo. Nagtataka ako kung bakit siya biglang naging ganun, usually naman pag may pupuntahan siya hindi siya ganun ka atat at nagpapaalam talaga siya sa 'kin ng maayos. Babalewalain ko na sana 'yun kaso nasundan pa ng isang beses, gabi na ng makauwi siya sa unit niya that time, ako ay sobrang busy sa plates ko dahil rush nanaman 'yung deadlines at patong-patong pa 'yung tatapusin ko kaya nag message na lang ako sa kaniyang i-call niya 'ko pag nakauwi siya kasi mabubusy ako sa gagawin ko, pero inisip ko pa rin siya at the same time kaya nag-expect ako na magtatawagan kami nung gabing 'yon, pero walang call na naganap. Binalewala niya lang 'yung message ko.

"Sa tingin mo may tinatago sa 'yo si Jeko?" Tanong ni Ivy na ikinagulat ko.

"Hindi... ang sa tingin ko, busy lang siya sa isang bagay na personal." Napahinga ako ng malalim nang sabihin ko 'yon. "Hindi ko alam." Napailing na lamang ako hanggang sa unti-unti nanamang sumikip ang dibdib ko, masyado na akong naaapektuhan sa pagbabago ni Jeko.

"Alamin mo kaya, tanungin mo siya kung bakit siya ganiyan, boyfriend ka niya kaya karapatan mong malaman 'yung mga bagay na tinatago niya, baka mamaya inaahas na pala 'yang boyfriend mo."

"Wala nga siyang tinatago." Nagpatuloy kami sa aming pagtatalo habang naglalakad papuntang next class. "Kilala ko si Jeko at alam kong hindi siya maglilihim sa 'kin ng mga ganiyang bagay."

Kinabukasan, niyaya ako ni Jeko na mag date, at first nagulat ako dahil sa ilang days ng pagiging cold niya sa 'kin bigla-bigla na lamang siyang bumalik sa pagiging romantic. Ang nasa isip ko ngayon ay tama nga talaga na may tinapos lang siyang personal stuffs kaya naging busy siya these days.

"Love, ano nga pala ginawa mo these past few days." Tinanong ko siya ng diretsahan. "Pansin ko kasi... busy ka." Ngumiti siya ng alanganin at dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko.

"May pinagawa kasing project ang faculty sa aming mga president and officers, that's why I got busy these days." Napatitig ako ng matagal sa mga kamay namin hanggang sa maalala ko 'yung gabi na kung saan nag inuman silang mga officers ng engineering and architecture, nung umagang 'yon, dun ako nanibago sa kaniya. "Is there a problem, Love?"

"W-wala naman... may iniisip lang ako."

:)

Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon