23

665 33 0
                                    


"Good morning, Architect Cañales!" Bati sa 'kin ni Kim na isa sa mga junior architects ng LGC, Lorvin Group of Companies. Ngumiti naman ako at binati rin siya ng 'good morning.' Nang maalala kong may partnership meeting pala ngayong hapon ay agad kong chineck ang schedule ko at meron nga talaga.


3pm at board room with the LGC executives, head of each department, CEO of Asuncion Construction & Supplies Company and their other representatives.


Wait... what?


Tulala akong nakatingin sa glass wall habang pinoproseso sa utak ko ang mga nabasa. Hindi naman siguro accurate 'yung iniisip ko noh? Marami naman sigurong Asuncion dito sa Pilipinas, for sure ibang Asuncion ang nagmamay ari ng kumpanyang 'yon, panigurado 'yan!


"Anlalim naman ng iniisip mo mare." Bigla akong napa balikwas nang marinig ang boses ni Spade. Nakayuko siya paharap sa 'kin at anlapit ng mga mukha namin. "Aray ko naman, mapanakit ka na ah!" Hawak-hawak niya ang mukha niya matapos ko itong matulak palayo dahil sa gulat.


"Sorry, ikaw naman kasi!" Tinaasan ko siya ng kilay at napanguso. "Ginugulat mo 'ko."


"Sorry na." Nag sorry pero tumatawa, pwede pala 'yon?


Dahil nga kabado pa rin ako ay naisipan kong yayain ulit si Rojon mag lunch. Sa mga bagay kasi na ito siya lamang ang masasandalan ko, lalo na't kapag siya ang kinakausap ko, paniguradong may sense at detailed ang ibibigay niya sa 'king solutions.


"Rojon... what if kumpanya nga nila 'yon?" Hindi talaga ako mapakali. Si Rojon naman ay seryoso lang habang ngumunguya sa kinakain niya, antagal niyang mag respond! "Roj, are you with me?" Tango lamang ang sagot niya.


"Patapusin mo muna kasi akong kumain." Masungit niyang sambit at sinunod ko nga ang sinabi niya, hinintay kong matapos ang malamya niyang pag nguya. "I'm done. Now... pinoproblema mo ang isang bagay na hindi mo naman hinahanapan ng solutions, idiot." Nagpunas siya ng tissue sa kaniyang bibig at kinuha ang phone niya sa bulsa.


"What do you mean by solution?"


"Here." Pinadulas niya sa table ang phone niya papunta sa 'kin at sumakto naman ito sa kamay ko. "I checked their company's website and there you can see their owner and employees." He explained it precisely.


Rafael Asuncion... Jethro Colt Asuncion.


Napa iling ako sa aking nakita at binalik kaagad sa kaniya ang phone niya. Kung minamalas ka nga naman, pati ba naman dito sa kumpanya makikita ko siya. Mahigit isang linggo pa lang 'yung lumipas nung nagkita kami tapos ngayon magkikita nanaman kami ulit? Oh c'mon... Nananadya ka ba talaga tadhana?


"Let's go back to the company," tumango ako sa sinabi niya at may pahabol pa siyang sinabi. "And be ready to see him again."


Halos 'di ako maka-focus sa pagbisita ko sa site ng mag-asawang Charlie and Harvin. Pinresent ko sa kanila ang blueprint ng magiging bahay nila at luckily nagustuhan naman nila ito. Kinakabahan pa rin ako nang makabalik sa office at mas kinabahan pa 'ko nang malapit nang mag alas tres. Nagmadali akong mag ayos ng sarili, nag apply din ako ng light make up para mas glowing 'yung aura ko pag nasa board room na ako. Ang huling ginawa ko ay dinala ko ang blue print ng establishments na pinapatayo sa water park dahil 'yun naman talaga ang importanteng i-present sa meeting mamaya.

Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon