Pagkatapos ng gabing iyon, 'di ko na ulit kinausap si Jeko. Lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa 'kin sa malayo, paminsan naman ay lumalapit siya sa 'kin at iniiwasan ko kaagad. Kasama niya minsan 'yung babaeng nakasama niya sa mall at dun sa gabing napagpasiyahan kong iwasan siya. Sa kaloob-looban ko, ramdam ko pa rin ang sakit sa tuwing natatanaw kong kasama niya ang babaeng 'yon, hindi ko alam kung papaano ako nagkaroon ng nararamdaman sa kaniya basta ang alam ko ay nasasaktan na ako ngayon.
"Dzai napapansin ko lang, ba't parang matamlay ka these days?" Concern na tanong ni Ivy habang kumakain kami sa cafeteria. "May nangyari bang masama? May problema ba o may sakit ka? Sabihin mo lang baka makatulong ako."
"Wala sa nabanggit. Okay naman ako, 'di ko lang talaga feel maging hyper these days." Pinakitaan ko siya ng ngiti upang sabihing 'okay lang ako.'
"Oh my god! Heart broken ka girl?" Hinawi ko kaagad ang kamay niya nang hawakan niya ang dibdib ko. "Ba't parang mas malaki pa sa 'yo kesa sa 'kin? Ako babae dito ah!"
"Baliw." Tumayo na ako upang ilagay ang food tray sa lagayan. Sumunod naman siya sa 'kin na parang timang na chinicheck ang boobs niya. "By the way, 'di ba may pinagawang plate si Sir? Nagawa mo na ba 'yu---"
"Anong meron sa inyo ni President Jethro?" Bigla niyang natanong. Natahimik ako bigla, hindi ko alam ang isasagot. "Iniiwasan mo ba siya? Bakit parang may nangyari sa inyong dalawa? Kaya ka ba matamlay ay dahil sa kaniya?" Sunod-sunod ang tanong ni Ivy. Gusto ko sanang lusutan ang mga tanong niya pero kinulit niya ako nang kinulit kaya napagpasiyahan kong ikuwento ang lahat ng nangyari sa kaniya. "Si President may girlfriend? Baka nagkamali ka lang ng intindi, baka hindi niya 'yun jowabels."
"Ilang beses ko na kasi silang nakitang magkasama na sila lang dalawa, ano ba dapat isipin ko? Na mag pinsan sila kagaya nung sa mga teleserye?" Sasagot pa sana siya sa tanong ko nang biglang dumating ang lecturer namin.
A couple of weeks just passed at natapos na rin ang midterm exams, 'di pa rin kami naguusap ni Jeko dahil iniiwasan ko pa rin siya hanggang sa...
"It's been a month since we last talked, wala ka ba talagang balak na kausapin ako?" Napabuntong hininga muna ako bago umangat ng tingin sa kaniya, nagtitigan kami ng ilang segundo hanggang sa ako na ang umiwas at aakto na sana akong umalis ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin akong muli sa kaniya. "Please tell me what your problem is."
"Wala naman akong problema." Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko ngunit mas malakas siya sa 'kin kaya 'di ko magawa. "Pwede bang kalimutan mo na lang ako? Dun ka sa girlfriend mo lumapit, 'wag sa 'kin!"
"Wala akong girlfriend, what are you talkin' about?" Ilang segundo kaming nagtitigan dito sa loob ng wash room buti nalang at walang pumapasok na ibang tao. "Are you talking about Xylene? She's not my girlfriend. When I told you that I'm single, I was telling the truth." Lumambot ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "She's my cousin."
"Cousin?" Tinanggal ko nang dahan-dahan ang kamay ko sa pagkakahawak niya at napatingin sa salamin ng wash room. Isang buwan kong dinala 'yung sakit na ako lang gumawa. All this time, ako lang pala 'yung nagiisip ng mali. Sobra akong napahiya sa nagawa kaya agad akong naghilamos at tumakbo palabas ng wash room.
"Hey! Where are you going?!"
Ito na ata ang isa sa mga 'di ko makakalimutang embarrassing moments ng buhay ko bukod dun sa pagkagat ko ng balikat ng taong 'di ko kakilala nung elementary. Undas break na after that week at napagpasiyahan kong umuwi sa 'min for three days. Naiwan si Rojon sa condo dahil isang araw lang naman siya uuwi sa kanila at sa susunod na araw pa 'yon. Si Jeko naman ay lagi akong mini-message sa text, messenger o kahit sa instagram. Hindi naman sa ayoko na siyang makausap pero kasi 'yung hiya nandito pa kaya napagpasiyahan kong kausapin na lang siya pag nakabalik na ako ng QC.
"Insan... I miss you." Yayakapin na niya sana ako nang itulak ko ang dibdib niya palayo. "'Di mo ba na miss ang pinaka pogi mong pinsan?" Pawisan siya dahil kakalaro niya lang ng basketball kasama ang mga tropa niya, siya si Stephen. Nandito kami ngayon sa basketball court ng subdivision at naglalaro sila ng basketball habang ako ay nakaupo lang sa bench, pinapanood sila.
"Tapos na kayo?" Tanong ko sa kaniya at binato ang towel, nasalo niya ito at sayang hindi ang mukha niya ang sumalo.
"Yes! May pagkain ba sa inyo? Tara! Yayain mo 'ko mag dinner." Sobrang lakas ng tawa niya nang irapan ko siya. "'Di joke lang, kanina ka lang ba nakabalik?"
"Oo, actually babalik na nga ako sa QC kasi nakita ko na ang pagmumukha mo, 'yun lang talaga pinunta ko dito." Nagtawanan kami hanggang sa makapunta kami sa bahay nila. "Hello po tita, si Stephen po nakipag basag ulo sa kanto." Bubunganga na sana si Tita Kaye kaya agad kong sinabing 'charot lang po.'
Pumasok ako sa kwarto ni Stephen at doon humiga upang magpahinga. Bata pa lang kami ni Stephen ay close na talaga kami kaya ang ilan sa mga bagay na meron siya ay pinapahiram niya sa 'kin dahil parang magkapatid na rin ang turingan namin. Aware din siya sa kasarian ko at siya ang unang sinabihan ko ng sikretong iyon nung bata pa kami. Basketball kasi ang nilalaro niya while ako naman ay mahilig sa dress up games sa computer, kaya tinanong niya ako at tinanggap ng walang alinlangan. Bata pa lang si Stephen ay malawak na ang pang uunawa niya, kaya siguro maraming nag didikit ng puso sa uniform niya nung high school tuwing valentines. Maraming babae ang napaiyak niya nung highschool, lagi niya kasing nababasted ang ilan sa kanila at 'yung iba naman ay umiiyak lang ng kusa kasi 'di niya pinapansin.
"Tara, kain na daw tayo sabi ni mama." Higit sa lahat, pogi at maalaga ang pinsan kong si Stephen kaya 'di ko masisisi ang mga nagkakagusto sa kaniya. Napapaisip nga ako kung may nagugustuhan na rin ba siya. Sa looks and personality niya, fore sure madali lang siyang makakahanap ng majojowa. "'Wag mo nga 'kong titigan, I'm scared!" Siraulo nga lang minsan.
Sabay kaming kumain ng pamilya ni Stephen at after nun ay hinatid niya na ako pauwi sa 'min, dala ko ang bike niya. Kinuhanan ko siya ng litrato habang naglalakad siya sa tabi ko at ginawa ko 'yung IG story. Crush kasi siya ni Ivy kaya kailangan kong gawin 'yung mission na binigay niya sa 'kin. Kapag na IG story ko si Stephen, ililibre niya ako ng lunch for the whole week after this break.
"Wala ka pa bang planong jumowa, Steph? Si tita hinahanapan ka na ng babaeng dadalhin sa bahay niyo, ano na?" Binagalan ko ang pagpepedal para masabayan siya sa paglalakad niya.
"Kailangan ko munang makapag tapos bago isipin ang pagjojowa na 'yan. I am happy with my self and doing my things alone, kaya 'di ko muna iisipin 'yan." Malayo ang tanaw niya habang sinasabi ang mga bagay na 'yon. Si Stephen lang talaga ang kakilala kong walang pakialam sa love at love life, siguro ay dahil napupunan na 'yon ng mga kaibigan at pamilya niya. "Ikaw ba? Kailan mo ulit balak sumugal?"
Naalala ko na naman ang first love ko nung highschool. 'Yon ang una at huling sumugal ako sa love, kung saan ko binuhos ang lahat ng pagmamahal ko at kung saan ko naubos ang lahat ng pagmamahal na meron ako. It lasts for almost three years and the end part of that was a very long heartbreak. Pero kahit ganon pa man, masaya na ako ngayon dahil na-overcome ko na 'yung pain at masaya na ako ulit. That relationship gave me a huge amount of pain but also made me realize about things, especially on love and maturity.
"Kung may darating man, e 'di why not? Nowagad!"
:)

BINABASA MO ANG
Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]
RomansaArtwil, an architecture student from University of San Cielo, has two goals in life: to become successful and to find a man who will truly love him. Then he meets Jethro, a kind, passionate civil engineering student from the same university. Destiny...