"Ano pong pag uusapan natin? Sir." Narito kami ng tatay ni Jeko sa harap ng construction site, kung saan may maliit na coffee shop at nag order kami ng kape. Kami lang din 'yung costumer ngayon kaya napagmasdan ko nang maayos ang kabuohan ng cafe.
Inaamin ko kinakabahan talaga ako ng todo pero pinilit kong 'wag ipahalata kay Engineer Asuncion na nai-intimidate ako sa malakas na presensiya niya. Naka krus ang mga kamay niya sa dibdib at nakikita ko si Jeko sa pose niyang 'yon, like father like son indeed.
"Why do you look so pale? Natatakot ka ba sa 'kin?" Ang kaninang seryosong mukha ay napalitan ng ngiti. "'Wag kang matakot, I'm a good man and just call me tito not sir." Hindi ko napansing napangiti na rin pala ako sa sinabi niyang 'yon, kabado pa rin ako pero go with the flow lang mars.
Sumimsim muna siya sa kaniyang kape bago bumalik sa pagsasalita.
"I know it's been a long time. Hindi ko nagawang humingi ng patawad sa 'yo," Tahimik lamang akong nakinig sa sinabi niya, anong pagpapatawad? Hindi ko mapigilang malito sa sinabi niya. "You know it already, right?"
"Uh... ano pong tinutukoy niyong pagpapatawad? Wala naman po kayong ginawa sa 'kin." Lumipat ang tingin niya sa site na para bang may ina-alalang pangyayari.
"Well... I used to be a hindrance to the both of you back then," sumeryoso ang kaninang nakangiting mukha niya at hindi ko pa rin maintindihan ang tinutukoy ng kaniyang pagpapatawad. "Ako ang nag utos kay Architect Fuentavilla na gawin ang lahat upang mag break kayo ng anak ko, and I even think that it is a good thing to ruin my son's happiness. I'm very sorry, Architect." Yumuko siya sa harap ko.
"Sir, I mean Tito, 'wag na po kayong mag-sorry, matagal na po 'yun at tsaka naka move on na rin kaming dalawa ni Jeko." Umangat ang tingin niya sa 'kin at ngumiti ng kaunti. Ngayong tumahimik na ang paligid, mas nag-sink in na sa 'kin ang katotohanan. Ito pala ang nangyari... pero bakit? "Tito, matanong ko lang. Dahil po ba sa labag sa inyo ang same sex kaya niyo kami gustong paghiwalayin?"
Umayos siya ng upo at sumimsim muna sa kaniyang kape.
"Noon. Nung buhay pa ang mommy ni Jeko, sinisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko siya magawang mahalin. Nagkarelasyon din ako sa same sex," biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Buong lakas na ipinagtapat sa 'kin ni Engineer Asuncion na nagkarelasyon rin siya sa kagaya ko. "College din kami nun nung naging kami. Tanggap kami ng pamilya niya pero naging hadlang ang father ko sa relasyon namin. Dahil don sinikreto namin ang aming relasyon hanggang sa sinet-up ako at ang mommy ni Jeko at nabuntis ko siya, ipinanganak si Jethro."
Hindi ako makapaniwalang kinukwento sa 'kin ng tatay ni Jeko ang family history nila, nagtataka tuloy ako kung alam rin ba niya ito.
"Gusto ko pa sanang ipaglaban hanggang sa huli ang relasyon namin ni Richie, kaso binantaan ako ng magulang ko na sasaktan daw nila ang anak ko pati rin ang pamilya ni Rich, kaya napilitan akong makipag hiwalay at magpakasal sa mommy ni Jeko." Seryoso lamang ang mukha ni tito habang nagkukwento, grabe din pala 'yung sinapit niya sa parents. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot. "Nung kinasal kami ni Anji parang nawalan na 'ko ng buhay, kahit 'yung anak ko hindi ko naiparamdam sa kaniya ang pagiging ama. Napuno ng galit ang puso ko at nung nalaman kong nagka relasyon kayo, ginawa ko ang lahat upang mapaghiwalay ko kayo, humihingi ako ng tawad sa nagawa ko."

BINABASA MO ANG
Build Me Up, Engineer (Dream Series #1) [BL]
RomanceArtwil, an architecture student from University of San Cielo, has two goals in life: to become successful and to find a man who will truly love him. Then he meets Jethro, a kind, passionate civil engineering student from the same university. Destiny...