Kabanata 19

327 19 5
                                    

Kabanata 19: Date Me Before You Leave

"Ate, kailan kayo aalis?" Tanong ni Andrea habang sinusuklayan ko ang buhok niya.

14 years old na siya pero bini-baby ko siya. Masyado ko lang ata siyang namiss kaya ganito nalang ako ka sweet sakanya.

"Bakit? Gusto mo na ba akong paalisin  dito?" Pabirong sabi ko.

"Hindi! Kailan nga?"

"Sa nineteen pa. Ayoko pa bumalik dun, naka leave naman ako ng three weeks kaya okay lang sa mga officers," sagot ko naman.

"Ate pinapahirapan ka ba nila doon?" Inosenteng tanong niya.

"Hindi naman. 'yung mga kaya ko lang gawin ang ginagawa ko," sagot ko.

"Ayaw ko maging parang ikaw, ate. Agent ba. Ayoko nun, mukhang mahirap."

"Eh anong gusto mo?"

"Detective."

Bigla kong naalala si Sean. Noong bagong taon ay binati niya ako at sinabing may regalo daw siya saakin kaya hihintayin niya daw ako doon, humingi ako ng pasensya dahil hindi ko napaghandaan ang pagreregalo niya kaya wala akong regalo pero sabi ko naman ay papasalubungan ko siya para quits na.

Ang sweet ni Sean sa totoo lang, siguro kung hindi ko nakilala si Brent ay si Sean ngayon ang boyfriend ko kaso masyado atang mapaglaro ang tadhana at isa ako sa mga biktima kaya naging medyo magulo ang buhay. Lagi ko naman kasama si Karren at Sean noong panahon na hindi ko pa kilala si Brent, 'yun nga lamg ay medyo masungit pa si Sean nung panahon na 'yon. Hindi ko naman talaga alam na may gusto siya saakin. Sa totoo lang ay mas gusto ko si  Sean para kay Karren, hindi dahil sa bestfriend ko si Karren pero totoo naman. Nasaktan ko na si Sean kaya ayaw ko na maulit 'yon kasi parang masakit din para saakin.

Mahal ko si Sean bilang kaibigan.

Bilang kaibigan lang talaga.

"Ma, nasaan sina Brent?" Tanong ko nung makalabas ako sa kwarto.

"Ah sinamahan niya ang papa mo sa plaza, may kukunin daw." Sagot ni mama.

"Si kuya Adam, kailan siya babalik?" Nahihiyang tanong ko.

Sa totoo lang ay ayaw kong ibaling ang usapan kay kuya. Masyadong masakit ang nakaraan ko nung panahong ako lagi yung naaapi niya.

Hindi ko makakalimutan ang unang beses na itinaboy at balewalain ako ni kuya sa school.

Flashback..

First day of school ko ngayon as a grade 7 student, hindi ako masamahan ni mama at ni papa dahil nagtatrabaho silang pareho, si kuya ang kasama ko.

"Kuya, ihahatid mo ako?" Inosenteng tanong ko.

Grade 7 ako at Grade 10 siya.

"Hindi."

"Hindi ko alam kung saan ang classroom ko," pagmamaktol ko.

Nagulat ako ng bigla nalang siyang humila ng dumadaan na estudyante at hinarap saakin.

"Heto!" Itinulak saakin ni kuya ang lalaking hinila niya ng basta basta.

"B-boss Apher?" Utal na tugon ng lalaki.

"Aanhin ko 'yan?!" Magmamaldita ko.

"Hoy ikaw! Kung sino ka man, ihatid mo 'tong putanginang 'to sa section 2. Naiintindihan mo?" Sigang utos niya.

"Hoy kuya! Pag nalaman ni mama kung ano 'tong pinag gagagawa mo sa school, papagalitan ka!" Pananakot ko.

Hindi naman ugali ni kuya ang magmura sa bahay eh.

Yes, I'm a Secret Agent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon