Kabanata 37

294 16 12
                                    

Kabanata 37: Paghahanda

"We'll schedule your wedding. Four months from now. September 18. Are you okay with that?" Tita Minerva discuss.

"Hindi po ba masyadong madali ang kasal? Bakit parang ang bilis?" I interrupt.

"Bakit pa patatagalin kung pwede namang mabilisan na?" Miguel asked.

"Minamadali niyo ba ako?" I sounded annoyed.

"Uh, no. Let's just move it. October 18 will do. Okay ba?" Miguel said.

Hindi ako sumagot.

"May pupuntahan ako ngayong araw. Alam kong wala kayong tiwala saakin kaya magpapasama ako kay Manang. Ayokong isipin niyong naglalandi lang ako kaya isasama ko si Manang." I said.

Tumayo ako at dumeretso sa kusina kung nasaan si Manang.

"May kailangan ka ba, Samantha?" Tanong niya.

"Manang, I'm meeting a friend today. Pwede po bang magpasama? Saglit lang po." Sabi ko.

"Sige ba. Bilisan mo na at magbibihis pa ako." Sabi nito at agad na umalis sa harap ko.

Pumasok ako sa kwarto at kumuha ng damit. Hindi gaya ng nakasanayan ko ay nagsuot ako ng t-shirt at pantalon.

Ito si Alice Saavedra.

Nagpulbo lang ako at itinali ang buhok ko. Hindi na ako nag aksayang mag make up. Wallet at cellphone lang ang dinala ko. Lumabas ako ng kwarto at naroon na si Manang.

"Naku, Samantha! Bakit wala kang meyk ap? Baka manibago sila ma'am Minerva at sir Josh." Sabi ni Manang.

"Hayaan niyo sila kung ano man ang isipin nila. Saglit lang naman tayo roon." Sabi ko at naglakad palabas ng kwarto.

Bago tuluyang lumabas ng bahay ay dinaanan ko muna sila sa dining area.

"Aalis na ako." I boredly said.

Mahahalata sa mga mata nila ang pagkagulat dahil sa itsura ko ngayon. Marahil ay nasanay na silang naka bistida at naka make up ako kapag aalis.

Akmang maglalakad na ako palabas ng tawagin ako ni tita Minerva.

"Samantha Vespera Monteverde!" May halong pagbabanta ang pagtawag niya.

Hindi ako sumagot. Tinignan ko nalang siya ng walang sigla. Tumayo siya at tinapatan ako.

"Patagal ng patagal ay nawawalan ka ng respeto saakin." Saad niya.

Nakipag titigan saglit ako sakanya bago sumagot. "Nirerespeto ko ang mga taong karapat-dapat na irespeto."

Sa hindi inaasahan, namanhid muli ang kaliwang pisngi ko dahil sa malakas na sampal ni tita Minerva. Sa halip na umatungal ay ngumisi nalang ako.

Naramdaman ko na ang mga braso ni Miguel sa mga braso ko. Muli niya akong inalo.

"Vespera, mamaya nalang kayo mag usap. Gumayak ka na." Bulong ni Miguel.

Muli akong humarap si tita Minerva at ngumiti. Iyong ngiti na may kasamang asar.

"Aalis na ako. Manang tara na." At tuluyan na akong lumabas ng bahay.

Si Manang ang nagpara ng taxi. Naluluha naman ako habang nasa loob ng taxi. Hindi ako kinausap ni Manang pero tinatapik niya ang likod ko. Alam niya siguro na gusto kong umiyak pero ayaw niyang magsalita kaya tinapik niya nalang ang likod ko para mabawasan ang pag aalinlangan ko.

"Hija, kung ayaw mong matuloy ang kasal niyo sabihin mo lang saakin at itatakas kita." Bulong niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Yes, I'm a Secret Agent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon