Kabanata 27

329 23 17
                                    


Kabanata 27: Leader

Six years of friendship ang still counting.

Makulit, madaldal, pilyo, tarantado pero mabait, maalaga at mapagmahal si Karren. Nung una aaminin kong napaka weirdo niya dahil sa mga pinagsasasabi niya. Bawat araw nga ay may bagong pangalan na madadagdag sa crushlist niya.

Naging sandalan ko siya noong mga panahon na walang wala na ako. Naging panyo ko siya noong pinapaiyak ako ni Brent. Oo palagi niya akong iniinis, palaging kinukulit at palaging pinapatawa.

Siya 'yung tipo ng babae na isang tingin mo lang sakanya, alam niya na ang problema mo. Siya 'yung kapag alam niyang malungkot ka, ibubuka niya lang ang mga braso niya para yakapin ka. Hindi siya aalis sa tabi mo hanggat hindi ka pa tumatahan kakaiyak.

Siya 'yung nagsilbing kapatid ko dito sa manila. Siya 'yung promo-protekta saakin kapag tinitira ako patalikod. Taga bigay ng advice kapag hindi ko na talaga kaya. Taga alaga saakin kapag may sakit. Kumbaga inshort, napaka laki ng ambag niya sa buhay ko.

Nangako siya saakin noon na hindi niya sisirain ang tiwala ko sakanya. At sa sitwasiyon namin ngayon. Lalo akong nagtiwala sakanya. Hindi ko man alam ang rason kung bakit niya nagawa 'to. May tiwala parin ako sakanya.

Karren Mae Redoble will still be my bestfriend.

She made a mistake and I forgive her.

"Alice!" Sigaw ni Karren papalapit saakin.

Tinabig niya ako kaya nawalan ako ng balanse pero nasalo naman ako ni Brent.

Tinignan ko ang ginawa ni Karren, sinaksan niya ang lalaking pupukpok sana saakin ng malaking kawayan.

"Nice move, Zamora." Kinindatan niya pa ito.

"M-madam... T-traydor ka...." Naghihingalong usal ng lalaki.

Sumaludo si Karren. "Pakamusta nalang kay Satanas." Aniya.

"Tara na. Ilalabas ko kayo ng buhay dito." Sabi niya at hinawakan pa ang palapulsuhan ko.

"Sasama ka ba saamin?" Tanong ni Brent.

"Oo. Alam kong kailangan ni Alice nang perang malilikom niya sa misyong 'to. Malaki ang kasalanan ni Lucifer sa pamilya ni Alice. Kailangan ko na siyang tulungan." Bumaling siya saakin at ngumiti.

"K-kilala mo si Lucifer?"

"Oo. Siya ang dahilan kung bakit ko 'to nagawa. Siya ang nagpapaaral sa bunso kong kapatid at noong umuwi lang ako sa bahay ko nalaman."

"Tara na. Madami pa sila." Sabi ni Brent.

Paika ika pero mabilis na naglakad si Karren sa tabi ko.

"Sorry, Karren. Sorry nabaril pa kita."

"H'wag ka na munang magdrama, tara na." Sabi pa niya at mahinang tumawa.

"Ilang alipores ba ang nandito at parang hindi sila nababawasan?!" Giit ni Brent.

"Madaming pinadala si Lucifer. Magkita nalang tayo sa 4th floor." Sabi ni Karren.

Sabagay, nasa 8th floor kasi kami.

Paika ika siyang naglakad papaalis.

"Karren!" Lumingon siya sa pagtawag ko.

Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap siya. Hinawakan ko ang kamay niya at ibinigay ang isang baril. "Kung kaya mo akong protektahan, paki protektahan naman ang sarili mo para saakin."

Tumango siya at inipit ang takas buhok ko sa likod ng tainga ko. "Gagawin ko. Ililibre mo pa ako ng samguyupsal diba? Una na ako." Sabi niya at hinaplos pa ako sa braso ko.

Yes, I'm a Secret Agent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon