Kabanata 36

313 16 6
                                    

Kabanata 36: Ang Balak ni Josh

Pagmulat ng mga mata ko, bumungad saakin ang puting kisame. Inilibot ko ang mga mata ko, puti lang ang nasa paligid. Naka hospital gown ako at nararamdaman ko ang pagkirot ng ulo ko.

Pinasadahan ko ng tingin si Miguel na nakayuko sa kamay ko, natutulog siya ng mahimbing. Tinignan ko ang wall clock na naka sabit sa tapat ng pinto. It's already 12:51am.

Sinubukan kong alalahanin kung bakit ako nandito, I cried when I remembered the accident.

Ang aksidenteng naging rason ng pagbalik ng mga ala-ala ko. Na ako si Alice Saavedra.

Ibig sabihin, ang pangalawang buhay ko ay isang malaking kasinungalingan.

I cried silently. Ginamit ko ang isang kamay ko para takpan ang bibig ko. I don't wanna make any noise. Ayoko pang kausapin si Miguel. Nang makasigurong titigil na ako sa pag iyak ay dahan dahan kong ipinatong ang kamay ko sa buhok ni Miguel, marahan ko iyong hinaplos habang pinipigilang humikbi.

"You lied..." Bulong ko.

Habang patagal ako ng patagal sa paghahaplos ng buhok niya ay napa isip ako.

Malaki ang utang na loob ko kay Miguel. He accepted me. Siya 'yung tumulong saakin para muling mabuhay. He helped me.

Pero ang mga tulong na 'yon ay hindi dahil gusto niya lang kundi dahil kamukha ko si... Si Samantha. Ang totoong Samantha.

"Qui Vivra Verra..." I mumbled.

(Translation: "Time Will Tell...")

Sa halos tatlumpong minuto kong hinahaplos ang buhok niya ay marami akong iniisip.

Gayong nakaka alala na ako, pwede ko na bang balikan ang dating ako? Ang pamilya ko, ang buhay ko. Si Brent...

Hinaplos ko ang buhok ni Miguel habang umiiyak, hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari. Pwede bang matapos nalang dito lahat?

Inabot ko ang phone ko mula sa katabing lamesa ng kama. I want you meet Brent.

To: Mr. Zamora
Hey? Can I schedule a meet up with you? Next week sana. I wanna tell you something. Let me know if payag ka so that I can prepare. Thank you.

I didn't wait for his reply, instead I close my eyes to have a peaceful mind. Sa halip na marelax ang utak ko, bumabalik 'yung mga dahilan kung bakit ako nandito sa sitwasyon na 'to.

Sa isang abandonadong building kasama sila Brent. Tinanggap ko ang delikadong misyon para lang sa kapatid ko na umaasang makakalakad muli. Ang dahilan ay si Lucifer. Si Lucifer na dahilan kung bakit ako nahihirapan. Ginamit niya si Karren.

Si Karren.

Napabalikwas ako sa higaan dahilan para magising si Miguel. Napaluha ako nang maalala ang sinapit ni Karren.

Ang tatlong putok ng baril, ang pamamaalam niya at ang huling linyang binitawan niya bago siya malagutan ng hininga sa mga bisig ko. Napa iyak nalang ako habang naka yuko, ani mo'y batang inagawan ng kendi.

Inalo ako ni Miguel. Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap ako. Hagulgol lang ang maririnig sa kwartong ito sa gitna ng gabi.

"Vespera, may masakit ba?" He asked.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko iyon. Kapag sinabi ko sakanya na bumalik na ang ala-ala ko, paniguradong masasaktan siya dahil hindi na ako papayag na maging Samantha Moneverde. Ayoko munang makipag sigawan o makipag bangayan sakanya kaya umiling ako.

"M-masakit ang ulo ko, Miguel." Pagsisinungaling ko.

Kaagad siyang nataranta. " Lalabas muna ako, bibilhan kita ng gamot, okay? Stay here, I'll be back." Then he kissed my forehead.

Yes, I'm a Secret Agent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon