Kabanata 16

335 26 13
                                    

Kabanata 16: Tatlong Salita

"Mahal ka naman niya diba?" Ngumunguyang tanong ni Karren sa harap ko habang kumakain ng mansanas.

"Oo naman!" Taas noong sagot ko.

"Nasabi niya na ba yung tatlong salita?" Tanong niya uli.

Hindi pa eh....

"Kailangan pa ba nun?" Tanong ko pabalik.

"Ayy Shunga! Malamang oo, alangan namang papasok ka sa isang relasyon ng walang aylabyuhan edi ang pangit naman nun,"

"Okay na 'yung kahit walang ganun basta pinaparamdam niya." Sagot ko pa.

"Taas confident mo ah! Pag ikaw niloko, h'wag lang iiyak sa harap ko," natatawang sambit niya.

"Tsss asa ka pang lolokohin ako ni Brent, eh mahal niya ako,"

"Hindi ka sigurado sa nararamdaman niya at mas lalong hindi mo alam ang tumatakbo sa utak niya, h'wag kang pakampante," usal niya pa.

"Hindi niya ako lolokohin," ngiti ko.

Hindi nga ba?

Mabilis kong tinapos ang almusal ko bago naligo. Inayos ko ang uniform ko bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Karren na may binabasang parang listahan.

"Hoy ano 'yan? Listahan ng mga pornsite?" Natatawang biro ko.

"Alam mo ang bastos ng mga lumalabas sa bibig mo. Ipagmumog kaya kita ng holy water para naman luminis kahit konti," asik niya.

Tinawanan ko lang siya, "ano nga 'yan?"

"Listahan ng mga pautang ko," walang emosyon saad niya. "...char,"

"Ang tino mo talaga kausap eh," sarkastikong sabi ko.

"Wishlist 'to! Wishlist ng mga pesteng pamangkin at inaanak ko sa Nueva Ecija! Akala mo naman nagtatae ako ng pera. Andaming pinapabili mga ampota!" Reklamo niya.

"Pagbigyan mo na, magpapasko naman na oh," turo ko sa kalendaryo.

"Yun na nga eh, mga abusong pamangkin! Feeling ko mga nanay nila ang nagpadala ng sulat. Tignan mo oh, may '3 box ng Myra E' eh ang pinaka matanda kong pamangkin ay nasa trese anyos tapos lalaki pa, aanhin ang Myra E, aber?" Rklamo niya.

"Oh eh bakit sakin ka nag rereklamo?" Pang aasar ko.

"Ayoko nalang umuwi! Dito nalang ako," Singhal niya.

"Bobo! Magpapasko kang kasama ang mga kaluluwa ng mga ghinost mo?"

"Saan ka ba mag papasko?" Tanomg niya.

"Sa kalsada hehehe," biro ko.

"Sige support kita sa kashungahan mo," pagsakay niya sa trip ko. "...sama nalang ako sa probinsiya niyo," dagdag niya.

"Sure ka?"

"Shunga shunga ka talaga! Malamang hindi, baka masupalpal ako ng nanay ko kapag sumama ako sayo," biro niya.

"Pwede naman, sama ka sakin sa Pangasinan. Madaming pogi dun," pang uuto ko.

"Gusto ko sanang sumama kaso ang problema, baka maging crush ako ng lahat doon kaya h'wag nalang." Kunwaring malungkot na saad niya.

"Siraulo ka talaga," ika ko.

"Anong date ka aalis?" Seryosong tanong niya.

"Sa twenty na, bibili pa ako ng pang regalo at pasalubong sa bunso kong kapatid eh tsaka okay na 'yung maaga ng ilang araw, mahiral bumyahe lalo na at magpapasko. Ikaw ba, kelan alis mo?"

Yes, I'm a Secret Agent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon