Kabanata 24: Andrea Saavedra
Madilim.
Malamig.
Iyak.
Sakit.
Panghihina.
Dalawang araw matapos ang eksena sa hallway ng condo unit nila Brent. Hindi ko alam kung ano ang mga sumunod na nangyari pero ang alam ko lang ay nagising ako sa clinic ng building na 'yon.
Ang sabi ng doctor na tumingin saakin ay nagkaroon daw ako ng mini heart failure. Hindi ko na sana 'yon iintindihin ng sabihin ng doctor na kapag naulit ang ganong nararamdaman ko ay baka tuluyan ng bumigay ang katawan ko at baka ma diagnose daw ako.
Ngayon ay March 2. Hindi ako lumabas ng kwartong 'to. Si Karren.
Iniwan na din ako ni Karren. Iniwan na din ako ng matalik kong kaibigan.
Nang araw na 'yon, pagdating ko sa boarding house ay walang katao tao. Naka charge parin ang naiwan kong cellphone at nang buksan ko iyon ay may mensahe si Karren na nagsasabing h'wag ko na daw muna siyang hintayin dahil hindi niya sugurado kung makaka uwi pa siya.
Iniwan na nga ako ng boyfriend ko, iiwan pa ako ng bestfriend ko. Ang saya, potangina.
Sa loob ng dalawang araw, tubig lang ang nagsisilbing lakas ko.
Iyak. Inom tubig. Tulog. Paulit ulit. Nakatanggap din ako ng text messages mula kay Sean pero hindi ko ito magawang mareplyan dahil sa panghihina. Alam kong alam niya ang nangyari saakin. Matalino siya at isa siyang detective, malamang ay inaalam niya kung bakit hindi ako pumasok ng dalawang araw.
Nakatanggap din ako ng isang message mula kay Brent na nagsasabing...
"Are you okay now?"
Imbis na mapangiti ay naluha ako. Domoble 'yung pag iyak ko. Hindi ko ito nireplyan. Hindi ko kasi matanggap na 'yan ang unang message niya saakin bilang ex boyfriend.
Mahal ko siya kaya pinapalaya ko na siya.
"Alice?" I heard a knock on my door.
Boses palang ay si Sean na.
"Alice lumabas kana diyan, may dala akong soup. Baka nagugutom ka," saad niya.
"Hindi ako gutom." Malumanay na saad ko.
Sinubukan niyang pihitin ang door knob pero naka lock ito.
"Alice, kain na tayo. Handa na ang pagkain,"
Hindi ako sumagot bagkus ang umiyak nalang uli.
Tanging pag iyak lang ang nagagawa ko. Humagulgol ako at binalot ang sarili ng kumot.
Laking gulat ko nalang nang bumukas ang pinto dahilan para matigil ako sa pag iyak.
"Paano ka nakapasok dito?" Malumanay na tanong ko.
"I'm not detective Najera for nothing, agent 107."
Ngumiti ako sa sinabi niya.
"Kain na tayo, may dala akong sopas."
"Hindi ako gutom,"
"Tuwing gutom lang ba pwedeng kumain?" Tanong niya pa.
Tumayo siya at lumabas. Tinanaw ko siys hanggang sa pagbalik niya. May dala siyang tray na may lamang dalawang mangkok ng sopas.
"Kain na," sabi niya at inilapag sa mini table ang tray.
"S-salamat." Sabi ko.
Kinuha ko ang mangkok at kutsara, inalalayan niya pa akong kuhanin iyon para makasiguradong hindi mabubuhos.
BINABASA MO ANG
Yes, I'm a Secret Agent
ActionSa lahat ng biktima ng mapaglarong tadhana, isa si Alice sa mga iyon. Ang pangarap nyang trabaho ang maglalagay sa kanyang kapahamakan, ngunit sa isang delikadong misyon, mababago ang takbo ng buhay nya. Mabubuhay sya sa dalawang pagkatao. Samantha...