Kabanata 28: —UNTITLED—
"Redoble, Karren Mae D."
Tumayo ang babaeng naka upo sa dulo at naglakad papunta sa harap at timabihan ako.
Tinignan ko siya saglit. Nagtama ang mga paningin namin kaya kaagad akong umiwas ng tingin.
"Hindi tayo talo sis." Mahina siyang natawa.
"Straight ako," ngiti ko. Nang nginitian niya rin ako alam ko sa sarili ko na magiging komportable ako sa taong katabi ko ngayon.
"Alice Saavedra pangalan mo diba?" Tanong niya.
Marahan akong tumango. "Oo," sagot ko.
"Nice. Sabay tayong mag lunch mamaya, nakakagutom pala ang meeting na 'to. Nakaka stress, sayang beauty ko." Bumusangot pa siya.
"S-sige." Mahinang sagot ko.
"Bakit ka nauutal? H'wag kang matakot, ang ganda ganda ko tapos parang hinuhusgahan mo 'ko."
"Uy hindi ah. Wala kasi ako sa mood. Nagugutom na din ako." Wika ko.
"Same vibes pala tayo eh. Mukhang magkakasundo tayo." Sabi niya na ikina ngiti ko.
___"Marunong ka mag darts?" Tanong niya saakin.
"Oo, naglalaro ako niyan sa probinsiya kapag badtrip ako."
"Nakakatakot ka palang ma badtrip. Tara maglaro nalang tayo, pampalipas oras lang," aya niya.
Nagsimula kaming naglaro.
"Ang galing mo pala 'no? FBI agent na nga ang magiging trabaho, magaling pang shooter." Puri niya.
"Hindi naman hahaha." Awkward na tawa ko pa.
___"Saan ka ba tumutuloy?" Tanong niya.
"Malapit lang dito. Boarding house lang din. Hindi ko pa alam ang pangalan na 'yon. Kakarating ko lang last week eh." Sabi ko.
"Ay ganun? Sige una na ako. See you tomorrow." Sabi niya at kumaway pa.
___Binuksan ko ang pinto ng boarding house na tinutuluyan ko. Kakaupo ko lang tapos bigla biglang may kakatok, nakaka batrip.
"Karren?"
"Uy Alice hahaha. Destiny ata tawag dito hahaha. Dito ka ba tumutuloy? Magkasama tayo? Nice!" Ngumiti pa siya.
"Halika, tuloy ka na." Sinamahan ko siyang bitbitin ang mga gamit niya.
"Buti nalang ikaw ang makakasama ko. Maarte pa naman ako sa mga tao. Magkakasundo tayo niyan, Alice. Magmula ngayon, bestfriend na kita."
___"Alice kakain na." Kumatok si Karren sa pinto.
Hindi ako umimik. May sakit si papa, nadengue siya at wala pa akong pera na mapapadala. Hindi sapat ang sweldo na nakukuha ko sa part time job ko. Hindi pa rin ako pwedeng sumahod dahil trainee palang naman ako.
Napa upo ako sa kama. Huminga ng malalim.
"Alice?" Bumukas ang pinto at pumasok si Karren.
Nakatingin lang ako sakanya. Parang nagmamakaawang tuta. Ibinuka niya ang mga braso niya. Tumayo ako para yakapin niya, umiiyak na ako sa balikat niya.
Niyakap niya ako ng mahigpit at bumulong.
"Nandito lang ako palagi..."
___
BINABASA MO ANG
Yes, I'm a Secret Agent
ActionSa lahat ng biktima ng mapaglarong tadhana, isa si Alice sa mga iyon. Ang pangarap nyang trabaho ang maglalagay sa kanyang kapahamakan, ngunit sa isang delikadong misyon, mababago ang takbo ng buhay nya. Mabubuhay sya sa dalawang pagkatao. Samantha...