SIMULA

4.5K 140 57
                                    


Mag-isa lang akong nag lilibot sa mall, hindi na kasi ako sinamahan ng boyfriend ko eh, busy daw. Eh ayaw nya akong isama sa trabaho nya, kesyo delikado daw. Tsk tsk tsk.

Nandito ako sa national bookstore, bibili ako libro, malamang bookstore nga eh! Alangan namang milk tea ang pinunta ko, eh book store nga!

Bibili lang ako ng libro about sa mga vampires. Ewan ko din kung bakit mahilig ako dun! Maging creepy facts ay kinagigiliwan ko. Hays... Ewan ko ba!

"Nasaan na ba 'yon?" Mahinang bulong ko sa sarili ko. Hindi ko kasi mahanap yung fiction section. Tama ba?

Ilang lakad pa ay nakita ko na ang hinahanap ko.

"Ayun! Bull's eye!" Mahinang sigaw ko ng mabasa ko ang salitang 'vampire'.

Hahawakan ko na sana ng may humawak sa librong dapat ay kukunin ko. Akin yun eh! Nag iisa na lang yun eh!

Nakatingin pa din ako sa libro at hindi tumitingin sa kaagaw ko sa libro

"Uh, miss are you gonna take it? Sorry, nauna ako eh. Ireregalo ko sana sa girlfriend ko.' Mahabang saad nya.

Andaldal naman ne'to! Ang dami pang sinasabi! Akala mo naman may pake ako. Pero sige! Ang swerte siguro ng girlfriend nya 'no? Ang sweet ng lalaking 'to. Gagawin nya lahat para lang mapasaya ang girlfriend nya.

Sana all!

Tumango lang ako habang hindi naka tingin sakanya. Nag mumukha na siguro ako tanga or ewan.

"Really? Woah! Matutuwa si Alice nito. Thank you!" pag papasalamat nya

Humarap ako sakanya.

"You're welcome—" hindi nya ako pinatapos dahil mabilis na lumaki ang mata nya na may nagbabadyang luha at agad akong niyakap.

Wtf?......

"Alice. Oh God, it's you!" Sabi nya.

Uhhh anong nangyayari?

May naramdaman akong mainit na patak sa balikat ko. Wait! Umiiyak ba sya?

At bakit hinahayaan na yakapin ako? Baka mamaya tyansing na yun!

Tinulak ko ang estranghero sa harap ko

"Do I know you? Excuse me but you're making me uncomfortable." I said.

"Alice, it's me. Brent. Your boyfriend. God! I miss you so much. Where are you staying? Are you with someone? Are you fine? Tell me, babe." saad nya.

Boyfriend?

"I don't know you, sir. At anong boyfriend? I'm with my fiancè. And uhm modus ba 'to? Are you gonna take my wallet away?" Saad ko.

I really don't know him.

"Who are you sir?" Tanong ko.

"I'm Brent. SPO2 Brent Zamora and you are..." He stopped.

Sana all pulis!

"I'm Samantha. Samantha Vespera Monteverde." pagpapakilala ko.

"No you're not. Ikaw si Alice. Secret Agent Alice Saavedra. Agent 107."

Wait.

What?

Ako?

Ako isang secret agent?

------------

Yes, I'm a Secret Agent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon