Kabanata 13

350 30 15
                                    

Kabanata 13: Muling pagbabanta

Ala-sais ng umaga ng magising ako dahil sa katok ni Karren mula sa pinto. Masyadong maaga kumpara dati.

"Ang aga aga eh nambubulabog ka ng tulog! Sana naman inisip mo kung napuyat ba ako or hindi!" Asik ko sakanya habang nag bubuhos ng tubig sa baso.

"Malay ko ba na puyat ka, tsaka bakit ka naman napuyat aber? Eh alas nuebe ka naman natulog kagabi diba, ako pa nga pinag hugas mo ng pinggan, kaloka ka!" Asik nya pabalik.

"Ikaw ba naman tawagan ng alas dos ng madaling araw edi tanggal antok mo, boom putok eye bugs!" Sabi ko with matching pataas taas ng kamay

"Sino ba 'yung tumawag?"

Sasagutin ko ba?

Baka mag beastmood eh, h'wag nalang.

"Wala! Sikret ko na 'yun! Ang importante may jowa ako tapos ikaw wala!" Sigaw ko at tumawa.

Nag salubong ang kilay nya at tumingin saakin ng masama. "Ang yabang mo! Porke may Brent kana! Hintayin mo nalang kami ni Sean, hinihintay ko syang mag first move." Confident na sabi nya.

"Ano? Pers mub? Eh hindi ka pa nga nag coconfess tapos first move agad! Ulowl men! Taas confident!" Tinaas ko pa kamay ko.

"Confess confess pa. Ano ako high school? Manhid nalang 'yun kapag hindi nya pa napapansin mga efforts ko. Kahapon nya binigyan ko ng cookies tapos sabog ang mukha, mukhang puyat!"

Puyat? Ganun na ba talaga siya kaseryoso sa mga pinagsasasabi nya saakin? Ano naman kayang trip nya? Tsk tsk.

"Hoy natahimik ka ata?"

"Naiingit ako."

"Saan?"

"Tangina mo! Si Sean binigyan mo ng cookies tapos pag magbibigay ka saakin puro tira tira?!" Sigaw ko.

"Sorry hahaha. Oh siya maligo kana!"

"Bakit? Ang aga pa oh! 6:26am! Kung tutuusin madaling araw pa eh!" Reklamo ko.

"Madaling araw para sayo," lumapit siya saakin, "...pero 6:30 is tanghali na according to my mama." Sagot nya.

Napatawa ako at sinunod nalang ang sinabi nyang maligo na.

——

"Joy nakita mo ba si Sean?" Tanong ko kay Joy.

Nag aalala na kasi ako sakanya. Hindi sa nag aassume pero sa tingin ko ako ang dahilan kung bakit sya nagpupuyat. Hindi nya naman siguro ako tatawagan ng ganung oras kung wala syang kailangan saakin diba? Mas madami naman syang mga kaibigan kesa saakin kaya hindi sya mag aabalang tumawag pa saakin.

"Si detective Najera ba?" Tanong nya.

"Oo, si detective Sean Tyron Najera." Paglilinaw ko.

"Naku Alice, noong lunes pa daw absent si detective Najera, tinanggihan nya daw ang isang malaking imbestigasyon kaya pinasa nalang kay detective Yury. Nakakapagtaka nga eh, sabi kasi ni sir Ferrer ito daw ang kauna-unahan imbestegasyon na tinanggihan nya." Pag kwento nya saakin.

Noong lunes pa? Ibig sabihin tatlong araw na syang absent? Ako ba talaga ang may dahilan?

"Sige, salamat Joy." Pagpapaalam ko sakanya.

Bakit nya tinganggihan???

Nagmadali akong pumunta sa office ni sir Ferrer para magpasa ng report. Alas onse na kasi tapos nagugutom na ako, ikaw ba naman ang tirhan ng isang pirasong pandesal tapos kakarampot na liver spread, edi gutom na agad. Pshhh.

Yes, I'm a Secret Agent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon