Kabanata 20: Selos
"Let's go on a date?"
Napatingin ako kay Brent na nakapamulsa habang nakatayo sa gilid ko.
"Seryoso ka?" Tanong ko.
He smirked and nooded. "Magbihis kana, ipasyal mo 'ko sa probinsiya niyo," sabi niya bago umakyat sa kwarto kung saan siya tumutuloy.
Ngayon ay Janury 16, tatlong araw nalang ay aalis na kami kaya medyo sinusulit na namin ni Brent. Planado na din ang friend date namin ni Jayrinn, masyado lang ata naming na miss ang isa't isa kaya ganun.
Matapos kong maligo ay nagsuot na ako ng white dress at sandal. Sinuot ko din ang kwintas na may rosas na palawit na ineregalo saakin ni Karren noong birthday ko. Si Aeya na ang nag prisintang ayusan ako kaya hindi na ako umangal pa. Alas dyis nung umalis kami sa bahay, walang alam na lugar dito si Brent bukod sa bayan at plaza kaya naisipan kong dalhin siya sa SCI Mall Dagupan. Madami naman mapupuntahan dito sa Pangasinan pero sa Dagupan talaga ang paborito ko.
"Anong uunahin?" Bulong ni Brent sa tabi ko.
"Manood tayo ng sine?"
"Movie date will do, let's go." Naglakad kami papunta doon. Bumili siya ng ticket habang ako naman ay bumili ng pagkain.
Pinili naming panoorin ang The Art of Deduction (Gawa gawa lang ni otor) since medyo related saamin 'yong movie.
Naka focus ako sa movie pero si Brent ay naka tutok sa cellphone niya. Hindi na nga ata alam ang kwento dahil nasa cellphone ang atensyon niya pero hinayaan ko nalang dahil nga nagagandahan ako sa movie. Maya maya pa ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya sumilip ako sa cellphone niya.
Ka text niya si Aria...
_"N-nag enjoy ka ba sa movie?" Prangkang tanong ko.
Ngumiti lang siya at inakbayan ako, "yeah, it's realistic. He have a good sense," papuri niya sa bida sa movie.
He? Eh babae yung bida eh!
"C.R lang muna ako, hintayin mo 'ko dito," paalam ko at pumunta sa comfort room.
Nang makarating ako roon ay agad akong naghilamos, tinitigan ko ang sarili ko bago ngumiti. Ang ipinagtataka ko lang kung bakit kumikirot ang dibdib ko. Sa inis ay naglabas ako ng pulbo at ipinahid iyon sa mukha ko, naglagay ako ng lipstick at inayos ang buhok. Muli kong tinignan ang mukha ko sa salamin at ngumiti bago lumabas.
Kaagad hinanap ng mga mata ko si Brent at nakita ko kaagad siya. Marahan akong tumakbo at akmang gugulatin ng marinig ko ang usapan nila ni Aria mula sa telepono.
"Yeah, I miss you too. I wish I could see you now but I'm in this kinda hard situation,' sagot ni Brent.
"Don't worry, I'll be back earlier than you expect, see you soon. Bye, I miss you, Aria." Dagdag niya.
I smile bitterly, 'yung mga ngiti niya kapag si Aria na yung kausap niya, natural. 'yung kislap ng mga mata niya, 'yung pagkagat ng mga labi niya. Si Aria lang ata nakakagawa nun sakanya.
I wish I had her life. Gusto ko din maranasan na mahalin ni Brent. Gusto ko rin mapasaya si Brent. Gusto ko din maging natural 'yung pakikitungo niya saakin. Gusto kong magkaroon ng bagay na gusto ni Brent kay Aria.
Kasi unti-unting ko ng napapagtanto na ako ang nanlilimos ng pagmamahal niya sa una pa lang...
_
Purple dress, flat shoes, light make up, hair clips and accesories.
Ala una na nung magkita kami ni Jayrinn sa bayan, dito ang meeting place namin at sa Lingayen Gulf ang friendly date namin. Sobrang init talaga kasi nga tanghaling tapat. Dito namin napagpasyahang pumasyal dahil gusto niya daw makita ang paglubog ng araw kasama ang bestfriend niya at ako 'yon!
BINABASA MO ANG
Yes, I'm a Secret Agent
ActionSa lahat ng biktima ng mapaglarong tadhana, isa si Alice sa mga iyon. Ang pangarap nyang trabaho ang maglalagay sa kanyang kapahamakan, ngunit sa isang delikadong misyon, mababago ang takbo ng buhay nya. Mabubuhay sya sa dalawang pagkatao. Samantha...