Kabanata 15

366 30 25
                                    

Kabanata 15: Pagdududa

October 29,2020. Ambilis ng panahon mga sis. Ilang araw nalang ay araw ng mga patay na. Kamusta na kaya 'yung ghinost ko noon?

Papunta ako ngayon sa mall para mamili ng mga kakainin ko. Ewan ko lang pero feeling ko lagi akong gutom. Wala naman sigurong espesyal sa araw na 'to kaya naman naisipan ko munang mag groceries, bibili na din ako ng pang carbonara dahil lulutuan ko si Brent ng paborito nya, gusto ko din naman maging sweet sakanya kahit paminsan minsan lang kaya naman magluluto ako.

Nang mabili ko na ang lahat ng kailangan ko ay dumaan muna ako sa isang make up store dahil bibili ako ng face powder at kemerut chuchu para mag mukha akong tao kahit minsan man lang sa isang buwan. After nun ay patungo na ako sa apartment ni Brent.

Hindi pa man din ako malapit sa apartment nila ay nakita ko siyang nakatayo malapit sa gate ng apartmet nya. May kausap ata siya sa telepono kaya hindi nya agad ako napansin. Napangiti ako ng makita siyang ngumiti habang nakatinngin sa paanan nya na nilalaro ang mga maliliit na bato. Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan ang nakangiting mukha nya. Nang makita kong ibinaba nya na ang telepono ay nilabas ko ang selpon ko para tawagan siya kahit ilang metro lang ang layo namin. Hinintay ko ang pagsagot nya. Tinignan nya lang ito saglit at sa tingin ko ay dinecline nya ang tawag.

Inis ko syang tinawagan uli at nakita ko ang inis sa kanyang mukha. Anong problema?

Sandali nya itong tinitigan bago sya bumuntong hininga at sinagot.

"Hmm?" Boses nya.

"Uh.. mag ginagawa ka ba ngayon? Nasaan ka? Papunta na ako dyang sa apartment mo. Abangan mo ko sa labas hah?" Pigil tawa kong sabi sakanya.

"U-uhmm ano kasi, Alice.. W-wala ako sa bahay ngayon. I have something to do right now. Maybe next time nalang?"

Kumunot kaagad ang noo ko ng marinig ang mga sinabi nya.

Hindi muna ako nagsalita at ni-mute ko muna ang tawag kaya binulsa nya ang cellphone nya.

"Bree!" Rinig kong sigaw mula sa kabilang linya...

Boses ni Shantelle....

Sabay silang lumabas ng gate kaya mabilis akong nagtago sa malaking poste sa gilid.

Naka bistida si Shantelle, si Brent naman ay naka black v-neck tshirt at pantalon. Bagay sila.

"You look stunning, Aria. I like your dress," pagpuri ni Brent.

"Aysus! Nambola ka pa," natatawang sabi ni Shantelle. "Uh, nga pala. Okay lang ba na sinuot ko 'tong necklace na niregalo mo saakin noon?"

"Hmm, actually I appreciate it,"

Bagay na bagay sila...

"Anong ginagawa nila at bakit sila magkasama?" Tanong ko sa sarili.

Dala ng kuryusidad ay sinundan ko sila.. Sumakay sila sa taxi samantalang tricycle lang ang sinakyan ko.

Sayang pamasahe!

Sinundan ko sila hanggang sa makarating sila sa isang shop. Hindi na ako pumasok bagkus ay naghintay nalang ako sa medyo malayo.

Matapos ang halos kalahating oras ay nakalabas na sila sa shop at may bitbit pang paperbags.

Naka kapit pa ang kamay ni Shantelle sa braso ng boyfriend ko :>

Sinundan ko muna sila ng tingin bago akmang maglalakad ng biglang nag ring ang cellphone ko.

"Aishhh! Potaena mo talaga Karren," usal ko bago sagutin ang tawag.

Yes, I'm a Secret Agent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon