Kabanata 38

314 19 14
                                    

Kabanata 38: Lucifer

Mugto ang mga mata ko noong nakita ako ni Manang. Ang sabi niya ay namili raw siya ng mga bistida at mga pala muti sa katawan para raw ay may maidahilan kami pag uwi. Si Manang na ang bumili ng shades ko para matakpan ang mugto kong mga mata.

" Uwi na tayo?" Tanong niya. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa.

Naka kapit lang ako sa braso ni Manang habang nasa loob ng taxi, magmumukha na akong batang nagsusumbong at parang may tinatakasan.

Hindi ko naman ginusto itong nangyari sa buhay ko. Noon, gusto ko lang magtrabaho para mabigyan ko ng sapat na pangangailangan ang pamilya ko. Oo pinangarap kong maka punta sa iba't ibang bansa, magkaroon ng mga bagay na gugustuhin ko, magkaroon ng malaking bahay at kung ano ano pa. Pero matagal ko ng tinanggap na hindi iyon mangyayari. Akalaing mong natupad nga iyon kapalit ng pagkalimot ko sa buong pagkatao ko.

"Sa oras na tanungin ka nila ma'am at sir kung bakit ganyan ang mata mo, sabihin mo na nanood tayo ng cine hah? Ako na bahalang magdahilan ng iba pa. Magpahinga ka nalang pag uwi natin, ayos ba?" Sabi ni Manang habang hinahaplos ang buhok ko.

"S-salamat po, Manang." Garagal na tugon ko.

Paghinto ng taxi sa harap ng bahay ay binalot na ng kaba ang buong sistema ko. Parang may hindi tama.

Pigil hininga kong itinulak ang pinto. Makalat ang buong bahay hindi gaya kanina na sobrang linis. Basag ang ilang mga vase at nagkalat ang mga papel at kung ano ano pa sa sahig.

Hinalughog ko ang buong bahay para hanapin sila tita Minerva at si Miguel. Malakas ang tibok ng puso ko sa nangyayari. Huling kwarto na binuksan ko ay ang opisina ni tita Minerva. Makalat rin iyon pero isang envelope na kulay itim ang naka agaw ng pansin ko dahil naroon ang pangalan namin ni Miguel. Kahit naluluha ay binasa ko ang naroon.

July 18, 20xx

Napahinto saglit ang hininga noong mabasa ko na iyon ang araw na ikakasal ako. Gusto kong magwala. Ang usapan ay sa susunod na limang buwan pa. Paanong nangyaring sa susunod na buwan naka asign ang kasal.

Nadako ang tingin ko sa bintana na may nakalagay na papel.

My beloved Alice, I'm inviting you to my little party. Matagal na rin akong naghihitay na durugin ka. Hindi na ako makapaghintay na marinig ang mga pagmamakaawa mo. H'wag kang mag alala at sinundo ko na ang mga bisita. Hihintayin kita bukas ng ala una sa lumang factory. Alam mo ang tinutukoy ko. H'wag damihan ang isasama kundi buhay ng dalawang 'to ang uunahin ko. See you.

                                      —Lucifer

Napasigaw ako ng malakas. Hawak ni Lucifer si Miguel at si tita Minerva. Sa inis ay tinawagan ko ang numero ni Lucifer pero wala ang linya. Naibato ko nalang ang telepono at humagulgol na parang bata. Napa upo ako, hindi ko namalayan na kanina pa pala ako umiiyak. Sinabunutan ko ang sarili ko.

Isinara ko ang pinto paglabas ko. Inaayos na ni Manang ang mga rumi sa bahay. Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig para mahimasmasan. Sunod ay sa kwarto upang magpalit. Pagbukas ko ng walk in closet at bumungad saakin ang isang kahon. Pagbukas ko ay may laman iyong patay na daga. Naibato ko iyon at dali daling lumabas.

Sa sala ako buong magdamag. Hindi ako makatulog. Naka upo habang yakap ang mga tuhod at kinakagat ang mga daliri.

"Samantha, natanggal ko na iyong daga. Balik ka na doon, mag aalas dose na rin kasi at matutulog na ako, wala kang kasama." Sabi ni Manang.

"Dito lang po ako magpapalipas ng gabi Manang. Hindi rin po ako inaantok." Sabi ko.

Bumuntong hininga siya bago umalis sa harap ko, pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang unan at isang kumot. "Kung hindi kita mapipilit, dito ka nalang matulog. Katukin mo nalang ako sa kwarto kapag may kailangan ka, Samantha."

Yes, I'm a Secret Agent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon