Kabanata 21

291 26 8
                                    

Kabanata 21: Kaarawan ni Alice Saavedra

"Happy birthday bitch!" Sigaw ni Karren ng makapasok siya sa kwarto ko.

Today si February 10. Medyo excited na sa birthday ko which is February 27— 23rd birthday ko!

"Ang ingay mo!" Bulyaw ko.

Unexpectedly, dinaganan niya ako. "Ano ngang balak mo?"

At dahil interesado ako sa anong niya ay napabalikwas ako ng bangon.

"Simple celebration," sagot ko.

"Yun na 'yon?"

"Syempre meron pa! So first, ang balak ko ay sa february 26 ang celebration kasama kayo syempre! Sa february 27 naman kahit simpleng date lang with Brent," sagot ko.

"Ay bet! Maganda 'yan!" Sigaw niya sa mukha ko.

"Ako pa!"

"Anong ganap?" Tanong niya.

"Simple lang din.Videoke bar tayo," sabi ko.

"Ayaw ko nun!"

"Ikaw ba mag bibirthday?"

"Basta ayoko nun!" Pamamaktol pa nya.

"Kasama si Sean,"

"Ayokong hindi ako kasama hehehehe,"

"Tabi dyan at maliligo na ako!" Itinaboy ko siya.

Hindi na ako nagtagal maligo kaya madali ko nalamg natapos ang mga kailangan ko. Kumain muna ako ng tinapay namay palaman na liver spread at kape para naman may laman ang tiyan ko kahit papaano. Nagtitipid din kasi ako para sa surprise date namin ni Brent sa mismong araw ng kaarawan ko. Alam kong medyo weird pero ganun talaga eh, nagmamahal lang.

Hindi nagtagal ay sabay kami ni Karren na pumunta sa agency. Nakapagtataka lang dahil marami siyang dala kaya dala ng kuryosidad ay tinanong ko na siya tungkol doon.

"Ah ito ba? Lilipat kasi ako ng agency eh."

"Bakit ngayon mo lang sinabi saakin? Edi maiiwan ako doon? Paano ako?" Parang bata akong namamaktol.

"Bobo ka? Agency lang 'yon! Magkasama parin naman tayo sa boarding house eh, manahimik ka dyan. Ilibre moko pamasahe," sabi niya at tumawa pa.

Naglagay muna ako ng pulbo sa mukha para naman kaaya-aya ang mukha ko kapag haharap kay sir Ferrer.

"Okay na ba mukha ko?" Tanong ko kay Karren bago lumabas ng taxi.

"Ano ba naman 'yan, Alice. Tao ka ba talaga? Lumapit ka dito ng maayos ko," sabi niya at hinila ako.

Pinahid niya ang mukha ko para ayusin ang pulbo sa mukha  ko, pumikit pikit pa ako para hindi malagyan ng pulbo ang mata ko.

"Ayan, okay na." Ngumiti pa siya saakin at mahinang pinisil ang pisngi ko.

Pagbaba namin ng taxi ay hindi ko na siya nahintay dahil nakita ko agad si Brent.

"Babe!" Sigaw ko kaagad pero hindi niya ata narinig kaya nagpatuloy parin siya sa paglalakad.

Tumakbo ako papalapit sakanya.

"Brent!" Hingal na sabi ko nung maabutan ko siya.

"Hey," usal niya.

"Magpapass ka?" Tanong ko ng may ngiti.

"Yeah,"

"Uh, birthday ko na kasi sa--"

"Really? I didn't know that." Sabi niya na nagpawala ng ngiti ko.

"Ah sige."

"Kailan ba celebration?" Tanong niya uli na sa pagkakataong 'to ay lumingon na siya saakin.

Yes, I'm a Secret Agent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon