NAPAPIKIT NALANG AKO ng mariin nang matapos na ang duty hours ko.
"Kazumi."tawag sa akin ni ma'am shemmy nang makalabas na ako sa kaniyang bar kaya napahinto ako at mabilis na napalingon sa kaniya.
"Bakit po ma'am?"agad na sabi ko kaya nakita ko na nawala ang ngiti sa mga labi niya.
"Huwag mo nga akong tawaging ma'am shemmy nalang."sabi niya sa akin kaya naman napa kunot ang noo ko.
"Pero-"hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil inismiran niya ako.
"Sige sa oras na tawagin mo akong ma'am tatanggalin na kita sa trabaho."sabi niya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Huwag naman po ma- i mean shemmy pala."sabi ko kaya napangiti siya.
"Ouh ito tip mo thank you sa pag babantay kay Dan kanina."sabi niya kaya nangunot ang noo ko.
"Okay lang naman ma- i mean shemmy kasi costumer natin siya-"hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong pinigilan.
"He's not our ordinary costumer kazumi kapag napahamak siya ay may isang taong masasaktan ng sobra."sabi niya sa napalalungkot na boses kaya napalunok ako.
Sino ang tunutukoy niyang masasaktan ng sobra?
Eh wala na naman' pakialam si Blaire kay Dan niloko nga niya ito diba?!
"Masasaktan talaga siya kapag masasaktan si Dan kagaya kanina sobrang nag alala siya kaya salamat kazumi."sabi ni ma'am shemmy at nginitian ako.
"Sige una na ako malapit lang naman nag bahay niyo dito right?"tanong niya sa akin kaya napa tango nalang ako.
Alam ko na hindi si Blaire ang tinutukoy niya kaya naman mas lalo lang akong nawalan ng pag-asa.
Si Airhea Estela Cardival ang tinutukoy niya at wala akong panama sa kaniya she's so beautiful and classy isang sabi niya lang siguro na mahal niya ang isang lalaki ay hindi na 'to mag dadalawang isip na tanggapin siya samantalang ako 'to hanggang tingin at pangarap nalang sa taong hindi magiging akin.
Kaya napabuntong hininga nalang ako.
Bakit ang daya ng mundo bakit sa taong hindi pa magiging akin nahulog ang puso ko.
Nang makarating na ako sa bahay ay napabuntong hininga nalang ako here we go again.
"Bakit ngayon kalang Halleiah?"inis na tanong sa akin ng mama ko kaya napa lunok nalang ako trying to hide my fears.
"P-pumasok pa kasi ako sa t-trabaho ma sorry po kung natagalan ako sa pag-uwi." Putol putol na sagot ko kay mama kaya nakita ko ang pangungunot ng noo niya.
"Sana hindi ka nalang umuwi nahiya ka pa."galit na sabi ni mama at tinalikuran ako.
Ganito naman lagi e.
Palagi naman niya akong pinapagalitan pinapalayas na nga niya ako noon.
Bigla nalang nanubig ang mga mata ko bakit ganito ginagawa ko naman lahat pero bakit ganon bakit may kulang parin bakit hindi parin nila ako kayang mahalin.
Nagulat ako ng bigla nalang akong batuhin ni mama ng damit.
"Ouh ayan labhan mo muna 'yan bago ka matulog at wala na akong maiisusuot bukas sabi ko naman sayo na umuwi ka ng maaga pero sadyang matigas ang ulo mong bata ka!"galit na sabi ni mama sa akin kaya napailing nalang ako.
BINABASA MO ANG
Born To love You(Series #2) Completed
Romance(love series #2) Completed I Died A Million Times But You Saved Me, Then Realization Strike Me I Am Born To Love You So Let Me Love You Till I Died And Born Again And Still Chosing To Love You Till The End. January 8, 2021-started July 25, 2021- End