PART 09

277 11 4
                                    

NANG MAKAUWI ako sa bahay ay  hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko hindi ko lubos maisip na mapansin ako ng taong matagal ko ng gusto.

"Oh kazumi ba't ngayon ka lang?
Nakikipag landian kana naman?"galit na sabi ni mama sa akin kaya nawala nag ngiti sa labi ko.

"P-po pumasok po ako sa trabaho ma."magalang na sagot ko kay mama kaya nakita kong inis at galit sa kaniyang mukha.

"Huwag mo akong pinagloloko kazumi."mahina ngunit galit na sabi ni mama kaya mas lalo lang akong kinabahan.


"P-pumasok po talaga ako sa trabaho m-ma." Kinakabanhang sagot ko kay mama pero nagulat ako ng sampalin niya ako.


Halos mabingi ako sa sampal niya dahil sa sobrang lakas nito feeling ko namamaga ang pisngi ko kaya kusang naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi hindi ko na ito napigilan dahil sobrang sakit talaga ng pag sampal ni mama sa pisngi ko.

"Ang ayaw ko talaga sa lahat ay ang nagsisinungaling! Malaki kana kazumi alam muna ang tama at mali pero kung makikipag landian ka lang sa mga lalaki habang nag aaral ka! ngayon palang sinasabi ko na sayo na huninto kana kung hindi lumayas kana! Wala akong anak na malandi wala akong anak na walang kwenta!"galit na sigaw ni mama sa akin kaya napatitig ako sa kaniya.


Hindi ko magawang tanggapin ang mga sinasabi niya dahil kahit kailan ay hindi ako naging erresponsabling anak kahit kailan ay hindi ako nakikipag landian sa mga lalaki kahit kailan ay hindi ko pinabayaan ang pag-aaral ko pero walang salita ang lumabas sa bibig ko hindi ko maatim na sagutin ang ina ko dahil natatakot ako na baka mas magalit pa siya sa akin.


"Kung sa inaakala mo kazumi hindi ko alam ang mga pinang gagawa mo nagkaka mali ka dahil alam ko lahat your ate told me everything! just wow kazumi pabigat kana nga lang dito simula bata kapa tapos ngayon malalaman kong nakikipag landian ka lang?!"galit na sabi ni mama at pumikit ng mariin habang ako ay  patuloy lang sa pagpatak ang mga luhang hindi ko alam kung kailan titigil sarili mong ina huhusgahan kana agad sarili mong pamilya gagawan ka ng estoryang alam mo namang puro lamang kasinungalingan gusto kong sagutin si mama ngunit hindi ko magawa dahil mahal ko siya.



"You're not belong here kazumi anak kita pero hindi ko maatim na tiisin ang mga pag lalandi mo! Mas mabuti na sigurong kami nalang ng ate mo ang nandito."sabi ni mama at tinalikuran ako.


Hindi ako nakaimik hindi parin pumapasok sa utak ko ang mga sinasabin niya wala naman akong ginawang masama lahat naman ginawa ko para sa kanila para makita rin nila ang importansya ko pero bakit ganito?


Malakas akong pinag sarhan ni mama ng pinto.

Kung si ate ang nag sabi sa kaniya kung ganon nakita ako ni ate na kausap si Cailous nakita ako ni ate na nakipag kamay kay Cailous pero ano naman ang masama do'n nakikipag kaibigan lang naman ang tao.



Kaya napa singhap nalang ako at hinaplos ang pisngi kong sinampal ni mama kanina simula bata palang ako ay hindi na niya ako itinuring na anak palagi nalang niya akong pinapagalitan.

Kaya ng makapasok ako sa kwarto ko ay agad akong dumapa sa kama at ibinaon ang mukha ko sa unan!

Masakit ang sampal ni mama pero wala ng mas sasakit pa kapag sarili mong ina ang manghuhusga sayo.


"Ano ba kazumi ang sabi ni mama maglinis ka ng bahay e ba't nandito ka sa park?"takang tanong ni ate sa akin habang nag lalaro sila ng mga kaibigan niya.

Born To love You(Series #2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon