The best feeling is when you look at the one you love and they're already looking at you but it's really hurt when they only sees you as a stranger. (Different feelings)
NAPAILING nalang ako ng biglang hablutin ni Elethreia ang dala kung baon nandito kami ngayon sa may cafeteria pinili ko talaga ang nasa pinakasulok para hindi nila makikita ang dala kong baon.
"Wow para sa akin 'to kazumi?
wow ang sweet talaga ng best friend ko nalaman lang na irereto ko siya sa pinsan kong gwapo na kinababaliwan ng amo niya ay dinalhan na ako ng masarap na adobong manok thankies Kazumi the best ka talaga."masayang sabi niya kaya napailing nalang ako."Baliw ka talaga kahit kailan baon ko iyan no at sinong nagsabi sayo na para sayo iyan e kaya ko lang naman iyan dinala dahil Hindi kinain nila mama at ate."inis ngunit malungkot na sabi ko sa kaniya kaya nakita kong nangunot ang noo niya.
"Seriously? Sila na nga itong pinagsilbihan mo sila pa itong maarte nakakamuro na 'yang ina mo at kapatid mong feeling maganda e hindi naman kagandahan."inis na sabi ni Elethreia kaya napailing nalang ako at pumikit ng mariin.
"Ayos lang naman Eleth sanay na ako kaya no worries at isa pa at least pinag silbihan ko sila diba?
At least ginagawa ko ang lahat para kahit papaano ay may silbi ako.
May silbi naman ako Eleth diba?
Hindi naman ako walang kwenta diba? Hindi naman ako pabigat diba? Oo inaamin ko na matigas ang ulo ko dahil kahit ilang beses pa nilang ipinaramdam sa akin na wala akong halaga para sa kanila pero nanatili parin ako sa tabi nila at umaasa na sana balang araw makita rin nila ang importansya ko na may halaga rin ako."mahabang sabi ko sa kaniya kaya nakita ko ang gulat at galit sa mukha ni Elethreia."Iyan ba ang mga sinasabi ng parents mo sayo? Iyan ba ang mga ipinamumukha nila sayo?
Anong klaseng magulang at kapatid meron ka Kazumi they're blind or something?"inis at galit na sabi ni Elethreia sa akin kaya napapikit nalang ako ng mariin."You're worth it kazumi trust me i treat you as my sister and i also treasure you so don't think na wala kang kwenta dahil mas may kwenta ka pa nga sa akin eh."sabi niya at ngumiti ng napakatamis tamis sa akin.
Kaya napangiti nalang ako.
"So akin nalang ito mukhang masarap akin nalang."sabi niya at binuksan na ang baunan ko kaya nanlaki ang mga mata ko!
Shit!
Mabilis kong kinuha ang baunan ko sa kaniya.
Paano kung maalat kagaya ng sabi ni ate kanina so para ko narin' nilason ang kaibigan ko!
"Huwag ipagluluto nalang kita ng bago Eleth akin nalang ito-"hindi natapos ang sasabihin ko dahil inis niya itong hinablot sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko ng kainin niya ito!
"Masarap naman ah!"inis na sabi niya kaya napa kurap kurap.
"Ano ba kasi ang mga sinasabi nila tungkol sa luto mo? Masarap kaya."sabi niya at kinain na talaga 'to.
"Ang sabi kasi ni Ate maalat daw ang luto ko kaya pati si mama hindi na 'to kinain."malungkot na sabi ko but she only laugh.
"Oh really ang ito maalat?
Seriously masarap kaya."sabi niya at tumayo kaya nagtataka ko siyang tiningnan."Saan ka pupunta?"takang tanong ko sa kaniya but she only gives me a small smile.
"May gagawin lang ako saglit babalik rin ako kazumi huwag mong kainin iyan dahil ako ang kakain niyan i'll be right back."sabi niya at kinindatan ako.
BINABASA MO ANG
Born To love You(Series #2) Completed
Romance(love series #2) Completed I Died A Million Times But You Saved Me, Then Realization Strike Me I Am Born To Love You So Let Me Love You Till I Died And Born Again And Still Chosing To Love You Till The End. January 8, 2021-started July 25, 2021- End