"Is it true Ms. Kazumi na may relas'yon kayo ni Dan Kyle Agrivantes?"
Tanong ng interviewer sa akin, hindi ako nag salita at ngumiti muna ako sa lahat ng naroon.
"Yes we were in a relationship."
I politely answered nakita ko kung paano nagulat ang lahat ng naroon, napa face palm naman ang manager ko. Samantalang ang lahat ng naroon ay nakatotok lang sa akin, panay ang click ng camera na akala mo mga kidlat.
Lumunok muna ang interviewer bago ulit nag salita.
"But you said to your recent interview that you and Engineer Agrivantes didn't have a thing. So what happen na bigla nalang naging in a relationship na kayong dalawa? Did the two of you purposely hide it?"
Tanong nito na halatang hindi sigurado sa kaniyang tanong para bang wala na siyang ibang choice kundi ang itanong 'yon sa akin.
"No, we didn't hide it, we actually broke up years ago, because I chose to chase my dreams over him. I choose my dreams over love. Kakabalikan lang namin."
Sabi ko kaya mas lalo lang napasinghap ang lahat at nakita kong napangiti ang interviewer sa sinabi ko.
"Siya ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng pangarap, siya ang dahilan kung bakit gusto kong may marating ako sa buhay, gusto na kahit papaano ay may maipag mamalaki rin ako sa pamilya ko. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako nawalan ng pag-asa, siya ang dahilan kung bakit narating ko ang pangarap ko."
Huminto muna ako at ngumiti sa interviewer hindi ko na hinintay na mag tanong ulit siya dahil sasabihin ko sa kanila ang lahat.
"Naalala ko pa no'n, nong una kami nagkita, hindi ko alam if naaalala pa niya 'to o nakalimutan na niya, muntik ko na nga siyang matamaan ng bato noon."
I slightly laugh ng maalala ko ang itsura niya noon, he's so handsome and cute.
"Ang gwapo niya, na star struck ako bigla. Nahiya ako dahil ang ayos-ayos niya samantalang ako ay nakapantalong pantulong at malaking t-shirt na pambahay lang. He was the first who approach me. He was the first who want to be my friend. Noong bata pa kasi ako ay walang gustong makipag laro sa akin dahil pangit raw ako at mabaho, kaya nag ginagawa ko ay sinisinghot-singhot ko ang sarili pero hindi naman dahil naliligo ako araw-araw."
Natatawang sabi ko habang unti-unting namumuo ang mga luha sa mga mata ko.
"Naalala ko pa no'n na tumatakas ako sa bahay para lang makapunta sa park at nagbabaka sakaling may mga batang makikipag laro sa akin. Pero ni isa ay wala. Kaya hanggang tingin at panood lang ako sa kanila. Tapos pag-uwi ko ng bahay palagi akong pinapagalitan ni Mama dahil tumatakas, kaya ang ending kinukulong niya ako sa kwarto."
At doon na napatulo ang mga luha ko, agad ko 'yong pinahiran at ngumiti sa camera.
"Pero kahit ganon ay mahal na mahal ko parin ang Mama ko kahit halos hindi na anak ang turing niya sa akin."
Natatawang sabi ko nakita ko ang lungkot sa mukha nilang lahat pero umiling lang ako at gumiti sa kanila.
"Kaso ang sadyang matigas ang ulo ko dahil nakuha ko paring tumakas para lang makapunta sa park at makipag kaibigan sa mga kapawa ko bata, hindi ko talaga makalimutan ang araw na 'yon because it was my birthday. But sad to say na walang mga batang gustong makipag kaibigan sa akin, feeling ko, ako ang pangit sa lahat kaya ang ginawa ko, doon nalang ako tumambay sa may puno, I was silently crying while throwing a stones, ng may biglang isang batang nag salita na malapit sa pinag batuhan ko. Umurong ang luha ko at bigla akong nahiya."
BINABASA MO ANG
Born To love You(Series #2) Completed
Romance(love series #2) Completed I Died A Million Times But You Saved Me, Then Realization Strike Me I Am Born To Love You So Let Me Love You Till I Died And Born Again And Still Chosing To Love You Till The End. January 8, 2021-started July 25, 2021- End