PART 40

330 10 0
                                    

Agad akong tumalikod sa kanilang dalawa at nag lakad palayo. Alam kong nakita ako ni Dan. Ayaw kong mag wala, ayaw kong gumawa ng eksina , ayaw kong makita nilang ang isang model na si Kazumi ay nag wawala at nakikipag away dahil lang sa isang lalaki, but believed me ang sarap manakit ang sarap manampal at mikapag away. But kailangan kong bigyan ng respeto ang sarili ko lalong-lalo na ang anak ko, kailangan kong algaan ang anak ko. Hindi dapat siya maapektuhan sa nga pinagdadaanan ko.

Nagulat ako ng may kamay na humawak sa siko ko at agad na niyakap ako mula sa likuran.

Napapikit nalang ako ng mariin habang walang habas na tumutulo ang mga luha ko. Bawat tulo ng luha ko ay ang pagka pira-piraso ng puso ko.
Nasasaktan ako, hindi dahil sa niloko ako ni Dan kundi dahil sa sarili ko dahil hinyaan kong lokohin niya ako. Hinyaan kong magpaka tanga sa isang lalaking alam kong sa simula palang ay hindi na ako ang mahal.

"Baby Love." Aniya habang nakayakap sa likura ko.

Hindi alam kung bakit pero bigla nalang nag-aalab ang galit sa puso ko pero patuloy lang sa pag-agos ang luha ko na animo'y parang ilog na walang katapusan sa pagka wala.

No Kazumi if Dan lied and cheated on you then you better tell him the truth at tsaka mo siya hiwalayan. I trusted him. I  genuinely trusted him. I gave him everything, I give him myself, kasi akala ko ako lang ang mahal niya kasi akala ko ako lang ang babae sa buhay niya, kaya pala hindi niya ako tuluyang ipinakilala sa parents niya dahil si Blaire parin pala ang mahal niya.

Napamulat nalang ako ng mga mata ko at marahas na inalis ang kamay ni Dan sa beywang ko dahil masyado itong mahigpit at baka mapaano ang anak ko sa loob ng tiyan ko!  

Hindi ako humarap sa kaniya dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Pero agad niya akong pinaharap sa kaniya gamit ang dalawa niyang kamay.
Nagtama ang mga mata naming dalawa. Nakita ko ang lungkot at takot sa mga ito. Iba't-ibang emotion ang nakikita ko kaniyang mga mata hindi ko alam kung paano ito nag kasya sa loob ng kaniyang mga mata pero wala akong pakialam dahil galit ako galit na galit.

"I'm sorry Blaire's my---" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil agad na umangat ang kamay ko at sinampal siya.

Pati rin ako nagulat sa ginawa ko dahil kahit kailan hindi pa ako nakapanakit ng tao, kahit isang beses ay hindi pa ngayon lang talaga ngayon lang. Agad na pumula ang pisngi niya at nag marka ang kamay ko roon. Hindi agad siya nag salita at nanatili lang na nakatagilid ang mukha niya.

"H-Huwag m-mo a-akong l-lapitan!" Iyan lang ang unang lumabas sa bibig ko. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko pinansin ang pananakit ng palad ko dahil pati puso ko namamanhid narin. Iniisip ko palang na nag se-sex rin silang dalawa sa likuran ko ay sobra-sobra na akong nasasaktan. Wala akong kaalam-alam he promise me na ako lang ang mahal niya. Nangako siya sa akin e. Sinabi niya 'yon sa akin e. Sabi niya mahal na mahal niya ako. Sabi niya ako lang ang babaeng mamahalin niya, ako lang ang babaeng papakasalan niya. Na ako ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay.

Ng bumaling siya sa akin ay nakita ko ang pamumula ng mata niya at nagbabadya ng tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"Let me explain first Baby Love--" nabitin sa ere ang sasabihin niya dahil agad na dumating si Blaire at nag salita sa likuran niya.

"Why don't you tell her Dan na magkasama tayong dalawa sa projects na 'to. Why don't you tell her na tayo talaga ang para sa isa't-isa, na hanggang ngayon ay ako parin ang babaeng kinababaliwan mo. Na hangang ngayon ay ako parin ang laman ng puso mo. Tell her Dan na tayong dalawa ang magkasamang pupunta sa Italy para sa big projects natin, at isa lang siyang extra. Extrang malandi!" Sigaw ni Blaire mula sa likuran ni Dan.

Born To love You(Series #2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon