Napahigpit ang kapit ko sa bedsheet dahil sa nakakamatay na sakit ng tiyan ko. Nakita ko si Dan sa gilid ko na hindi mapakali hinahawakan niya ang isa kong kamay, samantalang ang isa kong kamay ay naka kapit lang sa bedsheet. Pinupunasan niya ang mga pawis ko samantalang siya naman ay namumutlang nag pupunas. Mas malalaki ang mga pawis niya at halatang mas kinakabahan siya.
"Ahhh!"Walang katapusang sigaw ko.
"Sige pa Kazumi ere pa malapit ng lalabas ang anak mo." Rinig kong sabi ni Elethreia.
"Ere pa Ms. Kazumi." Sabi ng Doctor.
Kahit habul-habol ko ang hininga ko ay pumikit parin ako ng mariin at huminga ng malalim at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Dan bago ako sumigaw ulit.
"Ahhhhhhh!" Malakas na sigaw ko at kasabay nito ay ang pag-iyak ng bata.
Hiningal ako at nanlalabo ang mga mata ko pero kahit ganon ay nakita ko kung paano i-angat ng Doctor ang bata na kakalabas lang, punong-puno pa 'to ng dugo. Hindi ko alam pero may kung anong humaplos sa puso ko, may kung anong nag sabing may anak na ako. Gustohin ko mang hawakan ang anak ko ay hindi ko magawa dahil sadyang nanghihina ako. Wala akong lakas, nanlalabo ang paningin ko. Nag angat ako ng tingin kay Dan habang siya ay namumula ang mga matang nakatingin sa anak namin, kaya napa ngiti nalang rin ako bago ko ipinikit ang mga mata ko. Pero bago ako nawalan ng malay ay narinig ko pa ang pag-iyak ng anak ko at kasabay rin nito ang pagtulo ng luha ko habang nakapikit ito.
I gradually open my eyes ng may maramdaman akong humahaplos sa pisngi ko, at agad kong naaninag ang nag-alalang mukha ni Dan. Natigilan siya sa pag hahaplos sa pisngi ko ng makita niyang gising na ako. Agad nag tama ang mga mata naming dalawa. Nakita ko ang pag-alala sa mga mata niya.
"Thank you." Mahinang sabi niya at hinalikan ako sa noo.
Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang pag halik niya. Matapos niya akong halikan ay hinawakan niya agad ang kamay ko kaya napa mulat ako ng mata.
"D-Dan kumusta ang Baby natin?" Pagod na sabi ko.
"She's fine Kazumi, she's healthy." Aniya kaya bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya.
"S-She? She's a girl?" Agad na tanong ko dahil kahit kailan hindi ko naitanong sa Doctor ko if ano ang gender ng anak ko.
Nakangiti akong tinanguan ni Dan at kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko. Babae ang anak ko, at kagaya ko magiging uhaw siya sa pagmamahal ng Ina niya, agad akong napaiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko kayang iwan ang anak ko, hindi ko kayang hindi siya mabigyan ng pagmamahal na dapat ay maipadama ng isang Ina sa kaniya. Talaga bang wala akong puso? Kung ang tanging hangad ko lang naman ay ang makamit ko ang mga pangarap ko at ang anak ko naman ang mag sa-suffer.
Agad na hinawakan ni Dan ang baba ko at pinaharap niya ako sa kaniya, agad nag tama ang mga mata namin at nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
Napatulo ulit ang mga luha ko, dahil pagkatapos nito ay hindi ko na siya mahahawakan, malalapitan, mayayakap at mahahalikan at kagaya noon ay hanggang tanaw at hanggang titig nalang ako sa kaniya. Hanggang pangarap nalang ulit ako na malalapitan siya.Dahan dahan niyang pinahiran ang mga luha ko kaya mas lalo lang akong napaiyak, siya ang lalaking pinapangarap ko, siya ang lalaking hinahangaan ko, siya ang lalaking mahal na mahal ko, pero siya rin ang lalaking iiwan ko para sa mga pangarap ko. Napahikbi nalang ako ng makita kong hinalikan niya ang kamay ko.
"D-Dan. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin, Dan a-alagaan mo siya, h-huwag mo siyang pababayaan kagaya ng gagawin ko sa kaniya, t-tell her that I love her more than anything. But kailangan ko siyang iwan para sa mga pangarap ko. D-Dan mahal kita mula noon hanggang ngayon. P-patawad kung iiwan kita kayo ng anak natin, D-Dan kayo ang buhay ko pero mas gusto kong maabot ang mga pangarap ko. P-Patawad." Nanghihinang sabi ko habang nakatingala ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Born To love You(Series #2) Completed
Romance(love series #2) Completed I Died A Million Times But You Saved Me, Then Realization Strike Me I Am Born To Love You So Let Me Love You Till I Died And Born Again And Still Chosing To Love You Till The End. January 8, 2021-started July 25, 2021- End