"Are you okay Baby love?" Tanong sa akin ni Dan habang papaalis na kami sa resort.
Kakatapos lang nilang mag-usap ni Mr. Carvantes at ni Architect Ronda hindi bibitiwan ni Dan ang projects niya pero kailangan lang talaga naming umuwi maybe they will communicate through gmail I don't know.
"Yes Dan I'm fine." Sabi ko habang nakatingin sa daan.
Aalis na kami sa resort babalik na kami sa kaniya-kaniya naming buhay. May magbabago kaya sa aming dalawa? Makikita na naman niya ni Estela at makakausap na naman niya si Blaire. Samantalang ako babalik na naman sa dating ako.
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog. Agad kong na basa ang pangalan ni Elethreia. Himala at naalala pa ako ng gaga.
Elethreia 💜
Kazumi napaaga ang fashion show kailangan mo ng umuwi. Nandito na ako sa airport at susunduin ko sila mommy. Then hinahanap ka niya. Umuwi kana love you.
Nagulat ako sa text ni Elethreia so it means na next week na ang Spring Fashion Show? Hindi man lang ako nakapag handa.
Ako:
Pauwi na kami.
Iyan lang ang reply ko sa kaniya.
Haharapin kuna ang buhay tapos na ang saya kailangan ko ng harapin ang buhay ko."Baby Love are you alright? Wala ka bang gustong kainin? Are you hungry or something?" Tanong sa akin ni Dan ng nasa high way na kami marami ng makikitang convenience store at mga fast food chain.
Napatingin ako sa kaniya at naabutan ko siyang nagkatitig sa akin sa maliit na salamin.
Bahagya niyang inihinto ang sasakyan kaya napakunot ang noo. May bibilhin kaya siya? Pero nagulat ako ng bigla niyang ibigay sa akin ang cellphone niya. Pinagkunutan ko siya ng noo.
"Bakit?" Agad na sabi ko sa kaniya pero ang gago ay umiling lang.
"Ikaw na muna ang mag dala ng cellphone ko Baby love." Aniya sa seryosong boses kaya mas lalong nangunot ang noo ko.
"Ikaw ang mag dala ng cellphone ko at ako naman ang mag dala ng sa'yo. Para hindi kana mag duda. I told you magkaibigan lang kami ni Estela ta ni Shemmy. So stop overthinking." Aniya habang nakatingin sa akin.
Napakurap-kurap ako dahil sa ginawa niya. Hindi ko talaga alam kung bakit pero parang may kung anong humaplos sa puso ko.
"Dan, I trust you, so you don't have to give your phone to me. Hindi na kailangang mag swap tayo ng cellphone. I already trust you Dan. I trust you." Seryosong sabi ko sa kaniya at hindi tinanggap ang cellphone niya.
Nakita kong napapikit siya ng mariin habang hinilot ang sintido niya, at ng mag mulat siya ng mata ay nakita ko kung gaano ito kalungkot.
"Ayaw ko ng ganito, ayaw kong galit ka sa akin, ayaw kong ganyan ka, baka pagka uwi natin doon ay bigla-bigla mo lang akong hindi na kikibu-in. Bigla-bigla mo nalang akong hindi na rereplayan, bigla-bigla mo nalang akong hindi na papansinin, ayaw no'n, Baby Love. Kailangan ko lang talagang puntahan si Estela. Kailangan ko lang talaga siyang makausap at masamahan, Kailangan niya rin ang tulong Baby love. Pero kung ayaw mo hindi ko gagawin, kung hindi mo gustong tulungan ko si Estela hindi ko gagawin, sabihin mo lang Baby love. Huwag itong ganito na hindi mo ako kikibu-in. Ayaw ko sa tuwing malayo ang tingin mo at ang lawak ng iniisip mo ayaw ko. Baka iiwan mo nalang ako bigla." Mahabang sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata. Agad kong inabot ang mukha niya at marahan 'tong hinawakan.
"Dan. I trust you, okay? I trust you." Sabi ko habang hinahawakan ko ang mukha niya agad naman niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Born To love You(Series #2) Completed
Romance(love series #2) Completed I Died A Million Times But You Saved Me, Then Realization Strike Me I Am Born To Love You So Let Me Love You Till I Died And Born Again And Still Chosing To Love You Till The End. January 8, 2021-started July 25, 2021- End