PART 43

314 13 0
                                    

"D-Dan?" 'yan lang ang lumabas sa bibig ko habang naka hawak siya sa beywang ko.

Wala akong nakitang emotion sa mukha niya his eyes are like an ice. He coldly stare at me.

"Next time, be careful.  Miss." Malamig na sabi niya at dahan-dahan niya akong binitiwan.

Napakurupa-kurap lang ako habang nakatingin sa kaniya. Agad siyang nag iwas ng tingin at nilampasan agad ako, habang ako ay  nakatulalang naka tingin sa kaniya, hindi agad ako nakapag react dahil sa gulat ko.

Hindi ako nakapag handa sa pagkikita ulit naming dalawa.
Biglang nanubig ang mga mata ko ng mapagtanto kong ang lamig ng pakikitungo niya sa akin, parang may kung anong tumarak sa puso ko ng ma-realize ko kung gaano kalaki ang ipinag bago niya.

Dahan-dahan akong tumingin sa likuran niya habang nag lalakad siya palayo sa akin.

He called me Miss like I am a stranger to him, hindi na siya ang Dan na nakilala ko, hindi nga ba?
O baka naman hindi ko lang talaga siya kilala.

Napasinghap ako at agad na pinahiran ang mga luhang tumulo sa pisngi ko.

"Okay lang 'yan Kazumi, iniwan mo siya, kaya dapat tiisin mo kung paano ka niya itrato. Ikaw ang nang-iwan kaya mag dusa ka." Bulong ko sa sarili ko at pumasok agad sa elevator.

Akala ko masakit kapag makita ko siyang may kasamang iba, pero hindi ko alam na mas masakit pala ang itrato  niya akong  parang hindi kilala.

Tulala lang ako habang nasa elevator ko, hindi ko kayang matanggap na, nah bago na siya, hindi ko kayang ma tanggap na hanggang tingin nalang ulit ako sa kaniya, pero ayaw ko rin siyang hawakan dahil alam kong hindi ko 'yon magagawa dahil ayaw kong masira ang pangalan niya, dahil nasa showbiz ako, ayaw kong magulo ang buhay niya ng dahil lang sa akin, tama na 'tong hanggang tanaw at tingin nalang ako sa kaniya at sa anak ko.

Alam na kaya ni Cynth na hindi si Estela ang tunay niyang Ina? Ano kaya ang naramdaman niya? Galit kaya siya sa akin?
Kinamuhi-an na kaya niya ako?
Gusto kaya niya akong makilala?
Napaka raming tanong ang gusto kong malaman, ang napaka raming tanong ang gusto kong mabigyan ng kasagutan pero hindi ko alam dahil ayaw kong masira ang career ko at ayaw ko rin silang madamay pareho sa magulong mundo ko.

Ng bumukas ang elevator ay agad kong inayos ang malaking sun glasses ko at inayos ang suot ko.  Agad akong nag lakad papunta sa kotse ko, ng may makita akong isang babaeng nag lalakad sa may parking lot, at sa unang tingin ko palang ay alam kong isa siya sa mga empleyado sa company ni Manager Cassia. I think shes one of our staff, pero nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ang babae.

"A-Ate?" Medyo napa lakas ang sabi ko kaya napatingin siya akin.

Nong una ay nagtataka ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin, pero ng mahubad ko na ang sun glasses ko ay doon lang gumuhit ang pagka gulat sa mga mata niya. Alam kong dapat galit ako sa kaniya, dapat hindi ko na siya tinatawag na ate dahil kinalimutan at kinamumuhi-an nila ako pero hindi ko magawa, hindi ko magawang magalit sa kanila dahil pamilya ko sila at mahal na mahal ko sila.

"K-Kazumi? I-Ikaw ba talaga 'yan?" Aagd na sabi niya at dahan-dahang lumapit sa akin, bahagya akong napaatras dahil baka kung anong gagawin niya sa akin, nakikita ko ang saya sa mukha niya at sa mga mata niya.

"Is that really you?" Naluluha ng sabi niya at niyakap niya agad ako.

Hindi agad ako nakapag salita dahil sa gulat ko, akala ko galit na galit siya sa akin? Akala ko ayaw na niya akong makita? Akala ko ba kinalimutan na nila ako?

Napahagulhul nalang siya bigla sa balikat ko habang yakap-yakap niya ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil gulat na gulat parin ako sa ginawa niya.

Born To love You(Series #2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon