PART 06

282 10 0
                                    

Within you I lose myself. Without you I find myself wanting to become lost again.


NAPATULALA nalang ako habang pinapanood ang mga costumers na pumapasok sa loob ng bar hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa ko 'yon kanina.

Shit! Nakakahiya!

Bakit ko naman siya binigyan ng panyo? halata namang may panyo siya at isa pa kaya hindi rin siya nakapag punas agad  dahil maraming bumabati sa kanila!

Kaya napailing nalang ako at napa face palm.


"Huy kazumi ayos ka lang?"tanong sa akin ni Ryan kaya napatingin agad ako sa kaniya.


"Y-yes a-ayos lang ako anyways si Ma'am shemmy wala pa ba?"pag-iiba ko sa usapan dahil tanginang hiya kanina hindi ko parin makalimutan.

"Wala pa si ma'am shemmy."sagot ni Ryan at nag m-mix ng drinks kaya napapikit nalang ako ng mariin.

"Kazumi may mga costumers tayo oh baka naman may balak kang tanungin kong ano ang mga orders nila."sabi ni Ryan kaya napatitig ulit ako sa kaniya at inirapan siya.


MATAPOS kung kunin at ihatid ang mga orders ay agad kong nakita si ma'am shemmy na kakapasok lang sa loob ng bar kaya napalunok ako.

Paano kung galit si ma'am shemmy sa akin dahil kanina?

Paano kung tatanggalin niya ako sa trabaho dahil nilalandi ko ang crush niya?

Si Elethreia naman talaga ang may pakana ng lahat ng iyon!

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may kasama pala siya.

Nakikita ko ang inis sa mukha ni ma'am shemmy dahil sa lalaking nakasunod sa kaniya.

Kaya naman ng makalapit siya sa may counter ay inis niya itong tinapunan ng tingin.

"Ano ba Maxilous pwede ba layuan mo ako at naririndi na ako sa mukha mong animal ka. Kanina mo pa ako iniinis tangna!"galit na talagang sabi ni ma'am sa kasama niya kaya naman napa lapit agad ako sa kanila.

"Ikaw na nga itong hinatid ikaw pa itong galit Shemmy naman baka akala mo wala akong trabaho."sabi ni Maxilous at halatang nagtitimpi lang kay ma'am shemmy kaya inis siyang tinapunan ng tingin nito.

" Edi umalis ka hindi kita kailangan at sino ba ang may sabi sayo na ihatid mo ako huh?! Kaya ko ang sarili ko Maxilous i don't need you period kaya alis na shupiii!" Galit na sabi ni ma'am shemmy at itinulak si Maxilous na ngayon ay nag tiim bagang.


"Bahala ka na nga diyan basta ang usapan natin bukas huwag mong kalimutan bye baby love." Mapanuyang  sabi ni Maxilous kay ma'am shemmy kaya mas lalo lang nag alburoto sa galit si ma'am Shemmy.


"Layas ayaw ko nang makita ang pangit mong mukha Maxilous baka nakalimutan mo nasa bar kita kaya umalis kana  dahil hindi ka welcome dito baby love your ugly face!"sabi ni ma'am shemmy at itinulak na si Maxilous kaya bahagya akong natawa.


Hindi man nila alam pero may chemistry silang dalawa.

"Kazumi halika nga dito at may itatanong ako sayo." Baling ni ma'am shemmy sa akin ng makaalis na si Maxilous kaya  napalunok ako.

"B-bakit po ma'am shemmy?"agad na tanong ko mg makalapit na ako sa kaniya kaya nangunot ang noo niya.

"I already told you kazumi don't call me ma'am pareho lang tayong nag tatrabaho dito sa bar namin kaya kung pwede shemmy nalang ang itawag mo sa akin naasiwa ako sa ma'am hindi naman ako teacher."sabi niya at inis akong sinulyapan kaya napayuko ako.


Born To love You(Series #2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon