PART 42

325 12 2
                                    

Napahinga ako ng malalim dahil kinakabahan ako. Nandito ako ngayon sa bahay namin, gusto kong makita muna sila Mama at Ate bago ako aalis, kahit ayaw nila akong makita, kahit pag-tatabuyan pa nila ako ng ilang beses, kahit paalisin pa nila ako, kahit sampalin pa nila ako ng ilang beses at kahit ipamukha pa nila sa akin kung gaano ako ka walang kwenta para sa kanila ay magpapakita parin ako, dahil pamilya ko sila.

Itataas ko na sana ang kamay ko para kumatok pero na bitin sa ere ang kamay ko ng may biglang mag salita sa likuran ko.

"Kazumi? What are you doing here again? We don't need you here. Kaya maari ka nalang umalis." Mataas na boses na sabi nito at kahit hindi pa ako humarap  rito ay kilala ko kung sino ang nag mamay-ari ng boses na 'yon.

"Gusto ko lang makita kayo bago ako aalis ate, gusto ko lang magpa-aalam sa inyo--"Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad siyang nag salita.

"We already forget you Kazumi. At sana kapag umalis kana, pwede bang huwag ka nalang bumalik?! Tandaan mo kahit kailan ay hindi ka namin matatanggap at kahit ipag landakan mo pa sa buong mundo na nakamit mo na ang mga pangarap mo, it still can't change the fact that you are still not welcome here." Inis na sabi niya at inirapan ako.

Parang piniga ang puso ko dahil sa sinabi ni Ate, agad na napa tulo ang mga luha ko. Palagi nalang bang ganito ang buhay ko?

"Umalis kana Kazumi habang wala pa si Mommy, umalis kana dahil baka masampal kana naman niya at baka mas masakit pa ang maririnig mong mga salita galing sa kaniya. Kaya umalis kana. Alis." Aniya habang galit na nakatingin sa akin.

"A-Ate--" Nabitin na naman sa ere ang sasabihin ko dahil nag salita na naman siya.

"I said umalis kana! Ano ba ang hindi mo maintindihan Kazumi?! Ang sabi ko hindi ka namin kailangan dito! Kinalimutan kana namin! Kaya pwede ba?! Umalis kana! Hindi ka namin kilala!" Aniya at agad akong hinila palayo sa pintuan ng bahay namin.

Ramdam ko ang gigil sa paghila niya sa akin, ramdam ko kung gaano siya kainis sa akin.

"Never ever comeback here again Kazumi. never." Aniya at patulak akong binitiwan patuloy lang sa pag tulo ang mga luha ko.

Agad niya akong tinalikuran at nag lakad siya papunta sa pinto ng bahay at marahas itong binuksan. Ng mabuksan na niya ito ay huminto muna siya at nag salita.

"Tinuring kana naming patay Kazumi. Kaya sana huwag ka ng bumalik dahil walang patay na bumabalik." Aniya at marahas na isinara ang pinto.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napaluhod nalang ako sa lupa.
Kasabay nito ay ang pag hagulhul ko. Wala akong pakialam kahit maputikan ako, wala akong pakialam kahit malunod pa ako sa putik at kahit  mapuno pa ang buong damit ko ng putik.

Umiyak lang ako ng umiyak dahil punong-puno na ang puso ko, hindi magkasya ang bawat sakit na pumapasok dito.

Kailan pa nila ako matatanggap?
Kapag wala na ako? Kapag kinalimutan ko narin sila gaya ng paglimot na ginawa nila sa akin?
Ang sakit ang sakit. Aalis akong wasak, aalis akong pira-piraso ang puso ko at ang pagkatao ko. Aalis akong basag, aalis akong walang ibang pinag hahawakan kundi ang mga pangarap ko lang.
Talaga bang hindi na nila ako matatanggap?

Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanila at bakit ang sama nila sa akin, lahat naman ginawa ko para matanggap nila ako, lahat kinaya ko para lang mahalin rin nila ako.

Wala na nga akong kwentang Ina, Wala narin akong kwentang anak, Wala akong kwenta. Wala.
Nagulat nalang ako ng may biglang humawak sa mga balikat ko.

Ng mag-angat ako ng tingin ay si Dan ang nakita ko. Agad sumalubong sa akin ang mga mata niyang walang emos'yon ang mga mata niyang parang yelo, mas lalo lang akong napaiyak dahil nandito na naman siya, nandito na naman siya para salbahin ako para damayan ako.

Born To love You(Series #2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon