"Hoy Kazumi nakatulala kana naman diyan." Panggugulat sa akin ni Ryan dahil nakatunganga lang ako habang nakatingin sa mga nag-iinumang mga costumers.
Mabuti nalang at maliit lang ang tao sa Bar at hindi gaanong busy kaya may oras akong mag emote-emote.
"Ang lalim ng iniisip natin. Share share naman diyan. Baka maisipan mong tumalon sa ilog pasig. Naku Kazumi sayang ang itsura mo kung magpapakamatay ka lang dahil sa isang tao." Birong sabi ni Ryan at natatawang umiling-iling.
"Baliw.. iniisip ko kung kailan ko kaya ibibigay kay ma'am Shemmy ang resignation letter ko." Sabi ko at nakita ko ang gulat sa mga mata ni Ryan.
Laglag ang panga niya at nakatitig lang sa akin na para bang may nasabi ako ng hindi kanais-nais.
"A-ano?.. Mag re-resign ka? Agad agad?" Gulat na sabi niya.
Huminga muna ako ng malalim at tumango, nakapag decision na ako, at alam ko na ngayon ay tama na ang decision ko.
"Iiwan muna kami Kazumi? Hindi ka naman namin inaapi dito ah. Katunayan nga ini entertain kapa namin dito." Sabi ni Ryan kaya napatawa nalang ako.
Maybe I will miss them, ayaw ko rin naman sana pero anong magagawa ko? I want to achieve my dreams, I want to fly high and chase my dreams.
Tama sila hindi ako makakausad kong mananatili lang ako sa isang lugar, hindi ako makakawala at makakatayo ng maayos kapag hindi ako lalakad ng tuwid.
"Mamimis ko rin naman kayo." Sabi ko at napatitig sa mga lights na may iba't- ibang kulay.
"Ayan naman pala i bakit ka mag re-resign kung ganon?" Nagtatakang sabi niya.
I let out a heavy sigh.
"Kasi tama kayo hindi ako makakausad kong hindi ako aalis sa isang lugar, hindi ako makakaahon kapag mananatili ako dito. Tama ka--kayo na sayang ang itsura ko kapag dito lang ako sa Bar mag tatrabaho. Nakapag decision na ako Ryan mag re-resign na ako." Sabi ko habang nakatulala lang.
Naramdaman kong tinapik tapik niya ang balikat ko.
"Naiintindiha ko Kazumi, may malaki kang pangarap, pero sana kapag marating muna ang mga pangarap mo, huwag mo sanang kalimuta kung saan ka galing at kung saan ka nagsimula. Olarks huwag mo kaming kalimutan." Madramang sabi ni Ryan kaya napatawa nalang ako.
Mamimis ko talaga siya--sila. Dahil parang pamilya narin ang turing ko sa kanila. Lalng lalo na si ma'am Shemmy.
"Oo naman babalik ako rito at kapag may pera na ako ililibre kita ng milktea Hahaha." Sabi ko at natawa na talaga.
Nang makarating si ma'am Shemmy ay agad ko siyang nilapitan at kinausap. Noong una ay nagtataka siya kong ano ang sasabihin ko sa kaniya perp kalaunan ng makita niya ang paper na hawak ko ay kumunot ang noo niya. Alam ko na may idea na siya but she didn't conclude it yet.
"What is it Kazumi?" Agad na tanong niya habang nakatingin sa paper na hawak ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ng salita.
"Ma'am Shemmy--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya agad ang sinabi ko.
"Drop the Ma'am. I already told you.. Just call me Shemmy not Ma'am. Magka edad lang tayo Kazumi and stop being too formal. Nakakailang." Natatawang sabi niya kaya napangiti nalang rin ako.
BINABASA MO ANG
Born To love You(Series #2) Completed
Romance(love series #2) Completed I Died A Million Times But You Saved Me, Then Realization Strike Me I Am Born To Love You So Let Me Love You Till I Died And Born Again And Still Chosing To Love You Till The End. January 8, 2021-started July 25, 2021- End